Chapter 27: The Letter

144K 3.6K 210
                                    

Chapter 27

Iminulat ko ang mata ko at naramdaman kong may malamig na bagay na nakapatong sa noo ko. Kinapa ko 'yon at inalis sa noo ko at ipinatong ko sa side table ang malamig na tuwalya na nakapatong sa noo ko.

Sumandal ako sa headboard ng kama at nilibot ang tingin ko at napadako ang tingin ko sa lalaking nakaub-ob sa gilid ng kama kung saan nakahiga ako.

"Drew?" tawag ko sa kanya nang bigla siyang tumunghay kaya nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya

"H-henry" gulat kong banggit sa pangalan niya at nakita ko ang lungkot sa mata niya dahil si Drew ang una kong binanggit.

"Are you feeling well? Do you want to eat?" nag aalala niyang tanong sa akin.

Nakatitig lang ako sa kanya habang kinakapa niya ang noo ko. Kaya ko bang bigyan siya ng space para sa puso ko.

He's my ideal man at bata palang ako hinihiling ko na sana makahanap ako ng lalaking magaling magluto, maalalahanin, gentleman at lahat ng 'yon na sa kanya.

Ang swerte ko nga dahil nakilala ko siya pero bakit parang hindi siya ang tipo ng lalaking hinahanap ko. Sabihin na natin na nasa kanya na lahat ang talentong gusto ko pero bakit parang may hinahanap parin ako.

Hindi naman sa choosy ako pero ayaw ko lang na masaktan siya ng dahil sa akin. Ayaw kong magpanggap na gusto ko siya kahit ang totoo hindi naman. Well, I kind like him pero hindi sapat 'yon.

"I'm sorry" biglang lumabas sa labi ko ang salitang 'yon.

Natigilan siya sa sinabi ko at muling umupo sa upuan sa tabi ng kama kung nasaan ako at tumitig sa mata ko. Nakikita ko sa mata niya ang lungkot kaya nahihirapan akong nakikita siya ng ganyan ng dahil sa akin.

Kung pwede ko nga lang turuan ang puso ko na mahalin ko siya matagal ko ng ginawa dahi hindi din naman siya mahirap mahalin.

"For what?" kunot-noong tanong niya habang nakatitig parin sa mata ko.

"Basta! I'm sorry" sabi ko at kinagat ko ang ibabang labi ko at iniwas ko ang tingin sa kanya dahil nakokonsensya ako.

Nahihiya din ako dahil hinayaan ko siyang halikan ako at ang mas nakakahiya pa dahil ginantihan ko siya ng halik.

Bigla niyang ginulo ang buhok ko at nagpaalam na magluluto lang daw siya ng kakainin namin dahil nagugutom na din siya.

Na-excite naman ako dahil matitikman ko ulit ang luto niya. Ang sarap niya kasi talagang magluto at naiinggit ako dahil kahit na babae ako hindi ako masyadong masarap magluto.

Nilibot ko ang tingin ko at nagbabakasakaling makita ko si Drew. Pero kahit anino niya hindi ko makita kaya lumungkot ang mukha ko dahil alam ko na sa ganitong oras na kasama na niya ngayon ang babaeng 'yon.

Lubusin na ng babaeng 'yon ang masayang araw na kasama niya si Drew dahil balang araw malalaman na niya lang na nasa akin na ang taong mahal niya

Tumayo ako at umaasang makikita ko si Drew pero wala talaga siya. Wala siya kahit sa favorite room niya na kung saan may punong-puno ng iba't ibang klase ng gitara.

Nalulungkot ako dahil hindi ko pa siya naririnig na tumugtog ng gitara.

Pagkapasok ko sa loob kaagad kong sinarado ang pinto. Namangha ako sa dami ng iba't ibang klase ng gitara na halatang galing sa iba't ibang bansa dahil iba-iba din ang klase.

Napansin ko 'yong isang gitara na kulay red ang design at nag-iisa lang na ganun ang kulay niya.

Parang 'tong gitara lang na 'to ang ang naiiba sa lahat ng gitarang nandito.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant