CHAPTER 77 (UNEDITED & EDITED)

181K 3.8K 481
                                    

*KARISSA'S POV*

"Alam niyo yun nakakainis siya!"

"Oo kanina pa namin naririnig yan sayo."

Naguusap kaming tatlo nila Rayne at Ciara sa phone. Pagkauwing-pagkauwi ko, tinawagan ko na silang dalawa para ilabas ang inis ko.

"Karissa, bakit ba asar na asar ka diyan? Parang stag party lang."

"Ni-lalang mo lang yun stag party? STAG PARTY yun Rayne!"

Bakit nila-lang nila lang ang Stag Party? Hindi ba nila alam ginagawa doon?!

"Alam ko."

"Bakit parang ok lang sa inyo? Andoon din ang mga boyfriend niyo."

"Karissa, we trust them."

So wala akong trust kay Marion?

"Saka normal lang iyon."

"Paano kung may biglang may mangyari?"

"Teka nga Karissa. Bakit ba stress na stress ka diyan? Wala ka bang tiwala kay Marion?"

"Alam niyo naman na arranged marriage lang itong kasal namin."

Gusto ko sana magtiwala kay Marion pero pag naalala ko kung ano ang dahilan kung bakit ikakasal kami, hindi ko maiwasan na mag-doubt.

"So?"

"Kahit gusto niya matuloy itong kasal namin, alam kong hindi dahil mahal niya ko. May iba pa siyang dahilan."

"Anong ibang dahilan iyan sinasabi mo?"

"Dahil sa mama niya. Nagkabati na kasi si Marion at Dad niya. Nakwento niya sa akin, huling hiling pala ng Mama niya ang ikasal siya sa akin."

Tama, simula noon narinig ko kay Marion ang kwento kung paano sila nagkabati ng Dad niya. Nasagot na rin ang tanong sa isip ko kung bakit gusto sa akin magpakasal ni Marion. Iyon pala ay para sa hiling ng kanyang ng Mama.

Bakit nga ba umasa ako na kaya gusto niya sa akin magpakasal ay dahil mahal niya ko? Galing mo, Karissa. Umasa ka pa talaga para doon.

"Sinabi ba ni Marion na iyon ang dahilan niya?"

"Hindi."

"Hindi naman pala eh. Nag-aassume ka lang."

"Ganito na lang, Karissa. Sa ngayon, wag ka magisip ng kung ano kung bakit nagpakasal sayo si Marion. Isipin mo na lang, kahit anong mangyari, ikakasal kayong dalawa."

"Saka tungkol sa stag party, huwag ka na magalit sa fiancee mo. Mas ok ng magloko na siya ngayon kaysa after ng kasal niyo."

Natapos ang usapan naming tatlo. Pero pakiramdam ko parang pinagtatanggol ng dalawang iyon si Marion sa akin.

Hindi rin nagtagal nakatulog na rin ako dahil maaga pa kami bukas.

Oo nga pala, bukas na magsisimula ang pagaayos ng kasal namin. 

************************************************

[MARION'S P.O.V]
Andito na ko sa harap ng bahay nila Karissa,
Ang tagal naman nun,
Ganito ba talaga mga babae?
Galit pa kaya yun?
Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi, dahil alam kong nagseselos siya.

*BLAG*

MARION: ANO BA?! Wag mo nga balibagin un pintuan ng kotse ko!
KARISSA: Sorry ah!
MARION: Karissa naman, heto na naman tayo. Ok, kung ayaw mo magkaroon ng stag party para sa akin, icacancel ko na lang.
KARISSA: Wag na. Isipin mo pa ang KJ ng fiancee mo.
MARION: Karissa naman.
KARISSA: Magdrive ka na. Kailangan din natin matapos agad dahil may final practice kami ng cheering mamaya.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon