CHAPTER 48 (EDITED)

183K 3.8K 417
                                    

Update Date: 01/14/2020

*KARISSA'S POV*

"Cheerdancers! Break na muna."

Grabe, kapagod talaga. Pero masaya na rin ako dahil, kalahati na yung nagagawa namin.

Hay ,nauuhaw na ako. Teka, nasaan na ba yung tubig ko???

Ay!!! SHOOT! Nakalimutan ko bumili!

"Tubig?"

Sino naman kaya itong hulog ng langit? Makakainom na rin ako sa wakas. Maraming salamat sa kanya.

Syempre, sino pa nga ba hulog ng langit?

Edi si ANGEL...

"MARION???"

Grabe, nanglaki talaga yung mata ko. Si Marion ba talaga ang may hawak ng tubig? At ang malaking tanong, anong ginagawa dito sa practice ng cheerdancing namin?

"Kapalit nung tubig na binili mo dati."

"Ah—" Ito lang nasabi ko pero kahit ganoon, hindi pa rin ako kumikilos.

"Tatanggapin mo ba o hindi?"

"Thank you."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi? Natutuwa ako dahil bumabalik na siya sa dati. Pero ayokong isipin na ganun. Dahil baka biglang bumagsak tong pagiging assuming ko.

"Pwede ba kitang makausap?"

"Sige."

"Sa labas."

See? Nagsisimula pa lang akong mag-assume, parang babagsak na ko. Bakit kailangan sa labas pa? Ganoon ba ka-confidential itong paguusapan namin? O baka naman hindi niya kayang makita ng iba ang magiging reaction ko? Lumabas na rin kaming dalawa at SAKTO! Walang TAO!

"Ano yung pag-uusapan natin?"

"Simula ngayon, sa court na kami mag-ttraining ng basketball team."

Ito na ba yung confidential na paguusapan namin?! Iyan kasi, masyado kasi akong assumera. Pero kung sa court na sila, paano naman ang cheering squad?

"Ah ganun ba? Lilipat na lang kami sa kabilang court."

"Wala naman akong sinabing lilipat kayo. Saka hindi pwede gamitin yung kabilang court dahil inaayos pa yun para sa championship."

"Eh kung hindi kami lilipat, paano tayo makakapagpractice? Wala nang extra space sa court para makapagpractice kami."

"Hindi pa naman kasi ako tapos magsalita, hahatiin ko yung court. Yung half court sa amin at yung isa pang half court, sa inyo."

"Makakapagtraining ba kayo ng maayos kung half-court lang gagamitin niyo?"

"Ako na bahala dun. Huwag mo na pati isipin yung team namin, i-focus mo lang iyan sarili mo sa cheering niyo."

"Ok, sige."

Pagkatapos niyon, natahimik kami. So iyon lang talaga ang paguusapan namin? Bakit parang pakiramdam ko mayroon akong inaasahan?

"Iyon lang ba paguusapan natin?"

"Oo." Maikling Oo lang sinagot niya. Umasa ka na naman sa wala, Karissa.

"Ok, sige. Pasok na ko."

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon