CHAPTER 76 (EDITED)

181K 4K 355
                                    

Update Date: 01/19/2020

*Marion's POV*

Okay, pagkatapos nun heartwarming speech ko kanina sa court. Inabot ako matinding pang-aasar galing sa Class 4-6. Pero ng tinignan ko sila ng masama, tumigil na rin sila.

Dapat may party kami dahil nanalo kami. Pero hindi na ko sumama. Bakit?

Dahil kasama ko si Karissa pauwi. Syempre, mas pipiliin ko si Karissa. Minsan lang siya mag-aya na umuwi kami ng sabay.

Pero kahit magkasabay kami umuwi, tahimik lang kami dito sa loob ng sasakyan ko. Hindi ko alam kung bakit tahimik lang kaming dalawa. Dahil ba sa sinabi ko kanina? Hindi ko naman kinahihiya ang ginawa ko dahil totoo naman lahat ng sinabi ko.

Narinig ko naman siyang nagbuntong-hininga.

"Marion, bubuksan ko lang itong speaker mo para may soundtrip tayo."

"HUWAG!!!"

Alam kong nagulat ko si Karissa. Hindi ko naman sinasadya pero hindi talaga puwede eh,

Napansin ko naman, hawak hawak ko padin yun kamay niya.

"Ah.. so..sorry. Sige mag-ipod na lang ako."

Aalisin na sana niya yun pagkakahawak ko sa kamay niya, pero hinawakan ko lalo ang kamay niya.

Mabuti na lang, hindi niya inaalis yun kamay niya. Syempre abot tenga na naman ngiti ko. Kinikilig din ang isang Marion Gatcheco-Gotiangco.


"Makasigaw ka naman diyan parang sasabog itong kotse mo pag nabuksan ko itong speaker mo."

Hay naku, Karissa. Kung alam mo lang, ikaw ang sasabog diyan pag nabuksan mo niyan.

*RING*

Biglang nagring yun cellphone ko. Kaya sinagot ko. Buti na lang nakaconnect itong cellphone ko sa speaker ng kotse ko. Kaya hindi ko na kailangan bitawan yun kamay ni Karissa para sagutin yun tawag. May pinindot lang ako sa manebela ko para masagot un tawag.

"Marion."

"Oh, Dad?"

Naramdaman kong biglang napatingin sa akin si Karissa. I'm sure nagulat siya noon tinawag kong "Dad" un tatay ko.

"Congrats pala sa laro mo."

"Thank you, Dad."

"Anyway, napatawag ako sayo dahil ireremind kita na bukas niyo susukatin ni Karissa ang wedding gown niya at ang suit mo. Kaya tawagan mo na si Karissa ngayon para—"

"Dad, no need na. Katabi ko ngayon si Karissa."

"Hello po, Tito."

"Ano ka ba naman, Marion. Bakit hindi mo agad sinabi? Hi, iha. Huwag mo na kong tawagin "Tito", "Dad" or "Daddy" would be better."

"Po?"

"Dad, binibigla mo naman si Karissa. Hindi pa kami kasal."

Itong si Dad, alam ko naman nagsabi ako sa kanya na ituloy ang kasal namin pero hindi ko naman sinabi na biglain itong si Karissa.

"Hindi naman eh. Iha mas magandang maging comfortable ka na sa akin."

"Uhm, Opo."

"Well, it's good na magkasama kayong dalawa ngayon. Gaya nga ng sabi ko kanina, bukas niyo masusukat ang wedding gown at suit niyo. At magpictorial na rin kayo for your invitation saka ang magiging wedding teaser video na ipapalabas sa buong mundo. Gusto niyo ba makita yun magiging venue ng kasal niyo at un reception?"

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon