CHAPTER 65 (UNEDITED)

181K 3.7K 322
                                    

[KARISSA'S P.O.V.]
Tatanungin niyo ko kung sumakay ako sa kanya?
Well, makakahindi ba ako sa isang Marion Gatcheco?
Wait, let me rephrase it,
Magagawa ko bang humindi sa isang Marion Gatcheco
Na Marion Gotiangco na ngayon,
 

MARION: Sh*t! 
KARISSA: Huh? Bakit? 

Nagulat na lang ako dito kay Marion dahil bigla-bigla nagsasalita,
Pero, ano na naman ba problema nito?
O_O OMG!
 

KARISSA: Bakit ang daming reporters sa tapat ng school natin? 
MARION: Tinatanong pa ba yan? 
KARISSA: Omg! Ganun kabilis kumalat? 
MARION: Tawagan mo nga si Nathan. 

Amp! Grabe naman makautos toh,
Pasalamat na lang talaga siya ma--- ayoko na sabihin
Kinuha ko na yun phone ko, 


KARISSA: Hello Nathan... Kasama ko si Marion... Andito pa kasi kami --- 

Ugh, may biglang kumuha ng phone ko,
Sino pa nga ba gagawa nun? 


MARION: Bakit nasa labas yan mga yan? ... Tsk, humanda sa akin yan matandang yan. 

Binaba na ni Marion un tawag at binalik un phone ko, 
Mukhang pikon na talaga si Marion. 


MARION: Karissa, humawak ka ng mabuti. 
KARISSA: Huh? 

Bumusina ng napakalakas si Marion,
Kaya lahat ng reporters napatingin sa amin,
Ano ba kasi ginagawa nitong si Marion?
Tapos bumusina ulit siya ng napakalakas kaso mukhang walang gusting gumalaw,
*BWOOOOOSSHH*
Alam niyo ginawa niya?
Walang alinlangan, pinatakbo niya ng napakabilis un kotse,
At malamang tumabi lahat ng media,hello?
Syempre may mga takot pa tong mamatay. 


KARISSA: SIRA KA NA BA?!! GUSTO MO BA TALAGA PUMATAY?!! 
MARION: Ano na naman ba problema mo? Nakapatay ba ko?!
KARISSA: Pero --- 
MARION: Hindi pa ba tayo baba? 

OMG, Ngayon ko lang narealize nasa tapat na kami ng school,
Wala ng media, pero halos lahat ng kaschoolamate namin ay nasa tapat ng kotse ni Marion,
The worst thing is, ANDITO AKO SA LOOB NG KOTSE NI MARION!
At mukhang wala akong Makita kahit anino ng mga bestfriend ko at ng Class 4-6.
Naramdam kong may nagbukas ng pintuan sa side ko,


MARION: Huwag mong sabihin bubuhatin pa kita palabas diyan? 

MARION NAMAN!!!
Bakit pinagbuksan pa niya ko ng pintuan?!
Lalo tuloy kami pinagtitinginan,sigurado akong naaatat ng makita ng mga kaschoolmate naming kung sino un kasabay at nakasakay sa kotse niya,
Super TINT naman kasi ng kotse niya kaya nakakacurious,
Nakakainis talaga tong si Marion,kayang kaya ko naman buksan un pinto e!
Bigla ko na lang naramdaman na may humigit sa akin palabas ng kotse,
MARION!!!!!!!!!!!! 


STUDENT1: Oh gosh! Si Karissa un diba? 
STUDENT2: Sila na ba? 
STUDENT3: Siguro matagal na niyang alam na anak ni Mr. President si Marion. 
MARION: Kayang-kaya ko kayong patanggalin ngayon dito sa XH kung hindi niyo patatahimikin yan mga bibig niyo. 

Syempre parang nawalan ng bibig un mga toh, 
Grabe talaga ,manakot tong si Marion,
Paalis na sana kami pero --- 


CHLOE: KUYA MARION!!! 

Uh-oh, feeling ko meron hindi maganda,
Nasa harap na namin si Chloe,
Pero sobrang sama ng tingin niya sa akin!
And i can feel, SHE REALLY HATES ME.
 

CHLOE: Why are you with her?
MARION: Chloe, let's talk about this later. 
CHLOE: NO!! ANSWER ME NOW! AND WHERE DID YOU SLEEP LAST NIGHT?! 

OMG!! I don't like this,
Mukhang nanglaki un mga mata ng mga kaschoolmate namin, 
At nafeel ko, napansin din Marion un 


MARION: LAHAT KAYONG NANDITO, PUMASOK NA KAYO SA MGA CLASSROOM NIYO! 
CHLOE: NO! STAY HERE! I can all kick you out from this school! 
MARION: Subukan niyong makinig sa kanya hindi lang dito sa loob ng school na toh magiging miserable buhay, kayang kaya ko idamay pati buhay niyo sa labas ng school na toh! 

Halatang nanginginig na sa takot un mga kaschoolmate namin,
At namumula na sa galit si Chloe, 


MARION: ANO?! HINDI PA BA KAYO AALIS? SIGURADUHIN NIYO DIN PALA NA WALA AKONG MAKIKITANG KAHIT ANINO O PARTE NG KATAWAN NIYO SA HALLWAY! DAHIL IHANDA-HANDA NIYO YAN DROPPING FORM NIYO! 

at hayan, nagsipagtakbuhan na lahat papasok ng school,
Ibang klase talaga manakot toh. 


CHLOE: KUYA! WHY ARE YOU DOING THIS TO ME?! 
MARION: Chloe, tumigil ka muna. Bumalik ka na sa classroom mo. 
CHLOE: AYOKO NGA! BAKIT BA KASI KASAMA  MO SIYA? I THOUGHT LALAYO KA NA SA KANYA! 
MARION: CHLOE! I SAID STOP IT!!! 

omg, ngayon ko lang talaga masasabi magkapatid nga tlaga sila,
Parehas silang nakakatakot magalit,
Tumakbo na lang agad si Chloe papunta sa room niya
At nakita ko rin na mukhang paiyak na siya, 


MARION: Karissa, halika na. 

Nagulat na lang ako dahil ang kalma na ulit ng boses niya,
Ganun ba talaga kabilis magbago ang mood nito?
Sumunod na rin ako sa kanya,
Paakyat na kami ng hagdanan ng may naalala ako, 


KARISSA: Marion, sana hindi mo na lang sinigawan ng ganun si Chloe. 
MARION: Ayoko muna. 
KARISSA: Pero--- 
MARION: Please? Pagod na ko, Karissa. Pagod na pagod. 

Humarap sa akin si Marion, 
Ang lungkot ng mukha niya na parang naguguluhan,
Alam niyo un ginawa ko? 
Niyakap ko siya, totoo, YAKAP TALAGA.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko toh, pero nararamdaman kong dapat kong gawin toh,
Alam kong nagulat si Marion sa ginawa ko,
Pero nagulat din ako sa ginawa niya,
Niyakap din niya ko! 


KARISSA: Andito lang ako lagi, kapag hindi mo talaga kaya lahat, tandaan mo andito lang ako. 
MARION: Salamat, Karissa. 
KARISSA: Naiintindihan ko na kung bakit bigla kang nagbago, siguro nga mas mabuti na muna ngayon na lumayo ako sayo kasi... 

Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinawakan un magkabilang balikat ko, 
At ang sama pa ng tingin sa akin


MARION: Subukan mo lang gawin yan,Karissa. Malalagot ka sa akin.
KARISSA: Hindi mo ko madadaan sa panakot mo. 
MARION: Try me, Karissa *smirk* 

Tumalikod na ang loko,
Malakas pa rin mangasar ! 
Pero mas okay na ito, kaysa naman un kanina. 


*CLASS 4-6*

Mukhang hindi na papasok si Mr. Vox.
Nagtuturo na rin kasi un english teacher namin,
Pero as usual, wala na naman nakikinig sa kanya,
Syempre except sa akin 


*tok*tok*tok*

Napatingin naman ako dun sa kumakatok, pati din si Mam.
Pero un Class 4-6? Wag na kayo umasa. 
Schoolmate din namin un kumakatok, pero mukhang nanginginig sa takot, 
Sa bagay, nasa CLASS 4-6 siya.  


STUDENT: Mam, pinapatawag po ni Mr. President si Marion po sa office niya. 
MAM ENGLISH: Mr. Gotiangco, please proceed now at Mr. President office. 

Napatingin lahat kay Mam at Marion,
Halatang may takot sa mukha si Mam.
Pero si Marion, kalmado lang.
Tumayo na siya at mukhang palabas na rin ng classroom, 
Pero tumigil muna siya sa pinto 


MARION: Call me again with that f*cking surname then get ready your resignation letter.  

Halatang nanginig sa takot un english teacher namin.
At umalis na rin si Marion, 
Pagkaalis ni Marion, umalis na rin un teacher namin,
Mukhang hindi na nakayanan magturo,
Kaya itong mga classmate ko, akala mo may birthday celebration

After 1 hour...

Wala pa din si Marion,
1 hour na, 5 mins na lang lunch time,
Bakit parang ang tagal niya??
Teka, bakit ang dami kong tanong?! 
Hindi ako nagaalala sa kanya! PROMISE! 


*PA BELL RING*

Huh? May announcement?
Ano naman kaya? 


***: NO CLASSESS TOMORROW! 
HT: Marion, bitawan mo yan mic. Sige na, magagalit si Mr. President. 
MARION: Wala akong pakialam sa kanya! 

OMG!! Si Marion un!! 
Anong iaanouncement niya?! Teka bakit no classes?!!
Lahat ng classmate ko tumahimik,
Malamang si Marion na yan.
At alam kong curious din sila sa sudden announcement ni Marion 


MARION: Okay, hindi ko ibig sabihin NO CLASSES TOMORROW, hindi na kayo papasok dito. LAHAT KAYO REQUIRED PUMASOK BUKAS! DAHIL MERON AKONG I-AANOUNCE. Sasabihin ko na sa lahat kung sino un taong MAHAL KO at ang gusto kong maging GIRLFRIEND. KAYA LAHAT KAYO PUPUNTA BUKAS SA COVERED COURT, ang mawala kahit isa wag na kayong papasok pa dito sa XAVIER HIGH.  

OMG!!! TAMA BA NARINIG KO?
TAONG MAHAL NIYA?
GUSTO NIYANG MAGING GIRLFRIEND?! AKO KAYA YUN? 

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon