CHAPTER 4 - KARISSA MEET CLASS 4-6 (EDITED)

315K 7.5K 953
                                    


KARISSA'S POV

Hindi ko alam kung nasa mundong Earth pa kami. Pakiramdam ko bigla kaming nagteleport sa Hell. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang idescribe kung ano yun nakikita ko. Hindi ko alam na may ganitong classroom pala akong makikita sa tanan ng buhay ko.

Magulo. Maingay. Masyadong magulo. Masyadong maingay. Sobrang magulo. Sobrang maingay. Ubod ng magulo. Ubod ng maingay.

SILA YAN!

Parang dinaan ng bagyo yun classroom nila. Kalat-kalat yun mga gamit nila tapos pati un upuan nila wala sa ayos. Ang daming vandal sa mga dingding nila at mga upuan. Hindi ba uso papel dito? Mahihirap ba sila at mga walang pambili ng papel? Pero para naman hindi halata sa itsura nila. Kahit gulo-gulo un mga uniform at mga mukhang gangster. Sila lang yun mukhang high-class gangster. Oo, meron ganun at sila lang yun. Halata namang galing sila sa mayayaman e. Sa mga suot pa lang nila, obvious naman na branded lahat.

"CLASS 4-6!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

AY KABAYO! Parang pakiramdam ko sirang sira na yun eardrums ko dahil sa sigaw ni Head Teacher. At teka saan nanggaling un megaphone niya? Kailangan naka-megaphone? Pero buti na lang napansin siya nun mga classmates ko dahil lahat sila napatahimik na akala mo may sumigaw na teacher lang at parang kailangan naka-megaphone talaga para makipagusap sa kanila.

"Himala? Hinatid ni golden bald yun bagong teacher natin."

Sabi naman nun isa kong classmate. Sinong golden bald? Si Head Teacher ba yun binabanggit nila? Sino yun bagong teacher? May kasama pa ba kami?

TEKA! AKO BA YUN SINASABI NILA?! MUKHA BA KONG TEACHER?!!! =_=

"SINONG TINATAWAG NIYONG GOLDEN BALD?!"

Aray! Makasigaw sa megaphone tong si Head Teacher parang wala ako sa tabi niya. Ganito ba dapat makipagusap sa klaseng toh?

"Head Teacher, huwag niyo naman tinatakot ang bago namin classmate."

"BAGONG CLASSMATE?!"

Napatingin naman kami dun sa taong nagsalita na nanggagaling sa likod ng classroom namin.

O_O

OMG?! SINO TONG UBOD NG GWAPONG NILALANG ANG NASA DULO NG CLASSROOM NAMIN?!!!

"MR. MARION GATCHECO! ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAYO NA HUWAG MONG GAMITIN YAN BACK DOOR BILANG GRAND ENTRANCE MO?! AT BAKIT LATE KA NA NAMAN?!"

...

*BELL RANG*

"Makaalis na nga dito, mukha naman walang balak makinig mga tao dito!"

Bago ko pa mapigilan umalis si Head Teacher, nawala na lang siya na parang bula. PAANO NA KO?!!!

At yun mga classmate ko? Nagsimula na naman silang mag-ingay.

Sino ba pwede kong kausapin? Saan ako uupo?

"Kainis! Wala tayong adviser ngayon!"

"Sinabi mo pa Bal! Wala tuloy tayong mapagtripan."

Narinig kong usapan dun sa dalawang classmate ko na nasa harapan ko. Bakit kaya wala kaming adviser? Kung tinatanong mo kaya sila Karissa

"Excuse me?"

Aba! Dneadma lang nila ako! Ulitin ko ulit baka bingi lang.

"Excuse me? May tanong lang ako."

...

BINGI BA TONG MGA TOH?!

"HOY! TINATAWAG KO KAYO!"

oppps. Mukhang wrong move ako. Lahat sila tumingin ng masama sa akin. Lalo na yun ubod ng gwapong nilalang. Dahil naglalakad na siyang papalapit sakin at un tingin niya nakakatakot! Para siyang mangangain ng tao!

"Tinawag mo kaming 'Hoy'?"

OMG! nakakatakot talaga! yan palang sinabi niya pero nanghihina buong katawan ko.

"Miss little princess, tandaan mo toh. Nasa teritoryo ka namin."

Tumalikod na siya para pumunta ulit sa likod.

"Wag niyo pansinin yan bulilit na yan."

At may pahabol pa siya!!! SINONG NAGSABING TAWAGIN NIYA KONG LITTLE PRINCESS?!!! Kuya ko lang may karapatan tumawag sakin nyan! At sinong bulilit?!!! Hindi ako pandak! Hindi ko kasalanan kung kapre siya! Nakakaasar! Binabawi ko na un sinabi ko na ubod ng gwapo niya! Dahil simula ngayon, ubod ng panget niya!!!

















ANG PANGET MO MARION GATCHECO!!!

Ms.A/Xaxa: Sorry po kung ang tagal ko napost un edited version. Dont worry itutuloy-tuloy ko na toh. promise ko yan! I might post muna un mga UNEDITED VERSION CHAPTERS. Pero sana kahit napost ko na lahat yun. basahin niyo padin un EDITED VERSION ba I swear, meron po akong ibang binago. Kaya abangan! :) comment and vote please!!!

PS: Sorry pala kung maikli lang toh. need na matulog ng maaga ni Ms.A eh kasi overnight ako tom sa DSWD para tumulong.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon