SPECIAL CHAPTER 4

139K 2.1K 271
                                    

(SPG) 😂😂😂

Alexandra's POV

Tumingin ako sa orasan at lumukot ang mukha ko ng makitang mag aalauna na ng umaga at hanggang nagyon hindi parin umuuwi ang lalaking 'yon.

Nagdadabog akong tumayo at pumasok sa kwarto ng prinsesa ko at maingat ko siyang hinalikan sa noo. Nakakatuwa lang na kahit ang bata pa ng prinsesa ko nakakayanan na niya matulog mag-isa sa sarili niyang kwarto.

"I love you my princess" bulong ko at inayos ko ang kumot niya at pinatay ko ang ilaw bago lumabas ng kwarto niya.

Ang sunod ko namang pinuntahan ay ang kwarto ni Caleb. As usual nagkalat na naman ang mga chess pieces sa sahig. Nilimot ko ito isa-isa at nilagay sa lalagyan at napailing ako ng makitang naka uniform parin siya.

"Ano ba ang nangyayari sayo anak?" bulong ko at kinumutan ko siya.

Kahit na pikit ang mata niya nakikita ko parin sa mukha niya ang lungkot. Alam ko na gusto niya si Avery pero may isa pa siyang babaeng nababanggit sa akin na hindi ko pa nakikilala.

Sunod ko namang pinuntahan ay ang kwarto ni Xander. Napakalinis ng kwarto niya at kahit isang gabok wala kang makikita. Lahat ng libro niya nakapatas at nasa magandang kinalalagyan ang pinakaiingatan niyang gitara na bigay pa ng Daddy niya sa kanya.

Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ko siya sa noo.

"Siguro pangalawa nalang ako sa buhay mo?" nakangiti kong tanong kahit na ang himbing ng tulog niya.

"Kasi may Avery na sa buhay mo."

Naalala ko pa nung bata pa sila ni Caleb. Palagi niyang sinasabi na hindi niya magugustuhan si Avery pero ngayon. Kahit naman nung bata pa sila nina Caleb alam ko na may gusto na si Xander noon kay Avery.

Lumabas na ako ng kwarto ni Xander bago pa siya magising. Dumiretso ako sa kwarto namin at pabagsak na humiga sa kama.

Napakababaw talaga ng lalaking 'yon. Sinabi ko lang sa kanya na ayaw kong makita ang pagmumukha niya bigla nalang siyang umalis at iiwan ako.

Gusto ko na siyang makita dahil gusto kong pang-gigilan ang pisngi niya at kagatin ang tenga niya.

Nagbukas ako ng fb acc ko at nagpost ng "Uwi kana Love, hindi na ako galit" na may kasama pang picture niya. Wala pang limang minuto nag comment agad siya ng "Sorry :("

Pinadyak ko ang paa ko at ipinikit ang mata ko dahil nakakaramdaman narin ako ng antok. Humanda sa akin 'yang lalaking 'yan. Malaman ko lang na nambabae siya gagabutan ko kung sino mang babae 'yon.

Magkakaroon ng Alexandra's Revenge part 2. Humanda ka talaga sa akin Love.

"Love"

Speaking of my husband, he's here..

"Anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong habang hindi ko siya sinusulyapan.

Magtimpi kalang Alexandra, makakagat mo din ang tenga niya. Huwag muna ngayon, magpalambing ka muna.

"You're my home" tipid niyang sagot at hindi ko napigilang mapangiti.

Umupo ako sa pagkakahiga ko sa kama at niyakap ko siya ng mahigpit. Kahit sa amoy niya naadik ako.

"I'm sorry Love" bulong ko sabay ng pagkagat ko sa tenga niya.

"Holy sh*t!" daing niya at pilit akong hinihiwalay sa pagkakagat ko sa tenga niya.

Nang magsawa ako binitiwan ko na ang pagkakagat sa tenga niya at hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at kinurot naman ito.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now