CHAPTER 26 (EDITED)

200K 4.6K 550
                                    

Update Date: 08/18/2018

*MARION'S POV*

"Wow. Ang gara ng kotse mo. Ito iyon pinakamahal na kotse na nakita ko sa news. High school ka lang pero may ganitong kotse ka na."

"Puwede ba tigilan mo ang paggalaw-galaw ng mga gamit ko?!"

Gusto ko ng magsisi kung bakit ako pa ang naghatid sa babaeng ito.

So? Kung highschool pa lang ako? Nasa right age na ko. I'm 19 years old.

19 years old for a 4th year high school student. Huwag kayong magalala, hindi lang ako ang 19 years old na 4th year high school. Halos lahat ng student ng Xavier High yan ang age namin. Unfortunately, with our weird curriculum, may Grade 7 and 8 pa kami.

"Bakit gulat na gulat si Nathan nun ihahatid mo ko?"

"Dahil wala pa kong sinasakay dito na babae."

"ANO?!"

Huwag niyo na kong tanungin kung bakit ko nga ito ginawa dahil kahit tanungin ko din ang sarili, wala din akong makukuhang sagot.

Hindi ko na lang din sinagot ang mga tanong ni Karissa.

"Sure ka ba talagang ihahatid mo ko?"

"Sana hindi ako nagddrive ngayon kung hindi ako sure, diba Karissa?"

"Sungit."

Hindi ko na lang pinansin ang tinawag niya sa akin.

"Sa susunod, huwag kang lalabas ng bahay niyo ng mag-isa. May driver naman kayo bakit hindi ka na lang nagpahatid?"

"Kasi nga po, ayoko naman mangistorbo ng ibang tao. Ang lapit-lapit lang naman pupuntahan ko."

"Iyan sinasabi mong lapit-lapit lang, ano nangyari? Diba muntik ka ng mapahamak?"

"Natsempuhan lang ako ng mga tambay diyan sa kanto."

"So hihintayin mo bang matsempuhan ka ulit ng mga tambay diyan? Palagay mo tsempo lang ang nangyari kanina?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala. Bahala ka na sa susunod. Huwag kang mag-alala, kapag nakita ulit kita na na-TSEMPOHAN ulit, hinding hindi na ko lalapit."

Natahimik na kaming dalawa. Teka, anong nangyari? Nag-away ba kami?

Pero sino ba naman hindi mahihighblood sa ginagawa niya? Kung saan lagi siyang mapapahamak, gustong gusto niya sumugod. Masisiraan yata ako ng bait sa babaeng ito.

Andito na pala kami sa tapat ng bahay nila.

"Marion, thank you sa pagtulong sa akin kanina. Sorry ha pati ikaw nadamay. Kung gusto mo samahan kita bukas sa clinic kasi baka hindi gaano maayos un paggamot ko sa sugat mo."

"Karissa."

Marion, bakit may paghawak pa ng kamay? Ano na naman ba ang tumatakbo sa utak ko?

"Ha..ha?"

"Sa susunod, ingatan mo na yan sarili mo."

"Ma..Marion???"

Sinong hindi magugulat sa ginawa ko ngayon? Pati ako, gulat na gulat sa sarili ko. Yakapin ko ba naman itong bulilit na ito.

"Sige na. Pasok ka na."

Tulalang bumaba ng sasakyan ko si Karissa. Sa bagay, sino ba naman hindi matutulala sa ginawa ko?

Pero mayroon pa lang sikretong sasabihin,

Simula ngayon, pprotektahan ko na si Karissa Asajar.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon