CHAPTER 52 (EDITED)

188K 3.5K 146
                                    

UPDATE DATE: 01/15/2020

*THIRD'S PERSON POV*

Sinundan ni Ciara si Vince. Matapos kasing umalis ng School Council President sa court, nakita naman niyang paalis si Vince na mag-isa sa kabilang exit. Dahil gusto niya rin makausap si Vince kung ano na ba talaga ang relasyon na nila ngayon. At ngayon, napadpad siya sa school garden. Nawala bigla si Vince. Hindi nagtagal nakakita siya ng dalawang tao. Napili niyang lumapit para ipagtanong kung may nakita silang Vince sa paligid. Hindi naman siguro siya nakakaistorbo diba? Kaso mali pala, nung paglapit niya hindi niya na kailangang magtanong at oo, nakakaistorbo pa siya sa paghahalikan nila.

"Ciara?!"

"I'm sorry. I didn' t mean to disturb you. Sige, ipagpatuloy niyo na."

"CIARA!!! Teka lang!!"

Tumakbo na papalayo si Ciara at dali daling nakasunod si Vince. Para kay Vince, kailangan niya mahabol si Ciara. Kailangan niyang magpaliwanag. Kailangan niya masabi ang totoo. Kailangan niya si Ciara.

"Ano ba?!"

Pagharap ni Ciara kay Vince, umiiyak siya. Iyon ang hindi inaasahan ni Vince na mangyari at ang ayaw niyang makita.

"Umiiyak ka ba?"

"Hindi! Napuwing lang!"

"Wag ka ngang sinungaling!"

"Ako pa ngayon?! Ikaw ang wag magsinungaling!"

"Ciara, listen to me, yung nakita mo—"

"Vince, you don't need to explain. Wala ka naman dapat i-explain lalo na sa akin!"

"NO CIARA! KAILANGAN ko magexplain lalo na sayo!"

"Hindi mo ba ako naririnig?! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Dahil I realize that, kahit sino hinahalikan mo! Kahit sino nagiging girlfriend mo! Kahit sinong babae gusto mo! Dahil PLAYBOY ka!!"

"Ciara! Pakinggan mo muna kasi ako!"

"Nga pala, bakit ba ko nagagalit? Dapat nga matuwa pa ko. Kasi among of Xavier Girl High students, ako yung napili mong halikan! Ang swerte ko naman diba? Dapat pala thankful pa ko. THANK YOU SO MUCH MR. VINCE DE VERA FOR THE OPPURTUNITY!"

"Pwede ba Ciara?! Can you stop this?!! Alam kong nasaktan kita pero –"

"Nasaktan?! Sino ka para masaktan ako?!"

"Boyfriend mo ako Ciara!"

Boyfriend? Nakakatuwa! Tumalikod nalang si Ciara para maglakad pero biglang hinawakan ni Vince yung kamay niya.

"Boyfriend? Akala ko din eh. Pero never kang naging boyfriend para sa akin. NEVER. By the way, I'm warning your new girl na trespassing ang ginagawa niya. If you want to continue your stuff, doon kayo sa school niya!"

Saka inalis ni Ciara yung kamay niya mula kay Vince. Oo masakit, pero ayaw niyang maramdaman ni Vince na nanalo na siya. Alam naman ni Vince na nasaktan niya si Ciara. Pero bakit sa nangyayari, bakit siya pa ang sobrang nasasaktan?

*CLOUD 9 BAR*

"Kanina pa ba siyang nandyan?"

"Opo, sir. Pinaalis na nga po namin lahat ng customer eh."

"First time, huh?"

Naka-receive si Japs ng hindi kapani-paniwala na tawag. Hindi sa first time na magkaroon ng gulo sa Cloud 9 kundi, first time na nag-wala si Vince sa bar niya. At habang nakatitig si Japs sa nangyayari, muntik pa siya tamaan ng flying bottle. Kung hindi nga naman malala na talaga to.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon