CHAPTER 41 (EDITED)

203K 3.9K 344
                                    

Update Date: 09/02/19

*KARISSA'S POV*

Wala na bago dito sa Class 4-6. Umagang umaga, wala na silang ibang ginawa kundi mag-ingay, manggulo.

At ang presidente naming laging late.

Pagdating na pagdating niya, nagusap agad sila ni Angel Nathan. Pero mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Ano naman kayang kalokohan ang pnplano ng dalawang ito? Tignan mo itong dalawang ito, softdrinks agad sa umaga.

Nabaling ang tingin naming lahat sa taong tumatakbo papasok ng room namin.

"MADLANG PEOPLE!!!! ANDIYAN YUNG MGA ANAK NUNG SCHOOL PRESIDENT!!!!!!!!!!"

Nagulat na lang kaming lahat sa naging reaction nila Marion at Nathan. Parehas pa nilang nabuga ang iniinom nilang softdrinks dahil sa pagkagulat. At mas kinagulat pa namin ang bigla nilang pagtakbo palabas.

Kaya napasunod din kaming lahat, pagdating namin sa gate, halos lahat ng schoolmates namin ang nandoon. May nakaparada na magara na kotse sa labas ng gate. I'm sure, doon nakasakay ang anak ng School President. After few seconds, may bumaba na dalawang babae sa kotse.

"KUYA MARION!!!!!"

Nagulat na lang kami ng biglang tumakbo yung dalawang babae kay Marion, at NIYAKAP pa nila!!! Teka, Kuya??

Napansin yata ni Nathan ang pagtataka sa mga mukha namin kaya nagmadali siyang lumapit sa amin. Pero kapag tinanong niyo ang bakulaw na kapre, hayun, tulala sa dalawang anak ng school president.

"Wait, Mali yang iniisip niyo. Childhood friends namin sila."

Teka, ano nga ba iniisip namin?

Pero bago pa magdigest sa isip ko ang sinabi ni Nathan. Narinig ko ang boses ni Head Teacher.

"Ms. Chloe and Ms. Carmela, if you don't mind, pagusapan po natin sa office ko ang paglipat niyo dito."

"Paglipat?"

"Kuya Marion, let's talk about it later, ok?"

"Nathan, ikaw na muna bahala sa Class 4-6."

"Don't worry, Pards. Ayusin mo muna yan."

At hayun, iniwan kaming clueless. Umalis na yung dalawang girl at si Marion pati na rin yung Head Teacher.

Bumalik na rin kami sa classroom pagkatapos salubungin ang dalawang anak ng school president.

"Bakit tinawag nilang Kuya si Marion?"

Hayun, iyon ang nagstuck na tanong sa akin kanina. Mabuti na lang natanong ni Japs.

"Ang kulit niyo, childhood friend nga namin sila."

"Kung childhood friend niyo sila, eh bakit parang kay Marion lang sila sobrang naging excited. Eh hindi ka nga nila napansin eh."

May point si Vince.

"Kasalanan ko bang mas gwapo sa akin ang bestfriend ko?"

"Ano ba, Nathan, ang seryoso ng tanong namin."

Pero bago pa makasagot si Nathan, bigla na lang namin narinig ang boses ni Marion.

"Bakit? Totoo naman na mas gwapo ako sa kanya."

"Ang saklap, sineryoso naman."

"Andito ka na agad."

"Hinatid ko lang sila sa classroom nila."

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon