CHAPTER 68 (EDITED & UNEDITED)

202K 3.7K 611
                                    

Update Date: 01/17/2020

*KARISSA'S POV*

Pagkatapos kong tumakbo palabas ng gym, sinundan ako nila Ciara at Rayne. At napagdesisyunan namin na sa bahay ni Ciara kami pumunta.

Naramdaman siguro ni Ciara na hindi ko kayang umuwi sa bahay namin dahil malalaman nila Mommy kung anong nangyari sa akin at ayokong makita nila akong ganito. Kaya nagdecide na lang kami na magovernight dito sa bahay ni Ciara.

"A shocking news! Ms. Janine Javellana and Mr. Marion Gotiangco dating?! Alam ng lahat na ngayon magcoconfess si Marion Gotiangco at irereveal sa lahat ang only love niya. And a surprise for everyone, Ms. Janine Javellana appeared. This was the scene that everyone caught, their kissing scene. A son of the richest man in the world and a super popular actress, is it a good couple?"

Pinatay ni Ciara ang TV niya ng makita niyang pinapanood ko ang news. Para yatang lalong nadurog ang puso ko ng makita ang balita sa TV. Ganyan kaya magiging balita kung ako ang nasa katayuan ni Janine? Magiging good news kaya ang dating sa balita kapag nangyari iyon? Ano ka ba Karissa? Bakit ba iniisip mo kung ikaw ba nasa kalagayan ni Janine? Hindi nga mangyayari iyon. Umasa ka naman na ikaw ang magiging future girlfriend ni Marion.

"Mam Ciara, nasa baba po si Sir Vince."

"Sige, Yaya. Baba na ko. Rayne, ikaw na muna bahala."

Umalis si Ciara para puntahan si Vince. Nilapitan naman ako Rayne at saka niya ko niyakap. Lalo tuloy akong naiiyak dahil sa mga nangyayari. Hindi ko naman ine-expect na ganito pala kasakit iyon.

"Rayne, I'm so stupid."

"Huwag ka nga mag-isip ng ganyan, Karissa."

"Ang tanga ko para isipin na sa akin magcoconfess si Marion. Sino ba naman ako? Sino ba naman ako para kay Marion?"

"Karissa, wag mong maliitin ang sarili mo. Ikaw si Karissa Asajar."

"Pero walang-wala ako para icompare kay Janine. Nakita mo naman kung gaano ka-perfect si Janine."

"KARISSA! Huwag na huwag mong ikompara sayo si Janine dahil walang-wala siya sayo. She's a bitch!"

Teka parang may biglang pumasok sa isip ko.

"Hindi kaya si Marion yun boyfriend ni Janine noon at naging dahilan ng heartbreak ni Kuya Korj?! Paano kung yun taong mahal ko at yun taong nanakit sa Kuya ko ay iisa lang?"

Parang lalong masakit kung totoo man iyon. Parang hindi ko yata kayang matanggap na ang rason kung bakit namatay si Kuya ay rason kung bakit ako nagmamahal ngayon.

"Paano na lang Rayne kung totoo iyon? Paano ko mapapatawad ang sarili ko na mahalin ang taong iyon?"

"Karissa, wala pa tayong alam. Malay natin hindi si Marion yun? Malay natin ibang lalaki yun? Saka do you think kaya gawin ni Marion yun?"

Naputol ang pag-uusap namin ni Rayne dahil biglang dumating si Ciara at ang pinagtataka namin, nagdadabog si Ciara. Hindi ba naging maganda ang paguusap nila Vince?

"Ciara, may problema ba?"

"Itong si Vince kasi nakakainis. Hindi niya man lang maintindihan ang sinasabi ko."

"Bakit? Ano ba pinagtalunan niyo?"

"Nagulat kasi siya ng malaman niyang si Rayne nandito din sa bahay ko. Sabi ko naman kasi hindi ka na makakapunta sa date niyo ni Japs dahil nga sinasamahan natin ngayon si Karissa. Kaso nagsimula na siya magsalita tungkol sa bestfriend niya na sana daw intindihin ko din daw un bestfriend niya. Nakakainis kasi, ano gusto niya? Unahin ni Rayne makipagdate kaysa samahan ang bestfriend namin ngayon."

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon