CHAPTER 11 (EDITED)

259K 5.2K 638
                                    

Update Date: 8/18/2018

*KARISSA'S POV*

Sa susunod talaga hindi na ako sasali sa phone conversation nila Ciara at Rayne. Kung ano-ano pinagkkwentuhan nila at syempre nakikinig lang ako. Hindi ko kayang ikwento sa kanila kung ano nangyari kahapon. Lalo na yun ginawa ng Popu Girls dahil kilalang-kilala ko si Ciara, malamang susugurin niya yun at ayoko nga ng gulo. Mabuti na lang gumaling agad un sprain ko kagabi. Pero sa ngayon, antok na antok ako. Kahit maiingay na ang mga classmates ko, hindi pa rin mawala un antok ko.

Gisingin niyo na po ako please.

"CATCH!"

Bigla akong napatingin sa sumigaw kasi pakiramdam ko para sa akin un sigaw na yun. Pero ang hindi ko inaasahan, yung parating na bola sa akin.

Te—teka?! BOLA?!

May parating na bola nga sa akin! SA MUKHA KO?!!!

At dahil na rin sa gulat ko, hindi na ko nakakibo o nakaiwas.

Ang tanging nagawa ko lang ay ang pumikit at hintayin wasakin ng bolang yun ang pagmumukha ko.

5..4..3..2..1.. ??? 3..2..1??

Teka, bakit parang wala akong maramdaman na bola?

"Kung binubuksan mo kaya yan mata mo? Tss."

A..anong ginagawa niya sa harapan ko? Pero bakit parang mas lalong hindi ako makagalaw sa lapit ng mukha sa akin?

Kung kahapon hanggang gilid ng mukha lang niya ang nakita ko ng malapit, ngayon naman harap-harapan na. At isa akong malaking sinungaling, kung hindi ko sasabihin na napaka-perpekto ng mukha niya kahit mukha pang walang emosyon yung mukha niya. Paano pa kaya kung ngumiti ito? Edi laglag underwear.

Nasaan na yung bola? Hindi kaya siya ang natamaan ng bola? Pero bakit siya? Diba dapat ako? Hindi kaya hinarang niya un bola para hindi ako matamaan?

"Stupid. Just like I said yesterday, helping others is not my thing. At dahil malas ka lang talaga. Padaan lang ako dito pero sa kamalasan naman talaga, ako ang natamaan ng bola."

Perpekto nga ang mukha pero ang ugali naman perpektong maging demonyo.

Tumayo na siya at napansin kong sinusuntok-suntok niya un likod niya. Doon ba siya natamaan ng bola?

"Marion! Ok ka lang ba? Accidentally ko kasing nabato yun bola."

Accidentally na nabato? Sinong niloloko niyo? Alam kong isa sa na naman toh sa mga kalokohan nila. Alam kong ako na naman ang target nila. May bago ba dun?

"Ang bola nilalaro at binabato sa court. Hindi dito!"

Ok. Highblood na naman siya. Sa bagay, sino ba naman hinding mababadtrip? Dadaan ka lang tapos matatamaan ka pa ng bola.

"Sige na. Tama na yan. Itigil niyo na yan paglalaro niyan baka may matamaan pa kayo. Ok ka lang ba Karissa?"

Hulog talaga ng langit tong si Angel Nathan.

"Ok lang Nathan. Thank you sa concern mo."

Narinig ko ang malakas na yabag ng paa ni Marion. Ewan ko ba, bakit pati tunog ng yabag ng paa niyan alam na alam ko.

Ang hari naman namin, padabog na umupo sa upuan namin. Ano na naman problema nun? Galit ba siya sa akin dahil sa kanya tumama yun bola at hindi sa akin?

Lalapitan ko na siya para kausapin kung ano problema pero nagulat na lang kaming lahat dahil may biglang pumasok at binalibag ang pinto.

Si Japs?

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon