CHAPTER 36 (EDITED)

192K 3.7K 198
                                    

Update Date: 08/08/19

*MARION'S POV*

"Huh? Anong meron sa Popu Girls?"

Hindi na pinansin ng Class 4-6 ang tanong ni bulilit. Sanay na rin naman sila sa pagiging matanong nito. Sunod-sunod na silang lumabas at kahit nagtataka si Karissa kung saan nga kami papunta, sumunod na lang siya sa kanila.

Pero bago pa ko makalabas sa ng room, narinig kong nagsalita si Pards.

"Pards sa akin na muna siya ngayon, Ok? Napahiram ko na naman siya sayo kagabi."

Sinong SIYA?! Ano itong sinasabi sa akin ni Pards? Ngumiti lang siya sa akin. Ang ngiting ayokong makita sa kanyang mukha niya. Nauna na siyang maglakad sa akin at sinundan ko kung sino ang sinasabi niyang "Siya".

Pero laking gulat ko ng makita kong sumabay siya maglakad kay Karissa. Pero mas kinagulat ko ng bigla siyang umakbay kay Karissa.

Kailan pa ko humiram sa kanya? Kailan pa naging bagay si Karissa? At kailan pa naging pagmamay-ari niya si Karissa?

Teka, ano bang meron sa kanila?!!! Eh parang totoo nga yung narinig kong "LOVE YOU, TOO" kay Karissa kagabi. May biglang tumapik ng balikat ko na nagpatigil sa mga boses na sumisigaw sa utak ko.

"Marion, ok lang yan."

Anong probleme nila?! Sino na ba ako sa kwentong ito? Eh parang ako na lang yata wala maintindihan sa mga nangyari. Kagabi lang naman akong nakatulog diba?

Bakit ganito na lang ba ko makareact?! Eh kung sila na nga, so what?! Wala naman akong pakialam diba?!

Pero habang naglalakad sila at naiwan na lang ako dito mag-isa sa hallway, narinig ko naman ang mga bulungan ng mga nasa ibang room.

"Sino nga ba talaga sa dalawa?"

"Hindi ko nga alam eh."

"Malandi talaga un."

"Pero kahit ako, maguguluhan. Dalawa ba naman heartthrob prince ng school iyon."

"Kanina, si Marion yung kasabay pumasok tapos ngayon naka-akbay sa kanya si Nathan."

"Kawawa naman yung magbestfriend, pinaglalaruan lang niya."

"Kapag hindi niyo pinatahimik yan mga dila niyo, baka ipaputol ko na yan."

"Sorry po."

Pumasok agad sa mga kanya-kanyang room ang mga tsismosa pagkatapos marinig ang boses ko. Pati na rin un ibang mga nasa labas, pumasok na rin sa kanya-kanyang classroom. Mabuti alam na nila un dapat gawin nila.

*****************************************************************

>>HEAD TEACHER'S OFFICE<<

"HOY! CLASS 4-6!! Tinatanong ko kayo kung bakit andito na naman kayo?! Hindi niyo ba alam na nakakasikip na kayo dito sa office ko!?"

"Head Teacher, pinalaki ko na nga tong office niyo para everytime na papatawagin mo kami dito kasyang-kasya na kami. Kulang pa din yung space? Dapat pa nga magpapalagay pa ko ng sariling upuan namin dito. Kung puwede na nga lang, dito na rin kami magklase. Kaysa naman pabalik-balik kami dito."

"MR. MARION GATCHECO! Hindi ako nakikipagbiruan sayo!"

"Bakit? Nakikipagbiruan ba ko?"

Mukhang naramdaman ni Head Teacher na seryoso na ko. Kaya huminahon na rin ang boses niya.

"Eh ano na naman ba dahilan niyo at napasugod na naman kayo dito? Wala pa naman kayong bagong adviser para mapalayas niyo. The last time I checked, sumugod kayo dito dahil hindi ko pinapasok ang pinadeliver niyong catering."

"Sumugod kami dito dahil meron kaming gustong ipa-hmmm, Class 4-6, ano ba gusto niyo? Suspend or expelled?"

"Pwede bang ipatapon sa ibang planeta?"

"Pwede rin. Nagawa ko na nga yun eh. Kamusta na kaya yung taong humawak ng buhok ko?"

"Tama na nga yan kalokohan niyo!"

"Japs, gawin mo na duty mo."

"Oh sure, it's my time to shine. HAHAHA!"

Ang lokong Japs tuwang tuwa dumiretso sa mic para sa PA speaker namin dito.

"Mr. Guevarra! Anong gagawin mo sa speaker ko?!!"

"Don't worry, Head Teacher. Hindi ko sisirain. Sumusunod lang po ako sa SC President natin."

Wala na din nagawa si Head Teacher at hindi rin napigilan si Japs.

"Testing-testing. 1-2-3.. Opps. mali, bell pala muna. Hahaha!"

At ang parang sirang si Japs, tumatawa mag-isa dahil sa katangahan niya.

"Ehem. Good Morning everyone! Andito na ang pinakagwapo niyong SC PUBLICITY DIRECTOR. Minsan niyo lang marinig ang maganda kong boses kaya dapat makinig na kayo. By the way, I'm Japs Guevarra in short Mr. Gwapo ng Class 4-6!"

Kahit nasa loob kami ng office ni Head Teacher, rinig na rinig namin ang mga tilian ng mga babae dito sa school. Kaya lalong ngising aso itong si Japs. Pero dahil kill joy ako, sinigawan ko na si Japs.

"Japs! Umayos ka na nga diyan!"

Pero hindi ko akalain na mas lalakas ang mga tilian ng mga babae. At akala mo nagkaearthquake dito.

"Oo na po. Nang-agaw pa ng spotlight eh"

Babatukan ko na sana si Japs pero lumayo siya sa akin.

"Gusto ko lang i-announce na I'm calling for the Popu Girls na pumunta dito sa Head Teacher's office."

Nagulat kaming lahat dahil sa biglang pagbukas ng pinto at bumungad sa amin ang Popu Girls. Alam nilang sila ang ipapatawag namin dito?

"Oh? Gulat na gulat kayo. Akala ko ba you're calling us? Ngayon andito na kami. So what's your problem?" 

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon