CHAPTER 39 (EDITED)

209K 4.1K 370
                                    

Update Date: 08/09/19

*KARISSA POV*

"Chris!!!"

"Oh? Bakit?"

Hingal na hingal ako dahil sa kakahabol kay Chris. Matagal ko rin kasi na-absorb sa sarili ko ang mga nangyari.

"Gusto ko sana magthank you."

"Naku, wala iyon, Karissa."

"Pero paano na lang kayo ng kapatid mo? Dahil dun –"

"Huwag ka nang maguilty diyan. Hindi rin naman maganda ang samahan namin."

"Huh? Bakit?"

"Kailangan pa bang itanong? Sa ugali ba naman namin, malalaman mo na. Obvious naman na magkaibang-magkaiba kaming dalawa ng ate ko."

"Teka, ate? Paano nangyari yun? Eh ang alam ko, same age kami ni Monique. Paanong kabatch ka namin?"

"Accelerated kasi ako. One-year lang naman agwat namin ni ate."

"Wow, talino mo pala. Ka-level mo na pati ate mo."

"That's one of the reason why she hates me."

Parang ang lungkot ng boses ni Chris. Nakikita ko sa mga mata niya, mahal niya ang ate niya.

"Teka, nawawala na tayo sa point."

"Huh?"

"Alam ko naman na magtatanong ka tungkol kay Marion."

"Huh? Ano? Kay Marion? Hindi ah."


"
Karissa, huwag ka na magdeny. Itanong mo na."

Paano nalaman ni Chris na magtatanong ako tungkol kay Marion? Ganoon na ba kahalata sa mukha ko iyon? Or sadyang manghuhula lang talaga si Chris.

"Sige na nga, magkkwento na ko."

"Ikkwento, yung ano?"

"Yung gusto mong malaman, kung paano ako naging ebidensya ni Marion."

>>FLASBACK<<

[CHRIS'S POV]

Kakatapos lang ng training namin. Nagaayos na ko ng mga gamit ko. Pero may biglang pumasok.

"A-ano ginagawa mo dito?"

Teka, anong ginagawa niya dito? Bakit andito si Marion Gatcheco?

"Bawal na ba ako dito?"

"Hi-hindi naman. Pe-pero, babalik ka na?"

"Pwede ba? Wag kang utal diyan. Hindi iyon ang pinunta ko dito."

"Akala ko pa naman. Bakit ka pumunta dito? Ay wait, don't tell me, may first project na tayo sa Student Council?"

"Lahat ng iniisip mo mali, Mr. Jalandoni."

Paanong... Oo nga pala, bakit ko nga pala itatanong kung paano niya nalaman? Malamang siya si Marion Gatcheco.

"Tama narinig mo, alam ko na kapatid mo si Monique. At kailangan ko ang tulong mo."

"Don't tell me, may gusto ka sa ate ko?"

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon