CHAPTER 56 (EDITED)

209K 3.8K 413
                                    

Update Date: 01/15/2020

*THIRD PERSON POV*

"Kuya, bakit andito ba tayo?"

Nasa resort nila si Vince kasama ang baby sister na si Ashanti.

"KUYA!!!!!! I'M CALLING YOU!!!!"

"Ashanti!!! Can you lower your voice?"

"Eh kasi naman, you're ignoring me."

"I'm sorry, ano ba un sinasabi mo?"

"Why are we here ba?"

"Masama na ba magcelebrate ng birthday ko dito?"

"Eh kuya, bakit ako lang kasama mo? Where are your friends?"

"Gusto muna kitang masolo, okay na ba yun?

"Awww, you're so sweet talaga kuya! I love you! And HAPPY BIRTHDAY!!"

"I love you, too. And thank you."

Laking pasalamat ni Vince na kasama niya si Ashanti. Kahit papaano, sakanya siya kumukuha ng lakas ngayon. Usually, sine-celebrate ni Vince ang birthday niya sa bar niya kasama ang Class 4-6. Pero iba ngayon, madami siyang kailangan pag-isipan at hindi makakatulong kung kasama niya ang mga maiingay niyang kaklase. Hindi niya alam ang gagawin, kung tama pa ba o mali na ang lahat. Kung tama pa bang ipaglaban niya yung nararamdaman niya kay Ciara. Kung mali na yung pinagpipilitan niya yung sarili niya kay Ciara. Kung tama pa ba na magmahal siya. Sa pag-iisip, napansin niyang tumahimik lalo ang paligid.

"Nasaan si Ashanti?!"

Biglang may napansin siyang note sa kama,

Dear kuya,

Habang iniisip mo si ate Ciara, I went out for a while. Don't worry kuya, memorize ko itong resort kaysa sayo. Ok? Bye bye! Sige, isipin mo na ulit si ate Ciara.

- Princess Ashanti

Minsan iniisip ni Vince kung maagang tumatanda ang 4 years old niyang baby sister. Eh parang mas matanda pa magsalita sa kanya eh. Hahayaan niya na munang maglibot-libot si Ashanti tutal naman bihira sila kung magpunta sa resort. Matapos ang ilang minuto.

"KUYAAAAA!!"

"Ashanti! Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hinaan mo ang boses mo?! And did I tell you to go—"

"KUYA, NAKITA KO SI ATE CIARAAA!"

"What?"

"Nakita ko si ate Ciara!"

"Stop joking around, Ashanti."

"I'm not! Nakita ko nga siya! Kung hindi lang ako hinigit ni Yaya, edi sana nalapitan ko siya. But then she disappeared!"

"See? It's only in your imagination, Ashanti."

"Of course not! New haircut nga siya eh!"

"100% imagination. Ashanti, mag-ready ka nalang. Kakain na tayo."

"But—"

"Ashanti, hindi nagpagupit si ate Ciara mo, okay? Satisfied?"

"Hmpff!"

Gustong maniwala ni Vince na nandito si Ciara, na malapit lang sakanya si Ciara. Pero ayaw niyang umasa kaya pilit niyang sinasabi sa sarili na imposible na pumunta siya dito kahit na sikat ang resort nila. After an hour, pinili ni Vince na maglakad-lakad sa labas.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon