CHAPTER 72 (EDITED & UNEDITED)

188K 4.2K 1.3K
                                    

Update Date: 01/18/2020

*THIRD PERSON POV*

Tumakbo na lang sa school garden si Carmela pagkatapos niyang makita na magkasama sila Nathan at Steph.

Hindi niya itatanggi sa sarili niya na nasasaktan siya. Hindi naman siya manhid para hindi masaktan lalo na makita ang taong mahal niya at taong mahal nito ay magkasama at alam niyang anytime, magkakabalikan ito.

Alam naman niyang hanggang ngayon, mahal na mahal pa din ni Nathan si Steph kahit na nagkahiawalay sila.

Hindi namamalayan ni Carmela na hindi lang siya ang nasa school garden. At hindi rin niya napansin na kanina pa pala ito nakatingin sa kanya na umiiyak.

"Ang ganda naman ng welcome party mo sa akin."

Napatingin si Carmela sa taong nagsalita at nagulat siya kung sino ito. Anong ginagawa niya dito? Anong ginagawa niya sa Pilipinas?

"Ch-chris?! Anong ginagawa mo dito? Di ba nasa Amerika ka?"

"Para naman pinapaalis mo na ko agad."

"Hindi naman sa ganoon."

"Well, narealize ko meron pala akong dapat balikan dito, and I think, I'm on right time."

Sa totoo lang, hindi inaasahan ni Chris na ang taong babalikan niya dito ay makikita niya agad ng ganito. Akala niya mahihirapan siyang hanapin lalo na wala man lang siyang kaalam-alam kung saan hahanapin ito. Gusto niyang magpasalamat sa kutob niya na bumalik dito sa Pilipinas dahil sa tingin niya, nasa tamang oras siya.

"Gusto mo na ishare iyang iniiyak mo?"

"Huwag na, wala ito."

"Sasabihin mo o sasabihin mo?"

"May choice pa ba ako?"

"Wala, kaya sasabihin mo na sa akin ngayon, hindi mamaya o bukas o sa isang araw kundi ngayon."

"Hay, ito na nga. Remember un kinukwento ko sayo nun sa airport? Iyong guy na gusto namin ng sister ko."

"Oo. Bakit? Sila na ng sister mo?"

"Hindi."

"Hindi naman pala eh, bakit umiiyak ka diyan?"

"Bumalik na kasi un ex-girlfriend niya. As of now, I'm sure naguusap na sila at puwede na rin magkabalikan. I know deserving naman silang magkabalikan. Dahil mahal nila ang bawat isa. Un nga lang, hindi ko alam, ganito pala kasakit iyon."

"Ganyan lang sa una, pero makakapag-move on ka din. Hindi naman lahat ng tao puwede makatuluyan un mahal nila. You know, may tinatawag na true love. Hindi pa lang siguro dumarating un sayo o baka lang hindi mo napapansin."

"Para naman napakaimpossible sa akin na magkaroon ng true love."

"Hayan ka na naman, ang nega mo na naman. Tara na nga"

"Huh? Saan tayo pupunta?"

"Magdadate tayo!"

"A-ano?!!!"

Nagulat na lang si Carmela sa naging tanong ni Chris. At ang isa pang kinagulat niya, ngayon lang siya tinanong ng ganyan. Dahil kahit isang lalaki, wala pang nagtatanong sa kanya ng ganyan.

Pero dahil mapilit si Chris, sumakay na lang si Carmela sa kotse nito. Hindi rin maintindihan ni Carmela kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya kay Chris na dapat hindi naman siya dapat sumasama dito lalo na hindi naman niya ganoon kilala ito.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon