CHAPTER 14 (EDITED)

258K 5.3K 511
                                    

Update Date: 08/18/2018

*THIRD POV*

Hindi napansin ni Ciara sa kakatakbo niya nakarating siya sa isang park ng school nila. Laking pasasalamat niya walang tao sa lugar na iyon, marahil nagsisipaguwian na ang mga ibang kaschoolmates niya.

Mas mabuti na rin dito malayo siya sa mga tao. Ayaw na ayaw pa naman ni Ciara na pinapakita niya sa ibang tao na mahina siya.

Oo para sa kanya, mahina na siya dahil sa isang lalaking nagngangalang Vince De Vera, umiiyak na siya.

*arf!*arf!*arf!*

Isang malaking akala lang pala niya na nagiisa siya. Napatingin siya sa puppy na nasa harapan niya. Teka, bakit parang pamilyar sa kanya ang asong ito?

Bakit parang kamuka nitong aso ang gustong niyang aso?

"OPPA!"

Isang cute na batang babae ang lumapit.

"Hello po! Ginugulo po ba kayo ni Oppa?"

Umiling lang si Ciara at umupo siya para makatapat niya ang batang babae. Pero hindi nakaligtas sa mata ng batang babae ang pamamaga ng mata niya.

"Oh no! Pinaiyak ka po ba ni Oppa?!"

"Hindi. Hindi siya ang nagpaiyak sa akin. Don't worry, little cute girl."

Nagulat na lang si Ciara dahil bigla siyang niyakap ng batang babae. At binigay sa kanya ang puppy niya.

"Hug ka na lang po namin ni Oppa para hindi ka na po sad. Huwag niyo na po iyakan iyon bad guy!"

Nagulat na lang si Ciara dahil sa konklusyon ng bata. Wala naman siyang sinabi na umiyak siya dahil sa isang lalaki. Pero siguro nga para sa isang bata, kapag umiyak ang isang babaeng tulad niya dahil iyon sa isang lalaki.

"Huwag ka pong mag-alala, ipapakilala kita sa Kuya ko. Promise! Makakalimutan mo ang lalaking nagpaiyak sayo!"

Natawa naman si Ciara sa sinabi ng napakacute na batang ito.

"Super gwapo po ang Kuya ko! Loyal pa po iyon, hinding hindi ka niya po lolokohin. Saka po hindi pa po siya nagkakagirlfriend. Inlove ka na po sa Kuya ko noh?"

HINDI SI VINCE DE VERA IYON. Iyan agad ang pumasok sa utak ni Ciara pagkarinig niya ng description ng Kuya ng bata. Bakit nga ba niya iniisip pa din ang lalaking iyon?

"Ashanti!"

"Ay ate, andiyan na si Kuya!"

"Hindi ito totoo." Si Vince De Vera nga ang lalaking parating sa kanila na tinutukoy na kapatid ng batang babae na kasama niya.

"Ashanti! Andito ka lang pala. Di ba sabi ko sayo huwag kang aalis sa tabi ni yaya?"

Napansin ni Ciara na halata sa mukha ni Vince ang pag-alala sa kapatid niya.

"Sorry na Kuya. Sinundan kasi namin si Ate Ganda. Nakita kasi namin siyang umiiyak habang tumatakbo."

Doon lang napatingin si Vince sa babaeng kasama ng kanyang kapatid at nagulat siya kung sino ito. Syempre hindi niya agad makakalimutan itong babae ito dahil siya lang naman ang babae kung bakit gulong-gulo ang utak niya.

"Kuya, may bad guy na nagpaiyak kay Ate ganda. Suntukin mo nga Kuya. Ang bad niya!"

Gustong matawa ni Vince sa sinabi ng kapatid niya. Paano naman niya masusuntok ang sarili niya?

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon