Chapter 11: MOVING CLOSER

180K 2.7K 411
                                    

Chapter Eleven: MOVING CLOSER

GENESIS POV

“Pwede mo ng bitawan ang kamay ko…”

Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nasabi yan pero hanggang ngayon, hindi parin nya ako binibitawan at mahigpit parin ang kapit nya sa akin.

Mabuti na lang at nakabili ako ng pangdisguise kung hindi, siguradong problema na naman ito...

Ang hirap talagang maging gwapo hahaha...

Ayoko lang namang magkagulo at masaktan sya dahil alam ko kung papaano magalit si Vienne at alam ko din na sa ginawa ko, mas lalo syang magagalit sa akin.

Naalala ko pa noon, sa labas nya ako pinatulog dahil late akong umuwi tapos paggising ko, nasa loob na ng oven toaster yung ulo ko... mabuti na lang at hindi nakaplug yung cord nun kung hindi, see yeah heaven na ako.

“Bitaw…”

Pinipilit ko paring hilahin ang kamay ko pero ayaw nyang bitawan, ayoko namang manakit ng babae, kahit papaano naman may respeto parin ako sa kanila…

Kaso nga lang…

“Ayoko, once in a lifetime lang ito…”

“Umuwi ka na, kailangan ko pang bumalik sa studio…”

Mapapatay na ako ni Vienne nito at ng manager ko, ilang oras na akong nawawala at maggagabi na din.

“Uuwi lang ako kapag ikaw ang naghantid sa akin…”

May choice pa ba ako? Dahil nakahawak parin sya sa kamay ko, nagpatangay na lang ako sa kung saan man sya pupunta. Bahala na kung papaano ako tatakas mamaya.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon