CHAPTER 44 (EDITED)

182K 3.6K 135
                                    

Update Date: 12/23/19

*KARISSA'S POV*

"Sorry ah?"

Nagulat naman ako dahil may bigla na naman nagsalita. Napalingon naman ako kung sino iyon. Si Marion?

Kung siya yung iniisip niyo na naman, Pwes, HUWAG NA TAYONG UMASA. At imposibleng siya yun, dahil boses BABAE siya. At mas lalong hindi ulit si Nathan iyon. Guess who??

"Sorry para saan?"

"Para sa ginawa ng kapatid ko."

Tama ba tong nakikita ko? Iyong mala-ANGHEL na mukha ng anak ng school president. Masasabi ko lang napakaganda niya. Teka, alam na ba niya yung nangyari?

"Nakita ko lahat ng nangyari. At alam kong kasalanan iyon ng kapatid ko."

"Naku, wala iyon. Ayos lang sa akin yun."

"Masyado kang mabait, ayaw pa naman ng ganyan ni Kuya Marion."

Pangawalang beses ko ng naririnig yan, alam ko naman na ayaw sa akin ni Marion. Obvious naman sa ginagawa niya ngayon.

"Simula pagkabata, masyado nang protective si Chloe kay Kuya Marion."

"So it means, may gusto siya kay Marion?"

"Sabihin na natin, walang makakapalit kay Kuya Marion sa puso niya."

"Ganoon ba?"

"But don't worry, para na namin kapatid si Kuya Marion, kaya wag kang magselos."

"Huh? Selos? Di ah."

"Sa totoo lang, nagseselos ako sayo."

"Huh? Bakit naman?"

"Nagulat na lang ako ng nabalitaan ko na may sinakay na si Kuya Marion sa kotse niya. At mas nakakagulat, babae pa. And it turned out na ikaw pala yun. How lucky you are."

"Naku, naku. Huwag kang magselos. Hindi ganun yun."

"Iyon ang pangarap namin ng kapatid ko simula pagkabata. Ang makasakay sa kotse niya. Kaya ganun na lang siguro yung pagkagalit sayo ni Chloe."

"Sorry." Kasalanan pala ng sasakyan ni Marion ito.

"Pero huwag kang mag-alala, wala naman akong sama ng loob sayo. Honestly, I'm happy that you came to Kuya Marion's life."

"Puro nga kamalasan ang dinala ko kay Marion."

"Doon sa sinabi ni Chloe, huwag mo na lang isipin yun. Dala lang yun ng pagiging spoiled brat niya."

"Magkaibang-magkaiba talaga kayo ng ugali noh?"

"Yes, I know. Siya sikat, ako hindi. Siya maganda, ako hindi. Gusto siya ng mga tao, ayaw nila sa akin. Madami siyang kaibigan, ako wala. Nasa taas siya, nasa baba ako."

"Masyado mo naman dinidiscriminate ang sarili mo."

"Totoo naman eh. Mas pinipili ng lahat na makipagkaibigan kay Chloe kaysa sa akin. Sino nga ba ang may pangalan?"

"Hindi kaibigan ang tawag dun. Uhm, ganito na lang. From now on, friends na tayo. Ok ba yun?"

"Talaga?"

"Oo naman. Saka huwag mo na isipin na mas maganda yung kakambal mo kaysa sayo. Dahil mas maganda ka dahil natural yang beauty mo."

"Salamat ah? Ang bait mo talaga."

"Hindi naman, I'm just realistic. Ayoko kasi na may naiiwan."

"Pero bakit kaya ganoon ganun? Hanggang ngayon, hindi pa din ako matanggap ng kapatid ko? Bakit ayaw pa din niya sa akin? Ginawa ko lahat ng gusto niya. Binigay ko naman lahat ng gusto niya. Even the most important person in my life."

"Most important in your life? Don't tell me, pati iyon ginive-up mo para sa kanya."

"Exactly."

"I think, that's the stupidest thing na ginawa mo. No offense huh?'

"Yes, I know. I know that I'm stupid when it comes to her."

"Ganoon ba siya kaimportante sayo?"

"Oo. Kaya kong gawin lahat para sa kanya. Lahat naman tayo gagawin lahat para sa kapatid natin?"

"Hindi rin lahat kaya natin."

"Huh? What do you mean?"

"Kasi ako, mahal na mahal ko yung kuya ko pero bakit wala akong nagawa nung namatay siya?"

"I'm sorry. I didn't mean-"

"Ano ka ba, ayos lang yun."

I assured her with a smile. Syempre, ok lang naman sa akin na nababanggit si Kuya. Pero gusto na naman tumulo ng mga luha ko. Pero HINDI PWEDE. Ayokong may makakita na naman ng pagiyak ko.

"Ay nga pala, para naman mas marami ang maging kaibigan mo, ipapakilala kita sa mga bestfriends ko at pati na rin sa Class 4-6."

"Talaga? Pero balita ko troublemaker daw yung Class 4-6."

"So it means, pati din kami nila Nathan at Marion troublemaker din?"

"Hindi naman sa ganun—"

"Huwag kang mag-alala. Kahit ganun yung mga yun, mababait din naman yun. Minsan nga lang tinotopak ng kademonyohan."

"Salamat talaga ah?"

"Wala yun, what are friends for diba?"

"Parehas talaga kayo ni Kuya Marion."

"Huh? Kami? Naku ah, hindi ko pinangarap na maging katulad nun. Jusko, hindi naman siguro ako ganun katopak at mas lalong hindi ako ganun kagulo ang utak."

"HAHAHA. Hindi naman. But I can't deny, medyo totoo yung mga sinabi mo. Pero kahit ganun yun, he's still KUYA MARION that I know since birth."

"Ganun na ba kayo katagal magkakilala?"

"Yes, definitely. Kaya kilalang-kilala ko yun, siguro nga pati hibla ng buhok nun, alam na alam ko na rin e."

"Halata nga. Hindi ka naman nagsisisi na nakakilala ka ng isang taong katulad nun?"

"HAHAHA. Hindi naman halata na ayaw mo sa kanya? Pero kung ano yung tingin mo sa kanya ngayon, yun din ang tingin ko sa kanya."

"Ah, so gusto mo din siyang ihagis sa ibang planeta?"

"HAHAHA,, Kawawa naman si kuya Marion. Pero sa totoo lang, marami na siyang nagawa for me. Siguro kung wala si kuya Marion, ngayon siguro wala ako dito. Hindi ako ganitong katatag."

"Wow naman. The way you talk about him, parang may gusto ka sa kanya?"

"Sabihin na natin, katulad ni Chloe walang makakapalit sa kanya sa puso ko at sabi ko nga rin, the way you see him, the way I see him also."

Ano ba tingin ko kay Marion?

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon