CHAPTER 55 (EDITED)

188K 3.5K 437
                                    

Update Date: 01/15/2020

*Third Person POV*

Nagtaka si Vince dahil biglang siyang hinagit ni Chloe. Alam niyang hindi naman sila magkakilala nitong malditang babae na ito.

"Anong kailangan mo sa akin?"

"Bawiin mo sa friend ko yung sinabi mo sa kanya." Lalo naman siyang nagtaka sa sinasabi ng babaeng ito. Mukha naman nahalata ni Chloe na walang idea si Vince sa sinasabi niya kaya hindi na niya hinintay na sumagot ang binata.

"Bawiin mo ang sinabi mo kay Karen. I can give you what you want."

"Just give me a peace of mind. Iyon lang ang mabibigay niyo sa akin. At hindi ko mababawi ang sinabi ko sa kanya. Mas masasaktan ko lang ang kaibigan mo kapag pinilit niya pa ang sarili niya sa akin."

"NO! I won't allow it! Just get back to her!"

"Bakit ba ang kulit mo?! My decision is final! May mahal na akong iba!"

"Ano bang wala yan friend ko sa mahal mo?! Maganda naman siya, matalino, popular, mabait. Hello, Vince?! She's a man's dream girl!"

"Mas maganda ang mahal ko, mas matalino ang mahal ko, mas mabait ang mahal ko, mas popular ang mahal ko, at ang pinaka-pinagkaiba nila, siya ang tanging babaeng MINAHAL ko!"

Biglang nakita ni Chloe si Karissa at alam niyang nakatingin ito ng masama sa kanila. May naisip siyang gawin at hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang naisip iyon.

Pero dahil nga si Chloe siya, ginawa niya ang sinasabi ng isip niya.

Hinalikan niya bigla si Vince na kinagulat ng binata. At doon nila, narinig ang sigaw ni Karissa.

"Kapal talaga ng mukha mo, Vince!"

"Nagkakamali ka Karissa. Mali lahat ng nakita mo."

Doon nasabi ni Chloe sa sarili niya na tama ang ginawa niya. Gustong gusto niyang pumalakpak ng malakas sa nakikita niyang galit sa mukha ni Karissa.

"MALI? Anong akala mo sa akin tanga?! Nakita ng dalawa kong mata!"

"Pakinggan mo muna kasi ako!"

"Wala akong kailangan pakinggan! Lalo mo lang pinatunayan na hindi ka talaga magbabago, Vince"

"Poor, Karissa."

"Shut up ka nalang Chloe!"

"You can't shut me up, bitch"

"At ako pa talaga ang bitch."

At dahil na rin sa sobrang inis ni Karissa sa babaeng ito, nasampal niya ito. Pero hindi niya inaasahan ang sumunod na pangyayari.

"Chloe, ok ka lang ba? KARISSA!! BAKIT MO GINAWA SA KANYA YUN?!"

Hindi malaman ni Karissa kung anong gagawin niya sa mga oras na iyon. Para siyang naging statwa dahil sa naging boses ni Marion.

"Marion, wala siyang kasalanan dito."

"Isa ka pang gag* ka!"

Nagulat na lang sila sa biglang pagsuntok ni Marion kay Vince. Kahit may galit si Karissa kay Vince, tinulungan niya pa din ito para makatayo dahil alam niyang malakas ang pagkakasuntok ni Marion kay Vince. Malungkot na tinanong ni Karissa sa sarili niya, kaya ba sinuntok ni Marion si Vince dahil nakita niyang paghahalikan ni Vince at Chloe?

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon