CHAPTER 32 (EDITED)

210K 4.4K 333
                                    

* MARION'S POV *

"MARION!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"Ano ba?! Bakit ka ba sumisigaw diyan?!"

"Kanina pa kita kasi ginigising eh. Mukhang masama panaginip mo eh."

Masama nga, Karissa. Mabuti alam mo.

"Bakit mo ba ko ginigising?"

"Tapos na kasi ako magpractice. Uwi na tayo. Pangit naman kung iwan kita dito."

Wala talagang pinapalagpas na oras itong bulilit na ito para painitin ang ulo ko. Yan pala gusto niya ah. Sige maiwan siya diyan.


"Hoy! Joke lang iyon. Para naman iiwan kita dito, baka di na ko magising noon kinabukasan."

Baka hindi mo na magawang makatulog pa ngayon.

"Hintayin mo kaya ako! Ang dami ko kayang dala!"

Kainis! Kahit kailan talaga itong bulilit na ito. Bumalik ako para kunin ang mga gamit niya. Pero isang blankong mukha ang nadatnan ko.

"Anong tinutunganga mo diyan? Huwag mong sabihin na pati ikaw gusto mong buhatin ko?"

Nauna na kong maglakad palabas ng school. Wala akong oras para sabayan siyang tumunganga sa kinatatayuan niya.

Ang malas naman talaga. Ngayon ko lang naalala na malayo ko napark ang kotse ko ngayon. Malayong layo na lakaran itong gagawin namin.

"Marion, saan tayo papunta?"

Andito na pala sa likod ko itong bulilit na ito.

"Sa kotse ko."

"Huh? Akin na iyan gamit ko. Sa kabila iyon way ko palabas eh."

"Ihahatid na kita."

"Huwag na Marion. Baka ma-out of way ka pa."

As if, ma-out of way ako.

"Bakit alam mo kung saan ako nakatira?"

Umiling lang siya.

"Oh? Hindi mo naman pala alam eh. Kaya hindi mo rin alam kung maout of way ako o hindi at wala ka na rin pakialam kung maout of way ako o hindi. Nakuha mo ba yun bulilit?"

"Opo."

Good. Sumunod ka lang kasi sa akin para wala na tayong problema.

"Marion, bakit ayaw mo talaga sumali ulit sa basketball?"

At ano naman nakain nito para magtanong ng ganito si Isaw?

"At bakit mo natanong iyan?"

"Nacurious lang ako. Kasi sa nabalitaan ko, magaling ka naman daw. Bakit hindi ka nalang sumali ulit? Para hindi sayang un skill mo? Tignan mo ko, kahit papano nagagamit ko na rin skill ko sa sayaw."

"May reason ako."

At iyong reason na iyon ay hinding hindi ko sasabihin kahit kanino.

"Siguro nawala na yan skill mo noh? Nalalaos na yan galing mo sa basketball mo noh?"

Tsk tsk tsk. Isaw, akala mo yata hindi ko alam iyan pnplano mo.

"Karissa, akala mo yata madadala mo ko diyan."

"Huh?"

Nagmamaang-maangan ka pa diyan. Palagay niya ba, hindi na nagawa sa akin ng Class 4-6?

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon