Chapter 8 (EDITED)

92K 2K 505
                                    

Hi Ayers! I know naghihintay kayo ng update sa Book 2 but sad to say, full sched si Ms. A this smonth. Hopefully,  you can understand me na super busy namin ngayon esp puro wedding prep un inaasikaso namin.

However, meron akong gift for you guys. While waiting for the update,  i will let you read this chapter from Class 4-6. This chapter is supposed to be included on the book unfotunately,  di niyo siya mababasa sa book. Thats why i will post it here.

I will try lang sana what would be your reaction on this chapter.

***********************
Sa wakas, nagkaroon din kami ng adviser, si Ms. Ramirez. Akala ko talaga hindi na kami magkaka-adviser pero para siyang naging panaginip lang. Dahil tatlong araw lang namin siyang naging adviser.

Oo, TATLONG ARAW lang. At kasalanan yun ng mga magagaling kong classmates. Sino ba naman kasi makakatagal sa pinaggagawa nila?

*FLASHBACK*

"Mag-attendance na tayo."

Malamang wala na naman nakinig sa kanya. Kailan ba nakinig sa teacher itong mga demonyitong ito?

Nasabi ko bang napakaganda ng bago naming teacher? Hindi ko alam kung strategy ni Head Teacher ito para manahimik itong Class 4-6. Kaso hindi pa din effective.

Kahit ano naman siguro gawin ni Head Teacher, wala ng magpapatino sa mga ito. Wala na talagang pag-asa itong mga classmates ko.

"Ms. Karissa Asajar? Absent ba siya?"

Aray ah! Sino na naman hudas na nambabato ng eraser?!

Paglingon ko sa likod, napansin ko si bakulaw na kapre na biglang tumingin sa may bintana. Siya ba ang nambato? Ano na naman ba trip niya?

"Ok. Ms. Karissa Asajar is absent."

Teka?! Andito ako! Paano ako naging absent?!

"Ms. Ramirez, andito po ako. Present po ako." Tinaas ko pa yun kamay ko para makita niya ako agad. Kaso isang irap na malupit ang natanggap ko sa adviser namin.

"Pati babae hindi rin matinong kausap dito."

Ouch ah! Gusto ko din sagutin itong teacher namin dahil alam naman niyang nagiisang babae lang naman ako dito. Obvious naman na andito ako dahil kitang kita naman niya ko. Ang mali ko lang, hindi ako kaagad nakasagot. Hindi ko alam kung gusto lang ba niya kong ipahiya sa mga classmates ko. Pero mukhang hindi rin effective dahil wala din pumansin sa kanya.

Saka sanay na kong mapahiya sa kanila noh! Sa araw-araw ba naman nila kong pinapahiya!

"Attendance for boys."

Teka mukhang naging curious ako kung paano sila sumagot pag attendance. First time ko kasi maeexperience ang pagtawag ng attendance samin dahil ngayon lang naman kami nagka-adviser. Sumasagot din ba sila? Pero paano sila makakasagot kung ganito sila kagulo at kaingay?

"Mr. Jin Abella."

Nagulat na lang ako dahil biglang tumayo si Jin sa table ni Mam sabay sigaw nun "Yow Mam!".

"Mr. Mark Brent."

Bigla na lang may tumambling sa harap at tinaas pa ang dalawang kamay.

"TADA!"

At ang mga loko-loko kong mga classmate, pumalakpak pa na akala mo nanood sila ng circus.

"Mr. Vince De Vera"

"Nice legs!"

Hanep talaga tong si Vince, lumapit pa kay Mam saka tinitigan un legs niya.

"Mr. Japs David Guevarra"

BOOM!

Ay sh*t! Ano yun?! May bomba ba?!

"HAHA! PARTY! PARTY!"

Napatingin ako kay Japs na hawak-hawak na party popper. Aatakihin yata ako puso kung araw-araw magaattendance kami at si Japs ang tatawagin.

"Mr. Nathan Matthew Javier"

"Present Ms. Ramirez"

Wow! Mabuti na lang may matino pa sa kanila. Si Angel Nathan lang talaga ang matino sa mga ito.
At kung ano-ano pang klaseng kalokohan ang pinagagawa ng iba pag pangalan na nila ang binabanggit. Mukhang hindi na rin nagulat si Ms. Ramirez sa mga naging asal nila.

May training ba si Head Teacher para maready ang magiging adviser nila? Bakit wala man lang siyang training para sa bagong classmate?

"Mr. Marion Gatcheco."

...

Bakit hindi sumasagot yun?

Eh paano naman hindi sasagot yun?! Natutulog na naman siya. Teka? Wala ba siyang balak sumagot?

"Mr. Marion Gatcheco?"

Tawag na naman ni Ms. Ramirez. Pero ang pinagtataka ko, nakatitig na siya kay Marion. Teka? Kilala din niya agad si Marion? Eh bakit tinatawag niya pa si Marion? Alam naman pala niyang present na yun bakulaw na kapre.

"Mr. Marion Gat- OH MY GOSH! WHERE THE HELL THIS WATER CAME FROM?!"

Nagulat na lang ako dahil may biglang bumuhos na tubig kay Ms. Ramirez. Saan naman nanggaling yun tubig na yun? Impossibleng may bumuhos sa kanya dahil kitang kita ko wala naman gumawa nun sa kanya.

Isang ingay galing sa upuan sa likod ang narinig ko at naging sanhi ng sandaliang katahimikan, sino pa nga ba makakagawa nun? Wala ng iba kundi ang bakulaw na kapre.

Gising na pala siya at nakatayo na. Saan naman balak nito pumunta? Pero ang napansin ko talaga yun parang remote control na pinatong niya sa desk niya. At para saan naman yun?

Walang sabi-sabi, nagtuloy-tuloy lang siyang maglakad papunta doon sa favorite door niya sa likod at saka siya lumabas.

"AHHHH! PAANO KO MAPAPATUYO ITONG MAMAHALING DRESS KO?!"

Muntik ko ng makalimutan, meron nga pala kaming adviser na naligo. Parang gusto ko tuloy gumanti ng tawa dahil naartehan na ko sa kanya.

"Mam! May solusyon ako para diyan, meron akong lighter dito. Want to try it?"

Hayun dahil sa napakagandang suggestion ni Japs, tumakbo palabas si Ms. Ramirez. Sino ba naman kasing hindi matatakot? Naglabas ba naman ng totoong lighter itong si Japs.

Dahil doon, nagsimula na naman silang tumawa.

"MUKHANG NA-"

"Utang na loob Trek, wag ka na magsalita, ako na magpapatuloy ng tanong basta wag ka lang magsasalita. Maawa ka sa mga tenga namin."

Ganyan sila lagi kapag magsasalita si Trek. Para naman kasing nakakain ng isang daang megaphone itong si Trek kapag nagsasalita sa sobrang lakas ng boses. Mayayanig talaga ang buong Xavier High kapag siya ang nagsalita. Pero isa sa rule dito sa Class 4-6 o sabihin na natin rule ni Marion, BAWAL MAGSALITA si Trek kapag nandiyan si Marion.

"Mukhang nabadtrip talaga ni Ms. Ganda si Marion. Tignan niyo, siya talaga pumindot ng gift from heaven natin."

Tsk, kahit kailan hindi maiiwasan ni Jake ang pagiging malandi niya. Napakababaero talaga. Pero tama si Jake, sa ilang araw ko na silang nakakasama at nakikita ang mga kalokohan nila. Ngayon ko lang yata nakitang si Marion ang gumawa ng kalokohan. Usually kasi, nanonood lang siya sa mga kalokohan ng mga toh.

"Nabadtrip nga talaga siya."

Napatingin naman ako kay Nathan nun sinabi niya yun at tumaas ang mga balahibo ko dahil nakangiti siya sa akin. Ang creepy naman yata ni Angel Nathan. Anong ningingiti niya?

*END OF FLASHBACK*

Hindi rin nagtagal si Ms. Ramirez dahil after three days nun, nagresign na agad siya. Hindi na rin ako nagulat dahil kahit sino walang magtatagal bilang adviser nila.

At ang nakakainis pa, mukhang nagapply lang maging adviser yun si Ms. Ramirez para mapansin siya ni Marion. Pero dahil mukhang napansin niyang wala siyang pag-asa para mapansin nun bakulaw na kapre, nagresign na lang siya. Let me clear this out, naiinis ako dahil akala ko pagiging adviser ang aapplyan niya yun pala, magpapansin lang pala. Ano naman special thing meron kay bakulaw na kapre para magpapansin dun? Diba?

"MR. MARION GATCHECO!"

Hala! Naglelesson nga pala kami ngayon. Kung ano-ano kasi iniisip ko. Teka? Bakit galit agad yun bagong Math teacher namin? Ano na naman bang ginawa ni bakulaw na kapre?

"What?"

Aba, bagong gising ang bakulaw na kapre.

At may oras pa siya para mag-inat sa harapan ng teacher namin. Ang gwapo naman niyang mag-inat. Ay! Anong ang gwapo?! Bakulaw na kapre pa din siya sa paningin ko kahit anong gawin niya.

Naalala ko nga pala, sinabihan ako nila Rayne at Ciara na ayaw na ayaw pala ng bagong Math teacher namin ang natutulog sa klase niya.

"Nakikita mo bang nagtuturo ako dito sa harapan?" galit na tanong ni Sir.. Sir? Ano nga pala pangalan niya? Bakit kasi hindi rin ako nakikinig sa kanya?

"Sir Cruz, how can i see you? Natutulog nga ko dito diba?"

Aba! Nampilosopo pa talaga tong bakulaw na kapre na toh!

"Pwes, sabihin mo sa harapan naming lahat kung ano yun ilelesson ko sa inyo ngayon?"

hamon naman ng Math teacher namin kay Marion. Lagot. Siguradong hindi alam ni Marion, malamang natutulog sa kanina. Buti na lang hindi ako un natawag ng Math teacher namin dahil panigurado mapapahiya na naman ako dahil kahit ako hindi ko alam un isasagot.

Pero ang kinagulat ko, tumayo siya at pinakita pa niya ang famous grin niya.

"You're really asking me that huh?"

Mayabang talaga ito! Siya na nga itong mapapahiya nagmamayabang pa!

"Your lesson for today is about trigonometric functions of an acute angle."

WAIT?! Paanong alam niya yun?! Hindi kaya di naman talaga siya natutulog?

"I already answer your question; can I sleep now? Or if you want I can recite the Six Trigonometric Function, right NOW."

YABANG TALAGA! Sige, tignan natin kung hanggang saan yan kayabangan mo.

Tumayo ako at humarap pa sa kanya. Ramdam ko din napatingin din sa akin un mga Class 4-6.

"Ok, Mr. Gatcheco. Please RECITE the Six Trigonometric Function."

"Haha. You're so funny Ms. Asajar." Tinawanan niya pa ko ng nakakaasar.

Tinaasan ko siya ng kilay at mataray kong tinanong toh,

"Are you going to recite it or not?"

Tignan mo yun bigla ba naman siyang umalis sa pwesto niya. Saan naman siya pupunta? Huwag mo sabihin na magwawalkout na naman siya?! Teka, bakit papunta siya ng board? Ano naman kalokohan niya?

"The six trigonometric function contains of Sine, Cosine and Tangent, Cotangent, Secant and Cosecant. And their definitions are Sine of an Angle is opposite side over hypotenuse, Cosine of an Angle is adjacent side over hypotenuse, Tangent of an Angle is opposite side over adjacent side, Cotangent of an Angle is adjacent side over opposite side, secant of an angle is hypotenuse over adjacent side and the last one is cosecant of an hypotenuse over opposite side."

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon