CHAPTER 25 (EDITED)

207K 4.1K 251
                                    

Update Date: 08/18/2018

*THIRD'S PERSON POV"

Sa isang sasakyan, magkasama naman sina Vince at Ciara.

"Thank you."

"Okay lang naman na ihatid kita eh."

"Hindi naman yun ang reason kung bakit ako nagt-thank you."

Medyo medyo pahiya, Vince.

Kung si Japs, sobrang nahihirapan, mas lalo na si Vince. Dahil simula nung nakakasama niya na si Ciara, hindi na marathon ng mga babae yung tumatakbo sa isipan niya, iisang tao nalang. Ang mas malala pa, nakasuot siya ng uniform ng Xavier Girl High. Kung hindi nga naman gumuguho na ang mundo.

"Ah, ganun ba? Para saan ba?"

"Dahil dito sa dogtag ni Vince."

"Sabi ko naman sa'yo, wala yun. It's not a big deal."

"Kung sa'yo hindi yun big deal, para sa akin, oo. Alam ko na Vince, huwag mo na i-deny."

"Alam mo na ang ano? Na gwapo ako? Please Ciara, huling huli ka na sa balita." Nagtataka parin si Vince kung ano pinagsasabi ni Ciara, nalaman niya kaya? Kaya ang strategy niya, inisin si Ciara para makalimutan ang nangyari.

"Tumigil ka nga dyan. Nako, ayaw mo pang aminin. Ikaw ang nag-engrave dun sa dogtag ni Vince. Tama ako diba?" Hindi gumana.

"Fine. Talo na ako. Paano mo nalaman?"

"Just a coincidence."

>>FLASHBACK<<

Weekend nun at dahil wala naman silang plano nina Karissa at Rayne na magkita-kita, naisipan ni Ciara na pumunta ng pet shop. Bibili sana siya ng dogtag para kay Oppa para IF EVER na pumunta ulit siya sa bahay nila Vince, maibibigay niya kay Ashanti.

"Good afternoon ma'am, ano po maitutulong ko sainyo?"

"Ay, yes hi. Bibili sana ako ng dogtag."

"Okay po, ma'am. Eto po yung mga available ngayon."

Tinignan ni Ciara yung display pero wala dun yung katulad nung sa aso nila ni Vince.

"Uhm, excuse me. Wala na ba yung katulad nito?" nilabas niya yung dogtag ni Vici.

"Ay, ma'am! Kayo po pala yung girlfriend ni sir!" anong girlfriend? At paano nalaman ng saleslady na ito na galing sa lalaki yung dogtag na hawak ni Ciara?

"Huh?"

"Nako po, nag-iisa lang po kasi yan. Si sir po kasi yung gumawa mismo niyan. Grabe, hindi niya po pala sinabi sainyo. Ang sweet niyo naman pong dalawa." Mas ikinagulat ni Ciara yung sinabi nung saleslady. Tama pala na hindi nanggaling si Vince sa babae niya?

"A-ano? Totoo ba?" Hindi parin siya makapaniwala.

"Yes po, ma'am. Sobra nga po siyang seryoso nung araw na yun. Nakita niyo po ba yung mga paso niya sa kamay? Sabi po naman namin pwede niya po balikan pero hindi daw po pwede. Kailangan daw po mabigay niya agad sa'yo. Kaya hayun, napaso po siya sa kakamadali. Sorry po hindi namin napigilan boyfriend niyo ah."

Nagkamali si Ciara. Sobra sobrang pagkakamali. Napaatras nalang siya sa mga narinig niya.

"Ah, sige. Ano, balik nalang ako sa susunod. Salamat ah." At umalis na nga siya sa pet store.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon