Chapter 18: Game Over ?

152K 3.7K 319
                                    

Chapter 18

Henry's POV

Pabalik na ako ng Room kung nasaan si Alexandra habang may dala dala akong isang supot ng pagkain. Alam kong gutom na gutom siya dahil mansanas lang ang kinain niya kanina.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kagabi ng makita ko siya nasa ganoong kalagayan siya na nakahiga sa sahig habang walang malay.

Pero hindi talaga ako nagkakamali dahil nakita ng dalawang mata ko si Yvette sa lugar na 'yon.

Lalapitan ko sana siya ng bigla siyang tumakbo paalis. Bakit hindi niya manlang tinunulungan ang kapatid niya at mas pinili niya pang umalis at iwan si Alexandra na nasa ganoong kalagayan.

Ano ba kasi talaga ang nangyari kay Alexandra. Hindi ako naniniwalang aksidente lang 'to.

Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko. Wow naman! Ang ganda ng bumungad sa akin. Magkayakap silang dalawa habang mahimbing na natutulog. Kahit masamit sa paningin pinagmamasdan ko lang silang dalawa  ng mapansin kong nagising si Drew.

Tumitig siya sa mukha ni Alexandra na ngayon ay mahimbing na natutulog. Hindi makatakas sa paningin ko 'yong mata niya na may halong pag aalala habang nakatitig sa mukha ni Alexandra na para bang siya lang ang babaeng nakikita niya sa mundong ito.

"Stupid, next time be careful" sabi niya at hinaplos ang buhok nito.

Umalis na ako sa lugar na 'yon ng hindi niya napapansin. Hindi ko pa kayang bumalik doon dahil nasasaktan ako sa nakita ko kaya naisipan ko munang umuwi ng mansyon namin.

Babalik ako doon kapag medyo humilom na ang kirot ng puso ko at alam ko naman na aalagaan niya si Alexandra.

Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ni Drew pagdating kay Alexandra. Yes! Palagi niyang sinasabi na walang magandang maidudulot sa kanya si Alexandra pero bakit gano'n? Iba ang nakikita ko sa mata niya sa tuwing nakatingin siya kay Alexandra.

Hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman na may gusto siya kay Alexandra. Siguro hindi niya lang maamin sa sarili niya na may gusto siya kay Alexandra dahil may girfriend siya.

Namalayan ko nalang na nasa garahe na ako ng mansyon. Pagpasok ko palang ako sa loob ng mansyon nv makasalubong ko si Maxine na kapatid ni Drew na palabas pa lang.

Nagulat siya ng makita ako kaya nginitian ko siya ng bigla siyang namula.

"K-kuya Henry" gulat niyang banggit sa pangalan ko habang namumula parin ang mukha niya.

"How are you?" tanong ko sa kanya dahil ngayon ko lang ulit siya nakita.

"I'm fine, how about you po Kuya?" tanong niya

"I'm fine, anyway! What are you doing here?" gulat kong kong tanong dahil wala naman ata dito ang kapatid ko na kaibigan niya.

"I'm visitin----" hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang dumating si Harold na kapatid ko at inakbayan siya.

"Namiss niya ako kaya siya nandito. Diba utol?" tanong ni Harold kay Maxine at nakita kong kinindatan niya si Maxine.

Matagal ko nang napapansin na may gusto si Harold kay Maxine pero torpe lang kapatid ko.

Hindi mo aakalain na ang isang sikat na artistang tulad niya natotorpe lang ng dahil sa isang babae.

"O-opo Kuya Henry" nauutal niyang wika at siniko si Harold sa bewang.

"Okay, akyat na ako sa taas. I need some rest" I said with a smile

Ginulo ko ang buhok ni Maxine at pumunta sa kwarto ko at nagkulong. Sasabihin ko naba ang tunay na nararamdaman ko kung sa tingin ko naman ay wala na akong pag asa sa kanya.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant