CHAPTER 42 (EDITED)

188K 3.6K 687
                                    

Update Date: 09/02/19

*MARION'S POV*

Papasok na ko sa room. As usual, maiingay at magugulo na naman ang Class 4-6. Wala pa din pagbabago.

Umupo na rin ako sa upuan ko. At himala, andito na agad si bulilit. Hindi ko na lang siya pinansin dahil napansin ko agad si Nathan na paparating sa kinauupuan ko at may dala pang softdrinks ang loko. Umupo siya sa tabi ko at binigay sa akin ang isang softdrinks na dala niya.

"Pards, ano yung paguusapan natin?"

"Meron ba?"

"Pards, kakasabi mo lang sa akin kahapon, may paguusapan tayo."

"Ai, oo nga pala."

"Ano na yun?"

"Gusto ko sana malaman kung kayo na ba—"

Hindi ko muna natapos un sasabihin ko, dahil ininom ko muna yung bigay na softdrinks ni Nathan. Sumabay na rin siya sa akin sa paginom. Pero...

"MADLANG PEOPLE!!!! ANDIYAN YUNG MGA ANAK NUNG SCHOOL PRESIDENT!!!!!!!!!!"

Pagkarinig na pagkarinig namin iyon, nabuga namin ang iniinom namin. At hindi na rin kami nagsayang ng oras, tumakbo na agad kami palabas. Kailangan kong malaman kung totoo ba talaga ang sinagaw ni Japs.

O isa lang ba ito sa mga kapraningan niya.

Pagkalabas namin, nakita agad namin silang dalawa. Doon ko lang nasigurado na totoo nga. Andito na nga silang dalawa. Napansin ko din na nasa likod na namin ni Nathan ang Class 4-6

Narinig ko pa ang sinabi ni Nathan sa Class 4-6 dahil na rin napansin niyang iba-iba na ang nasa isip ng mga ito.

"Wait, Mali yang iniisip niyo. Childhood friends namin sila."

"Ms. Chloe and Ms. Carmela, if you don't mind, pagusapan po natin sa office ko ang paglipat niyo dito."

"Paglipat?" Tinignan ko ng masama si Head Teacher dahil bakit hindi niya sa akin binanggit ito.

"Kuya Marion, let's talk about it later, ok?"

"Pards, ikaw na muna bahala sa Class 4-6."

"Don't worry, Pards. Ayusin mo muna yan."

Hinatid ko lang silang dalawa sa office ni Head Teacher. Pinagusapan na rin namin ang paglipat nila dito. Hindi na rin ako nakapagtanong dahil kailangan na silang hinatid sa room nila. Syempre, ako na naghatid sa kanila. Pagkadating na pagkadating namin sa room nila, sinigurado kong tinignan ko bawat mata ng mga magiging kaklase nila at sa pamamagitan ng mata ko sinasabi ko sa kanila na, malalagot sa akin kapag meron masamang nangyari sa dalawang ito.

Syempre pagdating ko sa Class 4-6, walang tigil ang mga tanong nila. Pero dahil nasa state of shock pa din ako kaya hindi ko rin pinansin ang mga tanong nila. Pero hindi ko pa din kinalimutan balaan si Vince.

Pagkatapos agad ng klase, nagmadali na kong umalis at hindi na rin ako nakapagpaala sa Class 4-6. Kailangan kong sunduin ang dalawa at excited na ko sa magiging surprise ko sa kanila. I know, magugulat sila at magugustuhan nila ito.

"CHLOE! CARMELA!! Bilisan niyo."

"Bakit ka ba atat na atat, Kuya Marion? Hindi mo ba nakikita ang init init ng araw!"

"Ano po ba yung surprise mo?"

"Ito."

Pinakita ko sa kanila ang sasakyan ko. At kitang kita ko sa kanila na nagtataka sila.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon