CHAPTER 66 (EDITED & UNEDITED)

179K 3.5K 181
                                    

Update Date : 01/16/2020
(EDITED)

*MARION'S POV*

Andito ang buong Class 4-6 sa Dead End. Of course, except for Karissa. After of my sudden announcement, nagtext ako sa kanilang lahat na pumunta na sa Dead End.

"Vince, ano balita sa pinapagawa ko sayo?"

"Ready na boss ang sound system mo bukas."

"Are you sure?"

"Oo naman. Ako pa ba?"

"Ok, how about Japs?"

Teka, asan na ba ang shark boy na iyon? Mukhang mali yata na binigyan ko iyon ng trabaho dito.

"Andoon sa labas, busy siya sa makipagusap sa future girlfriend niya."

"And who's that girl?"

"Syempre ang bestfriend ng future girlfriend mo."

"Future girlfriend ko?"

Nagtawanan ang mga loko. May nakakatawa ba sa tanong ko?

"Pards, alam naman namin lahat kung kanino ka magcoconfess bukas. Kaya nga, wala siya dito diba?"

Ganoon ba ka-obvious na sa kanya ako magcoconfess tomorrow.

"PAANO NA UNG INUUTOS KO KAY JAPS?!"

"Kalma ka lang, Marion. Dahil dakilang bestfriend ako ni Bal, syempre ako na gumawa nun. I promise to you, hindi ka mapapahiya sa ibibigay mong bouquet of flower bukas."

"Good."

"Thank you so much, Bal!"

All smile na naman si Japs. Ok na rin na pinasa niya ang trabaho niya kay Vince. Dahil wala din akong tiwala sa shark boy na to. Baka ang ibili pa niyang bulaklak pang-patay pa.

"Teka, nasaan na ba un iba? Bakit wala sila dito?"

"Pards, nandoon sila sa kwarto."

"Ano naman ginagawa nila doon?"

"Hayun, pinapalobo un mga balloons."

"What the f*ck?! Bakit sila ang nagpapalobo noon?!"

"Kanino mo pinautos?"

"Kay Jack."

Bakit ko nga ba kay Jack inutos iyon? Malamang, para makatipid siya, hindi siya nagpagawa ng mga balloons na pinaorder ko. Kundi, ang Class 4-6 na lang ang magpapalobo ng mga balloons.

Siguraduhin lang na Jack na walang papalpak sa pinagawa ko sa kanya.

"Ikaw ba, Pards. Anong balita sa pinapagawa ko sayo?"

"Of course, natawagan ko na lahat ng mga media. At syempre hindi ako nahirapan, iinvite silang lahat. Sino ba naman kasi gustong mawala sa big confession ni Marion Gatcheco?"

"Nice."

"Sigurado ka ba Marion na gusto mong nandoon din ang media?"

"Oo, sigurado ako Vince. Mas gusto ko iyon para malaman ng buong mundo kung kanino ako magcoconfess."

"Pards, matanong ko lang, bakit nga pala biglaan itong confession mo? At gusto mo talaga malaman pa ng buong mundo."

Kilala talaga ako ni Nathan. Well, kahit naman ako ayoko ng ganitong confession. But this what I needed to do para hindi matagumpay si tanda sa mga gusto niya.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon