CHAPTER 54 (EDITED)

191K 3.7K 462
                                    

Update Date: 01/15/2020


*Marion's POV*

Nakakapanibago dahil hindi na mukhang bodega ang Student Council Room. Mukhang excited din silang magkaroon kami ng meeting. Pero pagkapasok ko napansin kong kulang kami ng isa.

"Nasaan si Vince?"

Tanong ko kay Japs. Kahit wala akong nabanggit na si Japs ang kausap ko pero sa kanya ako nakatingin at alam naman nilang si Japs lang makakasagot ng tanong ko.

"Malalate daw siya."

"Sige, hindi ko na siya hihintayin. Magsisimula na ko kahit wala pa siya."

Nilagay ko sa board ang kinuha kong poster tungkol sa basketball and cheerdance competition.

"Ano ang nakikita niyo?"

"Papel?"

"HAHAHAHA"

"Japs, gusto mo bang ikaw ang idikit ko dito sa board?"

Dahil sa pagbabanta ko kay Japs, nagsign siya ng zip mouth. May balak pa talaga siyang sagutin ako ng pabiro.

"Pards, Ano naman kinalaman natin sa basketball and cheerdance competition?"

"Dito gaganapin ang competition na ito at dahil sa TAYO daw ang student council, tayo ang magaasikaso ng competition na ito."

Sa totoo niyan, binalaan ako ni Head Teacher na dapat kami ang mag-ayos nito dahil kung hindi, ipapatanggal niya ang Xavier High sa competition na ito. Um-oo na lang ako para naman hindi madisappoint ang mga kasali dito lalo na si Karissa.

"Pards, paano pala ang budget natin para dito? Sigurado kasi na magkakaroon tayo ng gastos."

Tama si Nathan, kailangan nga namin ng budget. At dahil dakilang kuripot ang aming golden bald Head Teacher, wala daw siyang ibibigay na budget. Kami na rin daw bahala ang doon.

"Ako na bahala para sa budget."

"ABA!!! BIG TIME KA PRESIDENT MARION!"

"Kaya ikaw Jack, huwag mo ng planuhin na mangolekta ng budget sa mga estudyante dito."

"Grabe ka, Marion! Wala akong balak gawin iyon ah."

Natigil kami sa meeting namin dahil may biglang pumasok. Syempre, sino pa nga ba ang late kundi si Vince. Pero napansin kong wala sa mood ang mukha niya. Ano naman kaya problema nito?

"Oh, Vince! Bakit ka late? Siguro natagalan ka sa happy time mo sa one week girlfriend mo."

Walang sagot na natanggap si Jack kay Vince. At iyon ang nakakapagtaka, dahil kung normal na Vince yan, sasagot yan ng may pagmamayabang.

"Marion! Ako na bahala sa pag-announce sa buong school ng competition na gaganapin dito. Yes! Magagamit ko na naman ulit ang intercom ng school!!"

Halata kay Japs na kinukuha niya ang attention namin kay Vince. Sigurado talaga akong may nangyari sa isang ito. Pero sige, mamaya ko na lulutuin ng buhay itong si Japs.

"Sige, ikaw na bahala doon. Jack, Vince and Japs, kayo na bahala sa pagdedesign ng venue na gagamitin para sa competition na ito. Dahil kami ni Pards, magiging busy kami sa training."

"Daya, dapat sumali din tayo."

"Puwede ka pa naman sumali Jack sa basketball. Basta magtry out ka muna."

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon