CHAPTER 35 (EDITED)

215K 4.1K 265
                                    

Update Date: 08/08/19

*KARISSA'S POV*

Grabe! Ang himbing ng tulog ko. Ewan ko ba pakiramdam ko, isa na ito sa mga mahihimbing kong tulog.

Sarap-sarap pa ng higa ko --

TEKA??!!!ANO ITO?!!!

Bakit ako nakahiga dito?!!!! Nasaan na ba yung dapat nakahiga dito?!!!!

"Gising ka na pala"

Napatingin ako dun sa nagsalita. Naka-uniform siya?! Wait, nag-uuniform naman talaga ang lalaking ito pero ang nakakagulat lang ngayon, napakaayos ng pagkakasuot niya ng uniform niya.

"Anong nangyari? Bakit dito ako natulog? Saan ka ba natulog?"

Hindi ko kasi maintindihan, bakit ako na ngayon ang nakahiga sa hospital bed?

"Alam mo, ang dami mong tanong. Magbihis ka na kaya."

"Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Saan pa nga ba?"

Tinignan niya ko ng para bang nakakabobo ang tanong ko. Pero dahil mukhang tingin niya hindi ko pa din talaga alam ang sagot sa tanong ko.

Napabuntong hininga lang siya at nagsalita ulit.

"Malamang sa school tayo pupunta. Saan pa nga ba?"

"Papasok ka na? Pumayag na ang doctor na lumabas ka dito?"

"Obvious bang naka-uniform na ako."

"Paano pala ako magbibihis. Wala akong dalang extra uniform dito."

Tignan mo itong isang ito, pagkatapos kong sabihin iyon biglang siyang pumunta sa CR. So wala talaga siyang balak na pagpalitin ako ng uni---

Nagulat na lang ako dahil paglabas niya ng CR, may inabot siya sa akin na uniform.

Teka, uniform ko ito ah?!

"Paanong---"

"Huwag ka na magtanong. Tumayo ka na diyan, little princess dahil baka malate pa tayo."

Syempre hindi na ko nagdalawang isip, pumasok na ko agad ng CR. Pero habang nagbibihis ako, may na-realize akong isang bagay. Andito nga yung uniform ko pero wala naman yung mga gamit na kailangan ko para makapasok. Dadaan na lang ako sa bahay. Papaunahin ko na lang si Marion sa school. Bakit ang talino mo talaga, Karissa?

Makalabas na nga para masabihan ko agad ang bakulaw na kapre na iyon.

"Ma—"

Teka, anong ginagawa ng mga gamit ko dito?! Paano nangyari ito? Halos lahat ng gamit ko sa kwarto ko andito na sa loob? Nilipat na ba ni Marion ang kwarto ko dito sa ospital na ito?

"Ma'm, excuse me po."

Nagulat na lang ako dahil may nurse pala sa may pinto.

"Yes Miss? May kailangan ka po?"

"May pinapasabi po si Mr. Gatcheco."

Aba, ang bakulaw na kapre na iyon, ginawa pang utusan itong nurse. Kahit kailan talaga ang taong iyon, feeling bossing.

"Sumunod na lang daw po kayo sa reception area sa ground floor. Nauna na daw po kasi siya doon."

Hindi talaga marunong maghintay ang isang iyon. Syempre wala na akong magagawa. Nagsimula na din akong mag-ayos ng sarili ko para mapuntahan na ang feeling bossing na iyon. At ng matapos na ko, lumabas na ko at dumiretso sa elevator. Naramdaman ko habang naghihintay na meron dalawang tao sa likod ko.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon