CHAPTER 7: FIRST FIGHT with KARISSA (EDITED)

293K 5.7K 772
                                    

Posting this edited chapter since hindi siya kasama sa book version. 

*******************************

*KARISSA'S POV*

May mali, may mali talaga. Kanina pa ako papalapit ng papalapit sa room namin pero may mali talaga. TAHIMIK ANG CLASSROOM NAMIN. At hayun na nga ba. Isa lang talaga ang pwedeng dahilan kung bakit mananahimik classroom namin. Eh ano pa nga ba? WALA SILANG LAHAT.

Mga lokong yun ah. Heto naman ba ang trip nila this week? Iwanan ako dito mag-isa? Well, bahala sila. Mas masaya nga to eh, wala akong pinoproblemang ---

"WHAAAT?!?! Anong nangyari sa'yo Jin? Sino may gawa niyan sa'yo?!"

Hindi pala ako nag-iisa. Andito pa pala si Jin, classmate ko na matino pa para panatilihin ang name tag niya sa front pocket ng polo uniform niya. Pero grabe, anong nangyari sakanya? Ang dami niyang galos at pasa.

"Wala ito."

"Anong wala?! Eh halos mamatay ka na diyan!"

"Pwede?! Tumahimik ka diyan! Hanapin mo nalang sila Marion at sabihin mo sa kanila na pumunta sila sa lumang bodega sa tabi ng ilog. Naghihintay sa kanila dun ang Kingston Boy School."

Ay hayun, tumakbo na nga ako. Tipong pang-marathon sa bilis. Pero hindi ako tumatakbo para hanapin sila Marion.

"HAHA! Nakakatuwa yung isang Class 4-6!"

"Iyan ba yung sinasabi nilang worst section? Eh halos mamatay na sa pinaggagawa natin."

"Excited na akong makita silang nangigigil sa galit. Hahaha."

"Isa-isa natin silang patutumbahin!"

"Bago niyo muna gawin yan sakanila, dadaan muna kayo sa akin!"

Hindi ko alam. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ako umalis sa pinagtataguan ko at ngayon ay umaastang tagapagtanggol ng naaapi. Ang ganda pa ng entrance ko, eh isang section pala itong nandito. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko?

"At sino ka?"

"Ako? I'm Karissa Asajar from Class 4-6!"

"CLASS 4-6?!!"

"So, ikaw yung galing sa Xavier Girl High? Ang kaisa-isang babae sa Class 4-6. Their 'little princess'..."

"Will you stop calling me 'little princess'?! Akala niyo natatakot ako sa inyo?! Pwes, diyan kayo nagkakamali! Ano ba kailangan niyo sa kanila, ha?"

Grabe. Ganito ba lahat ng leader o presidente? Sadyang nakakairita?? At akala talaga nila natatakot ako oh. Hindi ah. Hindi talaga! ... sila nagkakamali. Wala ba ditong undo button???

"Gusto lang naman naming sila ma-expel!!"

"Expel??! Sobra naman kayo! Wala naman ginagawa sa inyo ang Class 4-6!!"

Teka Karissa, sinong niloloko mo? Class 4-6 ang pinaguusapan natin dito. Sira ka talaga.

"For your information, sila lang naman ang dahilan kung bakit kaming lahat ay na-expel!!!"

"Kayong lahat?!?!"

Iba na talaga ang pagkalala ng Class 4-6, isang section pa ang na-expel dahil sakanila. Ang tindi. Pero teka nga,

"Hoy!! Mga panget! Wag na wag kayong lalapit!! Tigilan niyo yan! Dyan lang kayo! Hoooooy!"

Jusko, Karissa. Heto na nga ba. Ano ba kasi pumasok sa kokote mo at nag-feeling Wonder Woman ka?!?! Sino naming superhero ang paatras kung umatake? Oh, sige! Magpaka- The Flash ka naman, tumakbo ka na... Syempre huli na ang lahat diba? ANO NA?! CLASS 4-6, HELP ME!!

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon