CHAPTER 49 (EDITED)

178K 3.5K 133
                                    

Update Date: 01/14/2020

*Marion's POV*

"Cheerdancers! Break na muna."

Ito na ang chance ko. Siguraduhin lang ng Japs na iyon, epektibo itong operation "Tubig" niya. Dahil kung hindi, lulunurin ko siya sa kumukulong tubig.

"Tubig?"

"MARION?"

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Karissa. Pero nakita ko din ang bakas sa mukha niya ang pagkabigo. Bakit? Inaasahan ba niya na si Nathan ako?

"Kapalit nung tubig na binili mo dati."

"Ah." Kahit nakasagot na siya, hindi pa din siya gumagalaw. Medyo nangangawit na ko dito ah.

"Tatanggapin mo ba o hindi?"

"Thank you."

Magpasalamat talaga siya dahil hindi talaga nagbibigay ng tubig ang isang Marion Gatcheco para lang makausap ang isang tao.

"Pwede ba kitang makausap?"

"Sige."

"Sa labas."

Nakakita na naman ako ng disappointment sa mukha niya. Bakit? Ayaw ba niyang makausap ako?

Mas gusto ko sa labas dahil mas tahimik doon at wala ibang makikinig sa usapan namin dahil alam ko naman na marami dito ang chismosa. At para hindi rin kami makita ni Chloe, mas mabuti ng i-iwas ko si Karissa sa gulo na puwede gawin ni Chloe.

"Ano yung pag-uuspan natin?"

Teka, parang kinabahan na ko sa mga sasabihin ko. Alin ba muna uunahin ko?

"Simula ngayon, sa court na kami magttraining ng basketball team."

"Ah ganun ba? Lilipat na lang kami sa kabilang court."

"Wala naman akong sinabing lilipat kayo. Saka hindi pwede gamitin yung kabilang court dahil inaayos pa yun para sa championship."

"Eh kung hindi kami lilipat, paano tayo makakapagpractice? Wala nang extra space sa court para makapagpractice kami."

"Hindi pa naman kasi ako tapos magsalita, hahatiin ko yung court. Yung half court sa amin at yung isa pang half court, sa inyo."

"Makakapagtraining ba kayo ng maayos kung half-court lang gagamitin niyo?"

"Ako na bahala dun. Huwag mo na pati isipin yung team namin, i-focus mo lang iyan sarili mo sa cheering niyo."

"Ok, sige."

Teka, ano pa ba sasabihin ko? Bakit nablangko ang utak ko? May dapat pa ba akong sabihin?

"Iyon lang ba paguusapan natin?"

"Oo."

"Ok, sige. Pasok na ko."

Sh*t! Hindi! May sasabihin pa ako. Marion! Bakit ka ba nagkakaganito? Paalis na si Karissa! Now or never!

"Karissa!"

Kaya mo to, Marion. Sino ka nga?

"Sorry."

"Huh? Sorry? Sabi ko naman sayo e, ayos lang naman sa amin ang half-court. Hindi naman namin kailangan yung full-court."

"Hindi iyon ang dahilan."

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon