CHAPTER 59 (EDITED)

205K 3.7K 398
                                    

Update Date: 01/15/2020


*Karissa's POV*

Palingon-lingon lang si Marion dito sa kwarto ko. Akala mo inspektor kung tumingin sa lahat ng gamit ko dito.

"Nabanggit niyo kanina sa ospital ang Kuya mo. Pero pinagtataka ko lang, nasaan ang Kuya mo?"

"Wala na Kuya ko."

Halatang nagulat si Marion sa sagot ko at mabuti na rin na-gets niya agad ang ibig kong sabihin. Kapag ibang tao kasi sinasagot ko ng ganyan, hindi nila agad nakukuha ang ibig kong sabihin na patay na Kuya ko.

"Today is his 3rd death anniversary. Kaya emotional din si Mommy ngayon."

"Nabisita mo na ba siya?"

"Hindi pa. Dahil nasa ospital tayo buong araw."

Laking gulat ko dahil biglang hinawakan ni Marion ang kamay ko at hinila niya ko palabas ng kwarto. Sinisigawan ko na nga siya kung saan niya ko dadalhin pero hindi niya ko sinasagot. Pero ng nakasalubong namin si Yaya at nagtanong siya kung saan kami pupunta.

"Sa Kuya niya."

Hinayaan ko na lang sarili ko na magpahila kay Marion. Dahil alam ko naman wala din saysay kung pipigilan ko siya. At natulala na lang ako sa naging sagot niya kay Yaya.

Deep inside, masaya ako dahil makakadalaw ako kay Kuya ngayon. Siguro nga tama lang na hinatid ako ngayon ni Marion.

Itinuro ko na rin kay Marion un daan papunta sa libingan ni Kuya. Habang papunta na kami, may tinanong sa akin si Marion.

"Paano namatay Kuya mo?"

"He died from car accident. Pero para sa akin, hindi iyon ang dahilan kung bakit namatay si Kuya."

"Huh? Then what was the reason?"

"Dahil sa ex-girlfriend niyang demonyita at sa lalaking pinalit niya sa Kuya ko. Para sa akin, sila ang dahilan kung bakit namatay Kuya ko. Kung wala sila dito sa mundo, sana buhay pa Kuya ko."

Hindi ko mapigilan taasan ang boses ko. Naalala ko na naman kasi ang mga taong dahilan kung bakit nawala Kuya ko. Siguro naramdaman na rin ni Marion ang galit sa boses ko kaya nanahimik na lang siya.

Mabuti na lang at nakarating na kami sa libingan ni Kuya.

"Marion, Thank you ah."

Nagulat na lang ako dahil hindi ko narinig sa kanya ang favorite line niyang "Hindi mo na kailangan mag-thank you" pero imbes, bigla niya kong hinalikan sa noo at sabay alis.

"Hala, Kuya! Wala iyon ah. Baka isipin mo may something sa amin. Pero promise, wala talaga Kuya. Baka bigla mo lang multuhin si Marion."

Gusto kong matawa sa sarili ko dahil todo explain pa ko kay Kuya. I know naman, alam niya kung anong meron sa amin ni Marion. Siguro natuwa lang si Marion sa thank you ko kaya ginawa niya yun.

"Kuya, sorry kung muntik na kong hindi makadalaw sayo ngayon. Si Mommy kasi nasa ospital eh, pero huwag ka na mag-alala Kuya she's ok now. How are you na, Kuya? It's been 3 years already pero hindi pa din kami sanay ng wala ka Kuya. You know, everyday we always wish that you are still with us. Puwede bang hilingin mo kay Papa God na ibalik ka na lang sa amin? Puwede bang ibalik ang oras na andito ka pa?"

>>FLASHBACK<<

3 years ago...

*BLAG*

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon