CHAPTER 10 (EDITED)

258K 5.8K 1.2K
                                    

Update Date: 08/18/2018

*KARISSA'S POV*

"Thank you Marion."

Syempre marunong akong magpasalamat. Lalo na tinulungan niya ko dun sa tatlong alagad ni Medusa. At saka natutunan ko, kailangan magpasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan.

"Don't thank me little princess." Yan na naman yang little princess niya. "Hindi kita tinulungan kung yun yung iniisip mo. I don't intend to help others. It's not my thing."

Binabawi ko yun Thank you ko. Pagdating sa taong nagngangalang "Marion Gatcheco" hindi applicable sa kanya ang kahulugan ng Thank you.

Tignan mo yun, walkout king talaga. Iwan ba naman ako magisa dito. Makatayo na nga dito. Para akong hampaslupa na nakaupo dito sa sahig.

"A..aray!"

Minamalas naman talaga! Malas talaga! Nagkasprain pa yata ako. Makakasabunot talaga ako ng tatlong payaso.

"What's wrong?"

Bakit andito na si Marion sa harapan ko? Pero mas iisipin ko muna ngayon un sakit ng paa ko.

"Na-sprain yata ako."

"Get on my back."

"Huh?"

"Tatagalugin ko pa? SUMAKAY.KA.SA.LIKOD.KO"

"Totoo?"

Totoo talaga sinasabi niya? Hindi siya nagbibiro? O baka isa na naman ito sa mga kalokohan nila ng Class 4-6. Baka mamaya ihulog niya ko basta.

"Ok, fine."

Tignan mo talaga yun! Ang bilis talaga mahighblood! Iniwan na naman ako dito. Kasalanan ko bang hindi kapani-paniwala un mga sinasabi niya.

"Hoy! Nagjojoke lang ako. Sasakay na ko!"

Syempre hindi ko na papairalin ang sama ng loob ka sa bakulaw na kapre na ito. Grab the best opportunity nga daw at sa naiisip ko, ito yun best opportunity.

Sumakay na rin ako agad sa likod baka biglang magbago isip eh.

"Piss me off. Ihuhulog talaga kita."

Sungit talaga. Saan kaya pinaglihi ito? Wala ba sa dictionary niya ang "ngiti"?

"Nasaan ang sundo mo?"

"Isakay mo na lang ako sa taxi."

"WHAT?!"

"Aray! Huwag kang sumigaw! Lapit-lapit ko sayo. Saka anong problema mo sa pagtaxi ko?"

"Bakit magtataxi ka? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado yun? Saka may sundo ka namin diba? Anong ginagawa nun? Wala kang masasakyang taxi dito."

Masaya din pala nabwibwisit ito eh. Nagiging madaldal siya at mapalatanong.

"Hindi ko kasalanan nagkasakit yun driver namin. Edi kung walang taxi, maglalakad ako!"

Hayan na naman yun nakakainis niyang tawa! Ano na naman yun tinatawa niya diyan?

"Pinapatawa mo ba ko? Maglalakad ka? Sige, ibaba kita ng malaman mong kung makakapaglakad ka."

Kamalasan strike again.

"Sige, ibaba mo na lang ako diyan sa tabi. Tatawagan ko na lang sina Rayne or Ciara."

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon