Kabanata 63

5.2K 97 4
                                    


Hindi ko alam kung ilang oras kaming na'sa ere na lumilipad pero sigurado akong maraming oras ang lumipas bago kami tuluyang makababa ng eroplano at sa wakas ay makaapak na sa  Auckland Airport, hindi naman kami nagtagal ni Alexander sa Airport dahil talagang parang planadong-planado na nito ang mga gagawin namin.

Paglabas na paglabas namin sa Airport ay may sumundo sa'ming isang Filipino rin, base sa paguusap nila ni Alexander ay parang ngayon lang rin sila nagkakilala at siya ang natala na maghahatid sa amin doon sa Apartment raw na tutuluyan namin hanggang nandito pa kami.

Tahimik lamang ang buong biyahe dahil wala kaming gana ni Alexander na magsalita siguro sa haba na rin ng biyahe namin, isama mo pa ang antok dahil kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog ng maayos sa loob ng eroplano, hindi ko alam kung paano iyon nagagawa ni Alexander pero siguro ay dahil sanay na siya

Hindi ko maiwasang maisip na baka mahulog kami at pagnagkataon ay tulog ako, hindi ko lang maiwasan na magisip ng ganoon at hindi makapaniwala sa buong byahe sa ere na pupunta ako sa ibang bansa... sobrang dami lang nang nangyari sa akin sa ilang buwan na wala si Tata at kuya, hindi ako makapaniwala.

Matagal rin ang biyahe namin bago kami binaba noong nagsundo sa'min sa Airport sa isang magandang siyudad, doon niya kami binaba sa isang may kataasang gusali na modernong-modero ang disenyo, nang iikot ko ang buong mata ko at damhin ang simoy ng hangin, sapat lamang ang lamig na nararamdman ko na masarap sa pakiramdam.

Dinadama ko pa ang sarap ng panahon ng bigla kong marinig ang boses ni Alexander. "Let's get our things first in the Apartment." Bulong nito sa'kin at doon ko pa lang napagtanto na may lalaki galing sa loob ng gusali na inilalagay ang bagaheng dala ni Alexander sa isang lalagyan kung saan nilalagay ang mga luggage.

Nagpaalam muna kami at nagpasalamat doon sa Filipinong naghatid sa amin at siyaka sinundan na ang lalaking may dala ng luggage ni Alexander sa may elevator at pumasok doon, sa 7th floor ang pinindot ng lalaki kaya siguro doon kami tutuloy.

Hindi nga ako nagkakamali dahil doon kami bumaba at sinundan pa ang lalaking may dala ng luggage namin hanggang sa pinaka dulong bahagi sa isang pasilyo, nang buksan niya iyon ay halos mapanganga ako dahil tulad ng penthouse ni King ay salamin ang dingding, kitang-kita ang isang mataas na tore sa labas at ang magandang siyudad ng Auckland.

Hindi nga ako nagkakamali dahil doon kami bumaba at sinundan pa ang lalaking may dala ng luggage namin hanggang sa pinaka dulong bahagi sa isang pasilyo, nang buksan niya iyon ay halos mapanganga ako dahil tulad ng penthouse ni King ay salamin ang...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Binaba lang ng lalaki ang mga gait namin at agad na lumabas.

"This isn't that big but I think it's enough for the two of us." Basag sa katahimikan ni Alexander at sinara na ang pintuan. "D'you like it?"

"Sobra!" Masayang ika ko at inupuan agad ang malambot na hinagaan, pagbukas na pagbukas ng pinto ay higaan agad ang una mong makikita at mas gusto ko iyong ganoon lang kaliit kaysa sa penthouse ni Alexander na magkakaligaw ligaw ka na sa sobrang laki.

"Want to sleep first or should we start visiting places?"

Dahil tila nabuhayan na ako sa magandang tanawin sa labas ng kwarto namin ay agad na napangiti ako at inaya si Alexander na mamasyal, masisisi mo ba ako na ngayon lang nakapunta sa ibang bansa? Sa labas pa lang ay hindi na ako makapaniwala na nakaapak ako sa ibang kontinte, ibang bansa, malayong-malayo sa Pilipinas.

"I've been here once, when I was 10 I think? Wala rin akong masyadong alam sa mga lugar but I think that will make it fun. Masayang maligaw, you know."

Napangiti ako sa ideya ni Alexander at agad na pumunta na doon sa may kahoy na pinto ng sandali ako nitong tigilin at suotan ng jacket na kaninina ay suot niya lang. "There." Ika nito habang inaayos iyong jacket niya sa akin na hindi naman maitatangging nakatulong sa nararamdaman ko. "You're ready." Ngiti niya at agad na kaming pumunta doon  sa may elevator kung saan rin ang sinakyan namin kanina.

"Saan tayo pupunta Alexander?" Masayang tanong  ko.

"You saw the tower earlier in the window?" Mabilis akong tumango sa tanong niya. "We're going there." Pagtatapos niya kaya napalaki ang dalawang mata ko.

"Alam mo ba kung saan iyon at paano pumunta doon?" 

Inilingan lamang ako ni Alexander.

"That's what TAXI's are for." Natatawag ika nito at lumabas na kami sa elevator nang mapunta na iyon sa unang palapag, magkahawak ang kamay namin ni Alexander na tinahak ang entrance ng gusali at kita ko ang tumulong sa amin na lalaki kanina na pinagmamasdan kami dahil agad rin kaming bumaba. Ngnitian ko lang ito ng magkatama ang mga mata namin.

Nang tuluyan na kaming makalabas ng gusali ay naramdaman ko na naman ang magandang panahon ng Auckland, New Zeaaland na nakakapagpangiti sa akin.

Eto 'yong tipo ng lamig na mapapangiti ka na lang sa sarap at mapapaisip sa buhay.

"I heard the best weather is in October, we're lucky." Ngiti ni Alexander ng mapansin na masaya ako.

Sanay ako sa magandang panahon sa probinsiya kaya naman noong unang beses ko sa Quezon Cty ay naninibago ako pero ngayon na nararamdaman ko ulit ito? Masaya...sobra.

Hindi kami nahirapan ni Alexander na kumuha ng TAXI dahil mabilis  rin namang may huminto sa amin na sinakyan kaagad namin, pagpasok na pagpasok namin ay bumati sa amin ang isang driver na puti na ang buhok at nakasuot ng malaking salamin.

"Nice weather outside, isn't?" Nakangiting bati ng driver kaya agad na tumingin ako kay Alexander dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Yes, it is." Kalmadong sagot lang ni Alexander. "Sir, d'you know the big tower---" Hindi pa natatapos ang tanong ni Alexander ay agad siyang hininto ng driver.

"Tower? Tower? It's the Sky Tower, you're going there?" Napatingin ako kay Alexander na umu-oo na lamang.

Ilang minuto rin ang lumipas at pakikinig sa madaldal na driver ang dinanas namin bago kami tuluyang binaba nito sa tore nga na mataas na nakikita namin mula pa sa Apartment namin.

"Thank you." Ang tanging sinabi ko buong biyahe bago ako tuluyang bumaba ng TAXI kasunod lamang si Alexander.

Agad kaming naglakad ni Alexander doon sa sinabi ng driver na kung saan daw makakabili ng ticket patungo sa sky deck. Nang may makita kaming bench ni Alexander ay sandali niya ako doon iniwan dahil pipila pa siya at bibili ng ticket. 

Tahimik lamang akong nakaupo doon at nagiisip nang mapahinto ako dahil sa pagmamasid sa gilid ng mata ko ay may nakita akong lalaking nakaitim, hindi ko alam kung nagtatago ito dahil na'sa loob ito ng kotse pero sinundan ko ang paningin niya... na kay Alexander nakatuon pero hindi iyon ang nakapagpalakas ng tibok ng puso ko kundi dahil sa braso nito... sa braso niyang nakikita kong may marka.

Parehas na marka doon sa mga lalaki sa mansion nila Alexander.

Pati doon sa lalaking tingin ko humahabol sa akin.



That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon