CHAPTER 30 (UNEDITED)

211K 4.2K 514
                                    

[KARISSA'S P.O.V.]

Medyo maaga ako ngayon..
Ewan ko ba,..
Ang saya-saya ko pa rin ehh..
Hindi na nga yata natanggal yung ngiti sa mukha ko e..
WHOO!!!!
TAMA NA NGA TOH!!
TAMA NA!TAMA NA! TAMA NA KARISSA!!
Wait..

Anong nangyayari??
Room namin yun diba??
Bakit ang DAMING TAO sa labas?!!!

>RINGTONE<

KARISSA: Hello?
CIARA:   KARISSA!! Huwag ka muna pumasok sa Class 4-6!!
KARISSA:  Bakit?
CIARA:   Hinihintay ka dun ng mga kaschoolmate natin! Hindi lang ikaw! Pati na rin si Marion!
KARISSA:  Bakit?!!
CIARA:  Nalaman ng lahat yung tungkol sa cellphone niyo!

[KARISSA'S P.O.V.]
Magsisimula na sana akong sumigaw..
Pero may biglang nagtakip ng bibig ko..
OH MY GULAY!!!
Don’t tell me, KIDNAPPING PART 2 na naman toh!!
Hindi ako makapalag dahil sobrang lakas niya!!
Pero infairness ang bango-bango niya ahh..
Parang may alam din akong may amoy na ganyan..
GOSH!!!!!!Dinadala niya ko sa isang madilim na lugar,,
HUWAG PO BATA PA AKO!!!!
Hanggang nadala na niya ko sa…..

HUH?!?!Anong lugar toh!!
Bakit ngayon ko lang nakita toh??
Tinanggal na nun kidnapper un kamay niya sa bibig ko..
Syempre..
SASAMPALIN ko siya!!!
Pagkaharap ko dun sa so-called KIDNAPPER!!!!
WAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Huminto agad yung kamay ko bago ko masampal yung nasa harap ko..
IKAW?!!!!!
GOSH!!
Bakit ganito yung HEART ko?!!!!
Ang LAKAS-LAKAS ng HEARTBEAT!!!

MARION: Ano? Sasampalin mo ako?

KARISSA: Huh?? Hindi ahh.. Magaayos lang sana ako ng buhok ko

[KARISSA'S P.O.V.]
Muntik na ko dun ahh..
Kunwari inayos ko yung buhok ko..
Bakit ba kasi kailangan pa niya takpan yung bibig ko
At dalhin sa lugar na toh??
Aba, naglakad na yung mokong..

KARISSA:  Hoy, saan ka naman pupunta?
MARION: Saan pa ba? Edi para pumasok.
KARISSA:  Eh bakit dito ka dadaan?
MARION: Sige, doon ka dumaan sa harap para hindi ka na makapasok ng buhay.
KARISSA:  You mean, may daanan dito papunta sa classroom natin?
MARION: Ang kulit mo. Doon ka na nga lang dumaan sa harapan. Bahala ka diyan.

[KARISSA'S P.O.V.]
Hindi ko talaga maspell yung mood nun..
Kagabi naman, parang ok naman kami.
Mood swing siguro yun..
Teka!!!
Iiwan nga niya ko dito!!
SAMA MO TALAGA!!!!!
Huh? Tumigil yung loko..
Narinig ba niya ko??
Duh?? Sa utak ko lang naman sinigaw yun..
Hala, bumalik na siya..
And..
HINAWAKAN NIYA KAMAY KO!!
At saka niya ko hinigit,,
OH MY!!!Puwedeng araw-araw nasa labas ng classroom namin un mga kaschoolmate ko?!!!Hahahahahahaha
Tama na nga yan Karissa,,.
TANDAAN mo, HUWAG NA HUWAG kang MAIINLOVE!!!
NEVER!!!

MARION: Kasalanan mo toh eh.
KARISSA:  Huh? Ako? Ano naman kasalanan ko?
MARION:  Kung hindi mo nilabas yang cellphone mo edi sana wala tayong problemang ganyan.
KARISSA:  Kasalanan ko bang sa akin humiram si Japs?! Saka ikaw ang may kasalanan talaga. Kung hindi mo tinanong kay Japs yung number ko edi sana hindi siya nanghiram ng cellphone sa akin!
MARION:  Ilang beses ko bang uulitin sayo na HINDI ako yunh nagtext kay JAPS!! Si NATHAN nga yun!
KARISSA:  Eh kung hindi pala ikaw, bakit ikaw yung tumawag sa akin?!
MARION: Eh sana sinabi mo si NATHAN pala yung gusto mong makausap!
KARISSA: See?! Yan na naman ang ugali mo, wala naman akong sinabi na ganun ah!
MARION: Wala ka nga sinabi eh yun naman ang pinapakita mo!
KARISSA: Pinapakita?! Ano ba yan pinagsasabi mo?! Hindi talaga kita maintindihan!
VINCE: World War 3?
JAPS: Hindi noh. Obvious ba? LQ tawag diyan.
JIN: Naku Nathan. Ikaw pa yata ang dahilan.
NATHAN: Huh? Ako? Hindi ah.
JUN: Break-up scene na yung next.
VINCE:  Break up? Bakit sila na ba?
JAPS:  Bal, minsan slow ka. Hindi pa ba sila niyan?

[KARISSA'S P.O.V.]
Ano ba pinaguusapan ng mga toh?
Hulaan niyo kung asan yung mga kumag..
Hayun nasa bintana ng room namin..doon sa may likod ng room namin.
Ngayon ko lang nalaman na ito pala yung nasa labas ng bintana doon..
Pero wait..
ANO ULIT YUNG PINAGUUSAPAN NILA?!!
Sinundan ko naman kung saan nakatingin yung mga mokong..
HUWWAAATTTTT?!!!!!!
Magka-HOLDING HANDS pa rin pala KAMI!!!!!!!!!!!
Narealize din na yata niya yung mga pinagsasabi nun mga mokong..
Kaya bigla naming binitawan un kamay naming.

NATHAN: Ang iingay niyo. Yan tuloy ending na agad.
MARION:  Ano bang ginagawa niyo diyan?
VINCE: May narinig kasi kaming ingay dito, kaya sumilip kami.
JAPS: Yun pala, LQ niyo lang dalawa.
MARION: Tumahimik na nga kayo. Napaalis niyo na ba yung mga tao sa labas?
NATHAN: Hindi pa eh. Mukhang hindi kaya ng mga toh. Ayaw tumigil eh.
MARION: BADTRIP. T_T

[KARISSA'S P.O.V.]
Pumasok na siya sa loob..
Take note: sa bintana pa pumasok puwede naman sa pintuan!
Ang laki-laki ng pintuan!!
Hindi na ko nakipagaway dahil mukhang nabadtrip na talaga yun

NATHAN: Karissa, halika na. Pumasok ka na.

[KARISSA'S P.O.V.]
Ngumiti na lang ako kay Nathan..
Buti pa siya kahit kailan hindi niya pinapasama yung loob ko..

VINCE: Naku, Nathan. Kaya nagseselos yung isa e.
NATHAN:  Wala akong ginagawa ah.

[KARISSA'S P.O.V.]
Akala naman nila hindi ko narinig yun,.,
Pero anong ibig naman nilang sabihin??
Sino magseselos?
Hindi ko na lang sila pinansin dahil mas napansin ko un MR.PRESIDENT namin..
Hayun siya nasa main door ng classroom namin..
Yung tindig niya parang nakaharang sa pinto..
nagets niyo??

MARION: Ano pa ba ginagawa niyo dito?!!
GIRL1: Marion, nabalitaan kasi namin na ikaw daw yung may-ari nung TOP1 Most expensive cellphone.
MARION: Pakisabi sa mahabang dilang nagsabi sa inyo na sa susunod na magbabalita siya yung TOTOO ah!
GIRL2:  Anong ibig mong sabihin Marion?

[KARISSA'S P.O.V.]
Ano naman ibig niyang sabihin??
Eh totoo naman yun ehh..
May ilalabas yata siya sa bulsa niya..
Ano naman kaya un?

MARION: Pakisabi dun sa nagsabi sa inyo, Ito un CELLPHONE ko! Hindi un 15MILLION na cellphone na un!

[KARISSA'S P.O.V.]
Napanganga talaga ako!!
Sobrang yung panga ko yata nasa sahig na yata!!!
Hindi ako nagulat dahil sa nagpalit siya ng cellphone agad pero..

BOY1: Ganun ba? Eh un kay Karissa? Diba 10MILLION yung cellphone niya?
MARION:  Bakit hindi siya tanungin niyo?
KARISSA:  Ah eh..Yung akin?

[KARISSA'S P.O.V.]
Gosh!!no choice ako..
Kailangan ilabas ko tong dalang cellphone ko..
Bahala na talaga!!

KARISSA: Ito na yung CELLPHONE ko.
ALL:   O_O              
VINCE: Magkaparehas kayo ng phone?!!
KARISSA: Hindi.. I mean, mali..
JAPS:  Oh see, Bal? Tama ako. Magkaparehas sila ng cellphone.
VINCE: Oo nga.
KARISSA: Hindi nga yun sa ganun!
MARION: Oh? Bakit hindi pa kayo umaalis? Nakita niyo na naman diba? Mumurahin lang tong cellphone namin! Bumalik na kayo sa classroom niyo!
GIRL1: Pero..
NATHAN: Schoolmates, umalis na kayo. Sumunod na kayo sa SC President natin. Ok ba un?

[KARISSA'S P.O.V.]
Wala na rin silang nagawa..
Umalis na rin silang lahat..
Iba na talaga kapag may SC President lagi na nakadugtong sa pangalan niya..
Pero sa tingin ko,.
May panibagong problema na naman..

JIN:   Marion! Sabihin niyo nga sa amin, bakit parehas kayo ng cellphone?
JUN:  Bakit nag-iba yung cellphone niyo?
VINCE:  Asan na yung dati? Yung 15MILLION saka yung 10MILLION?
JAPS: Kayo na ba?
MARION: Puwede ba?! Tumigil na kayo sa kakatanong! Una, Coincidence lang na nagkaparehas pala kami ng cellphone. Pangalawa, Nagpalit ako dahil alam kong mangyayari yung ganito. Ewan ko lang sa kanya. At last, HINDI KAMI!

[KARISSA&MARION'S P.O.V.]

 

ANG SAKIT

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon