CHAPTER 13 (EDITED)

240K 5K 341
                                    

Update Date: 08/18/2018

*KARISSA'S POV*

"Japs, puwede mo bang ibigay ito kay Karissa?"

Hindi alam ni Rayne nasa likod lang niya ko. At ano iyan pinapamigay niya sa akin? Bakit pumunta pa siya dito sa Class 4-6? Magkikita naman kami mamayang break. Nacucurious na talaga ako dito kay Rayne lalo na iyan mga tingin niya kay Japs.

Tama ba itong naaamoy ko? Nakakaamoy ba ko ng dark chocolate?

"Sige, huwag kang magalala. Ibibigay ko ito sa kanya, crush."

"C--crush?"

Hay naku Rayne, kailangan mautal talaga? At ano na naman iyan bagong pakulo ni Japs? Anong tawag niya kay Rayne? CRUSH talaga?

Rinig na rinig ko naman dito sa labas ang tawanan ng Class 4-6. Huwag nilang sabihin na pinagttripan nila ang bestfriend ko?

"Si..sige Japs, aalis na ko."

Mabilis akong nagtago bago pa ko makita ni Rayne pero mukhang nawala na sa sarili si Rayne dahil nagmadali na rin talaga siya makaalis sa lugar namin at kitang kita ko sa mukha niya ang pamumula niya.

"Hala, bakit umalis agad si crush?" Malungkot na sabi Japs. Totoong bang kalungkutan iyan?

"HAHA! Natakot sayo si crush mo!"

Hayan, nagtawanan na naman ang Class 4-6. Nagsisimula na naman silang mangasar kay Japs. At mukhang iiyak na naman ang mukha niya.

"Hindi siya natakot sayo Japs."

"Talaga?!" Iyon lang ang sinabi ko pero akala mo nanalo sa lotto ang mukha ni Japs. Pero pagkatapos ng ilang segundo, nagpalit na naman ang expression niya. Ngayon naman, balik ulit siya sa busangot na mukha niya.

"Oh ito! Pinabibigay ni Crush ko."

Padabog niyang binigay sa akin ang box ng chocolate ni Rayne. Pero binalik ko din sa kanya.

"Sayo na lang iyan."

At walang second question, niyakap ng mahigpit ni Japs ang kahon na akala mo may aagaw sa kanya.

Pero sa totoo lang, alam ko naman para sa kanya iyan. Dahil hindi ako mahilig sa dark chocolate. Kaya bakit bibigyan ako niyan ni Rayne?

"OHA! BIGAY NI CRUSH KO!!!"

"Pahingi naman kami Japs!"

"AYOKO!!!"

Japs, yung totoo, ilan taon ka na ba talaga?

************************************************************************************

Andito lang kami ni Rayne sa student hall para hintayin si Ciara. At ito na rin pagkakataon ko para kausapin si Rayne.

"Rayne, may tatanungin lang ako sayo. Pero sana sagutin mo ng totoo ito."

"Ano iyon Karissa?"

"Rayne, may gusto ka ba kay Japs?"

Yun! Jackpot! Mukhang hindi ko kailangan ng sagot niya. Obvious na obvious na sa kanyang mukha.

"Karissa, please. Huwag mong sabihin ito kay Ciara. Alam mo naman yun, ayaw na ayaw niya sa grupo nila. Lalo na bestfriend pa ni Japs yun pinakaayaw niyang tao dito."

"Totoo? Si Japs talaga? Kailan pa nagsimula ito? Dahil ba kahapon?"

Medyo halata ba sa mga tanong ko na hindi ako makapaniwala na ang bestfriend ko may gusto sa pinakaweirdong tao na nakilala ko?

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon