CHAPTER 12 (EDITED)

267K 5.7K 831
                                    

Update Date: 08/18/2018

*THIRD POV*

Hindi maintindihan ni Rayne kung bakit higit-higit siya ng lalaking ito. Pero hindi niya makalimutan kung bakit sinasama siya ng lalaking ito.

Ang linyang sinagot ng lalaki sa kanyang bestfriend,

"Maniningil kami ng utang!"

Utang? Sa pagkakatanda ni Rayne, walang nagkakautang sa kanya. O baka naman sa lalaking kasama niya. Pero bakit kailangan kasama siya?

Pero natatakot siya sa oras na yun dahil hindi lang naman basta lalaki ang kasama niya ngayon.

Ang lalaking kasama niya ay galing sa kinakatakutan nilang Class 4-6.

Japs David Guevarra

Kilalang kilala siya ni Rayne. Sino ba naman kasi hindi makakakilala kay Japs? Isa din siya sa mga sikat na estudyante sa school nila. Pero hindi iyon ang dahilan ni Rayne kung bakit kilala niya si Japs.

Siya ang secret crush ni Rayne.

Walang nakakaalam noon kahit ang dalawang bestfriend niya dahil ikakagulat nila iyon.

Utal na utal na nga siya kanina ng nagoffer sa kanya si Japs ng panyo, paano pa kaya ngayon? Naninigas na siya dahil ang lalaking lihim niyang gusto ay hawak-hawak ang kanyang kamay habang naglalakad sila.

"Saan mo ba ko dadalhin?"

Laking pasalamat ni Rayne, nakapagsalita siya ng maayos sa harap ng kanyang crush.

"Sa wala mong kwentang boyfriend!"

"Boyfriend?! Te-teka."

At dahil sa pagkagulat ni Rayne, nahigit niya ang kamay niya kay Japs na kinagulat din ni Japs. Mas lalong nainis si Japs dahil hindi niya maintindihan kung ano pang problema ng babaeng kasama niya.

Pero ang mas kinakainis niya, naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya malaman kung bakit ginagawa niya ito sa isang babaeng hindi naman niya kilala.

"Wala naman akong boyfriend eh. Sinong sinasabi mong boyfriend ko?"

"I mean sa ex-boyfriend mo! Tss. May mas slow pa pala sa akin."

"Sa ex-boyfriend ko?! Bakit may utang ba siya sayo? Bakit pati ako kasama? Nakita mo naman akong umiiyak kanina dahil sa kanya tapos dadalhin mo pa ako sa kanya ngayon. Kung gusto mo maningil sa kanya, mag-isa ka!"

"Kaya nga sisingilin natin siya! Sisingilin natin siya sa pagiyak mo!"

Nagulat ang buong sistema ni Rayne dahil sa narinig niya. Hindi na siya nakakibo at parang punong nabaon siya doon. Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa at sa kilig dahil sa narinig niya sa crush niya.

"Aish."

At dahil naiinip na rin si Japs, hinila niya papasok ng kotse niya si Rayne para makaalis na sila. Hindi na niya pinansin ang pagkatulala ng babaeng kasama niya.

"Hindi po ba ako nananaginip? Totoo po ba itong nangyayari sa akin ngayon? Kasama ko po si Japs? At nakasakay sa kotse niya? OMG!!! KINIKILIG AKO!!! Lagi na lang akong iiyak para lagi ko siyang kasama maningil!!!"

Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ni Rayne sa kanyang utak. Iyon din ang pinagtataka ni Japs dahil parang tulala na naman ang babaeng kasama niya.

"Iniisip na naman niya ang tarantado niyang ex-boyfriend." iyan ang naisip ni Japs.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon