CHAPTER 79 (EDITED)

161K 3.8K 198
                                    

Update Date: 01/19/2020

*KARISSA'S POV*

"OMG!!! TOTOO NA TALAGA YAN?!" (Rayne)

"Oo nga."

"As in kiniss ka niya?! Nag-confess na siya sayo?!" (Ciara)

"Oo nga. Ang kulit niyo."

At dahil na rin sa nangyari, tinawagan ko agad sila Rayne at Ciara para ikwento sa kanila ang hindi kapani-paniwalang pangyayari.

"KINIKILIG KAMI!!!" (Ciara/Rayne)


"
Nakakabingi kayong dalawa."

"Bakit hindi ka ba kinikilig?" (Rayne)

"Syempre, kinikilig ako. Pero alam niyo un, hindi pa din nagsisink-in sa sarili ko."

"Teka! Anong sinagot mo kay Marion?" (Ciara)

"Wala."

"WALA?!!!" (Ciara/Rayne)

"Anong wala?! KARISSA NAMAN! Chance mo na yun!" (Rayne)

"Hindi ko naman kasalanan na after niya gawin un, umalis siya agad."

"Haist! Yun Marion talaga na yun may pagkatorpe." (Ciara)

"Saka, para akong punong nabaon sa kinatatayuan ko nun. Hindi talaga ako nakagalaw. Ganito pala feeling nun, nung nagconfess na yun taong mahal mo sayo. Hindi ko inexpect na mangyayari ito."

"Ayaw mo kasi maniwala sa sarili mo at kay Marion. Sabi naman namin sayo, gusto ka talaga niya pakasalan hindi dahil sa Mommy niya pero dahil mahal ka niya." (Rayne)

"Paano naman kasi ako maniniwala nun, hindi naman siya nagsasabi. Ayoko na nga magassume."

"Well, at least ngayon alam mo na. Hindi mo na kailangan magassume." (Ciara)

"Hala nagtext siya!"

"Si Marion?!" (Rayne)

"Dali! Anong sabi?" (Ciara)

"Teka, Bakit ko sasabihin sa inyo text niya?"

"Dahil BESTFRIEND mo kami at sa ayaw mo o sa hindi, babasahin mo yan." (Rayne)

"Hay naku. Sige na, ito na. Sabi niya. "Good luck for tomorrow. Teka, SINO KAUSAP MO? I can't call you. By the way, I love you.""

"Si Marion talaga yun?" (Rayne)

"Oh gosh, ang creepy. Si MARION nag-iloveyou sa text?" (Ciara)

"Baka nilalagnat naman siguro yan fiancee mo Karissa." (Rayne)

"Hindi ko alam. OMG. Pero kinikilig ako!!!"

"Sagutin mo kaya un text niya! Baka ano pa isipin nun! Saka remember! Hindi mo pa siya sinasagot sa "i love you" niya." (Ciara)

"Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya."

"Huwag ka na kabahan! Ikaw na lang un gagawa ng move!" (Rayne)

"Ok, promise ko after ng cheering competition natin tomorrow. Ayoko lang ngayon dito sa text. Para kasing hindi maganda."

"Ok, desisyon mo yan." (Ciara)

"Pero paano si Janine?"

"Hay naku, wag mo na isipin un bruhang yun. OK? Isipin mo na lang. Ikakasal kayo ni Marion. PERIOD." (Rayne)

Nakakapagod itong araw na ito. Away-Bati-Away-Bati pero in the end, nagconfess na sa akin si Marion. Alam kong napakacorny ko kung sasabihin kong para akong nasa heaven ngayon, pero iyan talaga ang totoo.

I can finally assure myself na, MAHAL talaga ako ni Marion.

And I have a promise for tomorrow na sasabihin ko din sa kanya un three letter word na iyon

*RING*

OMG! Tumatawag si Marion!!! HALA!!!! Sasagutin ko ba?!!!

Pero paano kung sagutin ko tapos itanong niya sagot ko, Ayokong sabihin sa phone!!! Gusto ko personal!!!

*RING*

HALLAAAAA!! Anong gagawin ko?!!! Feeling ko matatameme lang ako pag sinagot ko un tawag niya. Teka? Wala na ba?

Binaba na pala niya.

HAY SALAMAT.

*KNOCK*

"Issai?"

Si Mommy iyon ah.

"May phone call ka from Marion."

What?!!!

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon