CHAPTER 85 (UNEDITED)

168K 4.3K 711
                                    


Dahil 2million reads na ang Class 4-6 book 1, ito na ang next update. Congrats to us! :)

**********************************

MARION: Tita please.
MRS. ASAJAR: Marion, as much as I want. Hindi talaga puwede.
MARION: I need to talk with her.
MRS. ASAJAR: Hindi talaga puwede, iho. Why don't you call her?
MARION: Ayaw niya po sagutin un tawag ko.
MRS. ASAJAR: Sorry iho. Pero don't worry, I'll talk to her.
MARION: Pero tita...
MRS. ASAJAR: Iho, nasa pamahiin yun. Bawal magkita ang dalawang ikakasal bago ang araw ng kasal nila. Pumayag lang kami na magkita kayo kaninang umaga kahit sandali dahil graduation niyo naman. Baka hindi matuloy un kasal niyo pag hindi natin sinunod un. Konting tiis lang, magkikita naman kayo bukas.

[MARION'S P.O.V]
Pero mas lalong hindi matutuloy ang kasal namin pag hindi ko siya nakausap ngayon
At mukha ba kong nakikinig sa pamahiin?!
Pero mukhang hindi rin papayag si Tita na makita ko si Karissa ngayon.
Bakit pa kasi ngayon pa siya nagdrama ng ganyan?!
Alam niyo ba un dahilan ni Karissa kung bakit "NO" ang sagot niya sa proposal ko?

*FLASHBACK*

PHONECALL...

MARION: Karissa! Asan ka ?!
KARISSA: Pauwi ng bahay!
MARION: Teka.. bakit pauwi ka na ? Magusap nga tayo! Saka bakit ka ba sumisigaw?
KARISSA: Naguusap na tayo! At wala ka pakialam kung sumisigaw ako!
MARION: Magusap tayo ng harapan. Gusto kong malaman kung bakit ganun ang sagot umo kanina.
KARISSA: Yun lang ba gUsto mo malaman? Well, hindi na natin kailangan magusap ng harapan dahil sasabihin ko na sayo ngayon din. GUSTO MO KO AGAD PAKASALAN PERO HINDI KA MAN LANG NANLIGAW, HINDI PA NGA KITA BOYFRIEND, HINDI MO PA NGA KO DINADATE! DAHIL BA ALAM MO NA MAHAL KITA, INSTANT ASAWA AGAD ANG HIHINGIN MO SA AKIN?! BAHALA KA SA BUHAY MO! MAGHANAP KA NG INSTANT BRIDE MO BUKAS!

*END OF FLASHBACK*

[MARION'S P.O.V]
Yan lang naman ang maganda niyang dahilan kung bakit hindi niya tinanggap un proposal ko,
tama bang idahilan niya yan ngayon bukas na kasal namin!
nakalimutan niya yata na hindi kami normal couple
saka paano ko naman magagawa un?
Nakalimutan niya na ba un mga nangyari sa aming lahat?
Nakalimutan niya na ba na arranged marriage kami?
Siya ba ang naaksidente at nakalimutan niya lahat un?

KARISSA'S ROOM...
KORJ: Issai?
KARISSA: Kuya?
KORJ: Nakaalis na si Marion. Pasalamat ka nalang talagang naniniwala si Mommy sa pamahiin dahil kung hindi, panigurado nasa harapan mo na si Marion.
KARISSA: Kuya naman.
KORJ: Aalis na nga pala siya papuntang Amerika.
KARISSA: ANO?!!! O_O
KORJ: Joke lang!
KARISSA: Kuya naman. Hindi maganda yan joke mo.
KORJ: Hindi rin maganda yun joke mo kay Marion kanina.
KARISSA: Kuya, hindi naman joke yun e.
KORJ: Mahal mo ba talaga siya?
KARISSA: Kuya naman eh.
KORJ: Tigilan mo nga yan. Sagutin mo un tanong ko.
KARISSA: Kuya, alam mo naman un sagot ko eh. Narinig mo naman confession ko sa kotse ni Marion.
KORJ: Tinatanong ko lang ulit kasi baka nagbago na un sagot mo.
KARISSA: Kuya, hindi naman nagbago un e. *sigh* Mahal ko pa din si Marion, hindi naman nagbago yun.
KORJ: Kung mahal mo siya, bakit ka tumanggi sa kanya kanina?
KARISSA: Natatakot ako, Kuya. Parang ang bilis kasi. Kakagraduate ko lang ng highschool tapos ikakasal na ko. Natatakot ako baka hindi pa toh yun right time. Baka bigla na lang isang araw, marealize ni Marion na ayaw na pala niya ko maging asawa. Baka hindi ako maging perfect wife para sa kanya. Saka kuya, wala pa ko nagiging boyfriend tapos may asawa na ko agad bukas. Hindi ko pa naeexperience makipagdate, hindi ko pa naeexperience na maligawan. Naiintindihan mo ba ko Kuya?
KORJ: Issai, lahat ng ito may dahilan. Isa lang dapat mong gawin, trust Marion. I know, magiging masaya ka sa kanya. You should be happy kung ano meron ka. You should be contented. Nakalimutan mo na yata lahat ng sinabi mo kay Marion nun wala siyang malay. Akala ko ba pagkagising na pagkagising niya, you're going to confess to him. But instead , you hurt him. I don't want you to be guilty pero you should na this time, ikaw yun mali. It's already enough na nrisk ni Marion yun buhay niya para sayo para mapatunayan niya na mahal ka talaga niya.
KARISSA: Pero kuya...
KORJ: No, let me talk first and listen to me. Akala ko ba narealize mo na lahat? Lahat ng ginawa ni Marion ay para sayo. Alam mo ba, lumipad siya papuntang Europe the night before ng cheerdancing competition mo, just to get the most expensive jewel para sa necklace na ibibigay niya sayo.

[KARISSA'S P.O.V.]
Teka yun ung araw na nagconfess sa akin si Marion,
kaya pala kahit gusto niya ko puntahan nun gabing un, hindi niya magawa dahil nasa ibang bansa siya

KARISSA: Teka lang kuya, bakit kailangan pa niyang kunin sa Europe un? Kilala mo naman ako Kuya, hindi ako materalistic na tao. Masaya na kong bigyan niya ko ng necklace kahit pinakamura yun.
KORJ: Alam ko naman yun at alam din ni Marion yun. Pero hindi lang yun basta mamahalin na necklace. Ang dahilan ni Marion kung bakit yun ang binili niya dahil un lang ang tanging necklace na tumpak sa ilalagay niyang invinsible tracking device. Don't ask me about that thing, basta pagkakaalam ko lang meron siyang inutusan na tao para gumawa nun kaya ikaw pa lang meron niyan sa mundo. Back to my story, ang naging problema lang nasa Europe un neckace at mukhang hindi agad mapapadala. Pero dahil gusto na agad makuha ni Marion, lumipad siya ng Europe para siya na mismo ang kumuha nun. Wag ka sana maguilty dito, pagkagaling niya ng Europe, dumeritso na siya agad ng school niyo para sa cheerdance competition mo at para macheck ka niya kung may nangyari ba sayo dahil nagalala siya nun hindi ka sumasagot sa tawag niya o text niya.
KARISSA: Kuya naman eh, halata naman gnguilty mo ko eh.
KORJ: Aba Issai, pasalamat ka talaga kapatid kita. Dahil kung ako si Marion, iiwanan talaga kita diyan.
KARISSA: Kung magsalita ka diyan, para ka ng si Marion. Ang sama mo na, dati ako lagi kinakampihan mo, ngayon inaaway mo na ko.
KORJ: Hindi kita inaaway. Gusto ko lang marealize mo un maling nagawa mo. Isipin mo nga, kung hindi ka niya nabigyan ng necklace na may tracking device, hindi namin agad malalaman kung nasaan ka. Issai, alam kong si Marion ang para sayo. Kaya nga payag na payag akong siya ang maging asawa mo. Alalahanin mo lahat ng nagawa niya para sayo at kung nasaktan ka niya dati para din sayo yun.
KARISSA: Kuya alam ko naman lahat yun e. Habang buhay akong magpapasalamat sa kanya kahit magpaalipin pa ko sa kanya para lang mabayaran ko un mga nagawa niya at pagligtas sa akin, gagawin ko.
KORJ: Hindi mo na kailangan magpaalipin, simpleng oo lang galing sayo sapat na yun kay Marion.

[KARISSA'S P.O.V.]
Bago pa ko nakasagot kay Kuya, umalis na siya
ok, GUILTY na ko.
Naiinis ako sayo Karissa!
Yun na nga yung hinintay kong pagkakataon pinalagpas ko pa
eh kasi naman, hindi pa ko nakakagetover dun sa pagkagising niya tapos bigla siyang magppropose.
yan tuloy NO un sagot ko dahil sa pagkagulat ko.
ngayon lang kasi nagsinkin sa utak ko na totoo pala lahat ng nangyari kanina.
After ng paguusap namin ni Kuya, gusto ko bawiin yun sagot ko kay Marion.
I'll make it sure na sasagutin ko na ang tawag niya.
perrrrooooooooooooooo....
simula nun nagusap kami ni kuya, hindi na tumutunog un phone ko
ibig sabihin ba, sumuko na si Marion?
Sino naman hindi susuko sa akin? maka-66 missed call ba naman siya!

*tok*tok*tok*

MRS. ASAJAR: Issai?

[KARISSA'S P.O.V.]
hayan! for sure, tumawag na si Marion sa telepono.
Katulad na lang ng ginawa niya last time

MRS. ASAJAR: Hon, I know we shouldnt pursue you with this arranged marriage but sad to say, no matter what happen, you're still be Marion's bride tomorrow. We're doing this because we love you.

[KARISSA'S P.O.V.]
Bago pa ko makasagot,
Naramdaman kong umalis na si Mommy,
though, ang totoo wala talaga akong balak sumagot

KARISSA: I'm sorry Mommy pero mukhang hindi na ko ang magiging Marion's bride. Mukhang sumuko na siya at tinototoo yun paghanap niya ng ibang bride niya bukas. Teka, HINDI PUWEDE YUN!!!!! AKIN LANG SI MARION GATCHECO GOTIANGCO!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Sayong sayo naman talaga ako eh."

KARISSA: O_O

*******************************

That's my most favorite line :))))

2 more chapters to goooooo!!!!!

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon