CHAPTER 57 (EDITED)

181K 3.3K 162
                                    

Update Date: 01/15/2020

*KARISSA'S POV*

"Bakit kaya wala pa si Vince? Late na siya."

Nakakapagtaka nga na si Vince na lang ang wala pa dito sa Class 4-6. Kahit ang bakulaw na kapre naming Presidente, andito na rin. Nagtataka din ang Class 4-6 dahil birthday daw ni Vince kahapon pero hindi daw ito nag-aya para magparty-party sila. Imbes, nagsend na lang daw siya ng message na may out of town daw siya. If I know, may kasama na naman siyang ibang babae. Kawawa talaga si Ciara dahil sa isang Vince babaero siya umibig.

"Malalate daw siya ngayon. Sinundo daw kasi niya ang bagong girlfriend niya."

"JAPS!"

Tignan mo talaga ang Vince De Vera na iyon! Kapal pa talaga ng mukha niya makiusap sa akin nun isang araw para kausapin si Ciara tapos isang araw pa lang may bago na naman siyang babae.

"Hey guys!!! May good news ako!"

Dumating na pala ang taong papatayin ko ngayon. May good news ka pang nalalaman ah!

"Anong good news ka diyan?!"

Tama yan, Japs. Ikaw muna maginterrogate sa bestfriend mo bago ko pa patayin yan. Alamin mo kung paano pa siya nagpapakita ng mukha dito.

"Bago ka muna mag-good news diyan, nasaan na yung birthday celebration mo?!"

JUSKOPO JAPS!!!

"Ano ba?! Makabatok kayo?! Ulo niyo to?!"

"Teka nga, ipapakilala ko muna sa inyo yung new girlfriend ko, wait lang."

Kapal pa talaga ng mukha niya! May gana talaga siyang dalhin dito ang girlfriend. Ano para ipakita niya kay —

"Ciara?"

"My new and my only one serious girlfriend, Ciara"

Totoo ba itong nakikita ko? Bakit, Ciara? Akala ko ba ayaw mo na sa kanya? Pero dahil gulong gulo na ko sa nakikita ko at nalalaman ko. Mas mabuti na lang umalis na muna dito. Ayaw kong pagdudahan ang desisyon ng bestfriend ko pero ayaw kasi magsink in sa utak ko.

Tumakbo na lang ako papalabas ng Class 4-6. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako papunta. Nararamdaman ko na lang na malayo-layo na rin akong tinatakbo ko.

"Karissa!"

Teka, boses ni Marion iyon ah. Mas mabuti na lang mas bilisan ko ang takbo ko. Sigurado akong papagalitan ako niyan dahil umalis ako ng Class 4-6 basta-basta.

"Tumigil ka nga!"

"AYOKO!"

Wala akong panahon sa sermon mo ngayon.

"Pag sinabi kong tumigil ka, TUMIGIL KA!"

Nagulat na lang ako dahil may kamay na pumigil sa akin at higpit pa ng hawak niya sa kamay ko.

"Ano bang problema mo?!"

"Hanggang saan ka ba tatakbo?!"

Nagulat na lang ako dahil pagtingin ko sa kanya, pagod na pagod na siya. Pakiramdam ko nga din, pagod na pagod na din ako. Nasaan na ba kami?

Hala?! Bakit nasa gate na kami ng school?! Ibig sabihin natakbo namin ang simula Class 4-4 hanggang dito sa gate, sobrang layo ng natakbo namin.

"Paano tayo nakarating dito?"

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon