CHAPTER 61 (EDITED)

192K 3.4K 116
                                    

Update Date: 01/16/2020

*THIRD'S POV*

Masaya si Japs dahil sa wakas, natuloy na rin ang kanilang date ni Rayne. At mas lalong masaya siya dahil dito sila sa mall nila nag-date. Alam niyang dagdag points ito para kay Rayne.

"Japs, sigurado ka bang itutuloy ngayon itong date natin?"

"Oo naman. Dahil alam kong bukas, pag nakita ako ni Marion, hindi na ko bubuhayin nun."

"Ikaw naman kasi."

Nag-alala si Rayne sa kanyang kaibigan na si Karissa. Kamusta kaya ang kanyang kaibigan? Hindi na rin niya nakita ang kaibigan sa araw na iyon dahil nabalitaan niya kay Ciara na hindi na nakabalik si Karissa simula ng umalis ito sa Class 4-6 after ng malaking rebelasyon tungkol sa kanila ni Vince at Ciara.

Kahit siya, nagulat tungkol kina Ciara at Vince. Akala niya wala ng pag-asa na magkaayos ang dalawa. Pero kahit ganoon, masaya siya sa kanyang kaibigan dahil nahanap na niya ang kanyang The One. Akala niya sa kanilang tatlo, si Ciara ang mag-madre sa kanila.

Mukhang sa kanilang tatlo, siya ang mag-madre.

"Rayne! Pasok na tayo sa aking palasyo!"

Natawa na lang si Rayne sa sinabi ni Japs. Mukha naman mag-enjoy siya ngayon dahil sa kanyang kasama.

Habang naglalakad sila, napapansin niya na pinagtitinginan sila ng mga tao lalo ng mga empleyado dito.

"Pansin ko, bakit parang pinagtitinginan tayo ng mga employee dito?"

"Kasama mo kaya yung anak ng may-ari ng mall na ito."

Proud na proud na sagot ni Japs.

"Akala ko ba hindi ka pa nakakapunta dito?"

"Hindi pa nga. But it doesn't mean, hindi nila ako kilala. Syempre, kilala nila ang poging pogi na anak ng may-ari ng mall na ito."

Gusto nilang matawa ni Rayne sa sagot ni Japs. Hindi na bago sa kanya pagiging mayabang ni Japs. Para sa kanya, normal na iyon sa mga taga-Class 4-6.

"Di ba, iyan ang anak ng may-ari ng World Star Malls?"

"Oo, siya nga. Totoo nga sabi nila, sobrang pogi niya."

Rinig na rinig nilang dalawa ang pinag-uusapan ng dalawang customer na babae.

"Girlfriend ba niya ang kasama niya? Bakit hindi maganda?"

"Oo nga, girl. Hindi bagay kay kuyang pogi."

"Excuse me?"

Nagulat na lang si Rayne dahil hindi niya napansin na nasa harapan na ng dalawang babae si Japs.

"You don't need to be so rude especially to my girlfriend."

Napatungo ang dalawang babae dahil sa sinabi ni Japs. Gusto sana sumingit ni Rayne para sabihin sa dalawang babae na hindi totoo ang sinabi ni Japs na girlfriend siya nito. Pero pinigilan na lang niya ang sarili niya dahil ayaw naman niyang pahiyain ito pagkatapos siyang ipagtanggol.

"Kailangan niyo ba ng salamin para malaman niyo kung sino ang pinakamaganda sa inyong tatlo ng girlfriend ko?"

Doon na narealize ni Rayne na dapat na niyang pigilan si Japs. Baka kung ano pa ang sabihin nito. Humingi na lang siya ng tawad sa dalawang babae at hinila na palayo si Japs bago pa nila makuha ang atensyon ng ibang tao.

Bago pa sila makalayo, may sinabi pa muli si Japs sa dalawa.

"At huwag niyo kong tatawagin Kuya dahil mukha ko kayong Tita!"

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon