CHAPTER 58 (EDITED)

198K 3.5K 151
                                    

Update Date: 01/15/2020

*KARISSA'S POV*

May paparating na sasakyan at dahil sa gulat ko, hindi na rin ako nakakibo sa kinatatayuan ko at napapikit na lang ako sa takot.

Pero habang hinihintay ko ang paparating na sasakyan sa akin. Isang malakas na tunog ang narinig ko na pinagtaka ko kung saan nanggaling. Pagmulat ng mata ko, laking gulat ko ang saan nanggaling ang tunog.

"Marion!!!"

Oo, pamilyar sa akin ang sasakyang humarang sa sasakyan na bubunggo dapat sa akin. Bakit niya ginawa ito?

Bumaba na siya ng sasakyan niya at dumiretso sa akin. Akala ko sisigawan niya ko agad pero tahimik niya akong inilalayan para tumayo. Hindi ko rin napansin na napaupo ako sa kalsada dahil sa gulat. At saka kami naglakad papunta sa sasakyan niya. Pero bago mangyari iyon, bumaba ang driver ng sasakyang makakabunggo sana sa akin.

"HOY! Anong kalokohan ang ginagawa niyo? Kung gustong magpakamatay ng girlfriend mo tumalon na lang siya sa bangin! Letche! Tignan mo ginawa mo sa kotse ko! Hindi mo ba alam kung magkano ~~~"

"Shut the fuck up."

"Aba, bastos 'tong batang to!"

"Here."

May inabot na calling card si Marion doon sa driver.

"Ipakita mo lang yan card sa G motor para mabigyan ka nila ng bagong kotse. Kaya tumabi ka sa dadaanan namin bago pa kita ilaglag sa bangin."

Tinanggap naman ng driver ang binigay ni Marion na card. Mukhang natakot sa banta ni Marion kaya tumabi na lang siya para makadaan kami.

Sinakay na ko ni Marion sa kotse niya pero bago ako makasakay napansin ko ang bangga sa sasakyan dahil sa nangyari. Alam kong hindi gasgas lang ang nangyari sa sasakyan niya kundi bangga talaga.

Buong byahe namin nakatingin lang ako sa side mirror sa side ko at tinitignan ko ang bangga sa kotse niya. Hindi kasi maalis sa isip ko na dahil sa akin kaya nangyari ito sa kotse niya.

"Tigilan mo na pagtitig diyan, dahil kahit anong titig mo diyan, hindi na babalik sa dati yan."

Natahimik na lang ako sa sinabi niya. Kasi alam ko naman na totoo ang sinabi niya. Pero nagulat na lang ako dahil bigla niyang hinampas ang manebala ng kotse niya.

"Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo?! Sabi ko naman sayo kanina HUWAG KANG AALIS!"

Hayan na nga, nagsisimula na siyang magalit. Syempre, un mahal na mahal na sasakyan ni Marion Gatcheco, nabangga dahil sa akin.

"Hindi ka ba marunong makapaghintay ng konting oras?!"

"I'm sorry."

"Sorry? Ano na lang magagawa niyang sorry mo? Paano na lang —"

"Huwag kang mag-alala akong bahala sa sira ng kotse mo"

"Hindi mo ba ko maintindihan?! Wala akong pakialam sa sira ng kotse ko o kahit na ano diyan. Pero sana iniisip mo, paano na lang kung hindi ako nakaabot kanina?! Ano na lang nangyari sayo?!"

Ako ang iniisip niya? Nagagalit siya dahil muntik na akong masagasaan kanina. Tama ba ako ng iniisip?

"I'm sorry, ayoko lang na wala na kong maabutan, ayoko lang mawalan ulit ng isang taong mahalaga sa akin."

Naalala ko na naman ang Mommy ko. Naiiyak na naman ako dahil baka wala na kong maabutan sa ospital. Ayokong mawalan na naman ng mahal sa buhay.

"Sorry na. Huwag kang magalala hindi natin hahayaan may mangyari sa mommy mo. Magtiwala ka lang."

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon