CHAPTER 46 (EDITED)

195K 3.6K 162
                                    

Update Date: 12/23/19

*KARISSA'S POV*

Andito kami ngayon sa Science Lab. At hinihintay si Ms. Physic, Speaking of her...

"Class 4-6, group yourself with your partners."

"Awwwww..."

"Experiment na naman."

"Nakakatamad naman."

"Mas ok pala Bal, kaysa magturo si Ms, Physic."

"Class 4-6!! Ano pang tinutunganga niyo diyan?!!!"

Hala, parang nagising lahat ng nerves namin. Nagtataka siguro kayo kung bakit ganyan si Ms. Physic. Eh kayo ba naman halos linggo-linggo may nangyayaring kamalasan sa inyo. At alam niyang "HINDI KAILANGAN MAGING MABAIT SA CLASS 4-6". Anyway, lahat naman sila tumabi na sa partner nila.. Pero mukhang ako yata may problema.

SINO PARTNER KO?!!!!

"Ms. Asajar, wala ka pa nga palang partner. Mabuti na lang meron sa isa sa mga Class 4-6 ang walang partner, so your partner would be Mr. Gatcheco."

Mr. Gatcheco?? Ilan ba meron may ganyang apelyido dito sa Class 4-6?

"Marion, tumabi ka na kay Karissa."

Tama nga kayo, sino pa nga ba may apelyidong "Gatcheco"? Kapag minamalas naman talaga ako. Ang dami naman ng Class 4-6 para meron isa sa kanila maging partner ko, bakit siya pa? Tinignan ko naman siya. Teka, diba inuutusan siya ni Miss na umupo sa tabi ko? Pero.

BAKIT HINDI MAN LANG SIYA KUMIKIBO??

At feeling ko pa ngayon, nasa amin lahat ng attention ng lahat. Pero naisip ko, bago ulit bumuka yung bibig ni Ms.Physic. Kumilos na ko at inayos na yung mga gamit ko. Dahil AKO NA YUNG UNANG KIKILOS. Mauubos lang yung oras namin dito kung walang kikilos.

"So I think, everyone was already beside their partner. We are now going to start the experiment."

May pinindot si Mam dun sa table.And *poooff* lumitaw na sa harapan namin yung mga laboratory apparatus. High-tech noh?? Sa Class 4-6 lang meron niyan. Well, alam ko naman history kung bakit ganyan ang Science Lab kapag kami ang nagkklase. Nagsimula lang yan ng naipanganak ang Class 4-6 sa Xavier School.

Ang sabi ng iba, ginawang automatic yung paglabas ng lab. apparatus nun dahil bago magsimula yung experiment, wala na daw yung mga gagamitin na apparatus. Ganyan kalala ang Class 4-6.

Take note: lahat ng lab. apparatus na ginagamit namin ngayon DISPOSABLE!!

"Gawin niyo muna yung experiment niyo. Sa page 113 sa isang partner niyo then page 114 dun sa isa. Do it INDIVIDUALLY. INDIVIDUAL WORK Ok?"

Hay jusko, para akong binunutan ng tinik. Akala ko pa naman partner talaga kaming gagawa.

Nagtataka kayo siguro ang tagal-tagal ko nang nalipat dito pero ngayon ko lang narealize na wala akong partner. Ngayon lang kasi kami nag experiment with partner. Wrong timing talaga.

NGAYON PANG GANITO ANG SITWASYON NAMIN NI MARION. Teka nga, asan na ba yung beaker? Hayun lang pala, nasa kabilang side. Sa SIDE ni MARION.

"Marion, paabot naman ng beaker."

.....SILENCE....

Aba, deadma lang ang lolo niyo!!!

Para naman hindi niya ko narinig..

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon