Chapter 25: He's Jealous ?

147K 3.4K 370
                                    

Chapter 25

Dumapa ako at sinubsob ko ang mukha ko sa malambot na unan kasabay ng pagtakip ng dalawa kong kamay sa magkabila kong tenga dahil sa naririnig ko.

"Oohhh-- b--babe ahh"

"Sh*t" mura ko dahil kahit anong gawin kong pagtatakip ng tenga ko naririnig ko parin ang ugol na nangga-galing sa kabila.

Bakit ba napakamalas ng buhay ko. Marami naman akong pera pero nandito ako ngayon sa Motel at nagtitiis.

Bakit naman kasi puno lahat ang hotel tapos kapag condo naman ang binili ko posibleng sa iisang building lang kami ni Drew.

Ang masaklap pa doon maaaring magkatabi kami ng condo dahil balita ko umalis ang nakatira sa katabi niyang condo.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko at binato ang sapatos ko sa dingding nang katabi ko at nakahinga ako ng maluwag dahil tumahimik na sila sa karumaldumal na ginagawa nila.

Saan ba ako titira ngayon? Kaasar naman dahil ang babaeng 'yon dapat ang nakakaranas ng ganito at hindi ako.

Paano kaya kung magpagawa ako ngayon ng bahay para doon nalang ako titira habang buhay. Napailing ako sa naisip ko dahil kapag nagpagawa ako ng bahay siguradong taon pa bago ako makatira doon.

Lumabas ako para kumain sa isang mamahaling restaurant dahil gutom na gutom na ako at wala na akong pakealam kung nagmumukha akong patay gutom sa harap ng maraming tao.

Pake ba nila, hindi naman sila ang tataba.

"Si Alexandra"

"OMG"

"Bakit hindi niya kasama ang boyfriend niya?"

"Sayang"

Napailing nalang ako ng marinig ko ang bulungan nila kaya mabilis kong tinapos ang pagkain ko at kaagad na nag iwan ng pambayad para sa kinain ko.

Ang sarap pa naman enjoyin ang pagkain pero mahiranap na at baka pagkaguluhan nila ako doon edi mas lalo akong nagutom at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na sila ang lamunin ko.

Saktong nasa labas na ako ng restaurant ng makasalubong ko ang babaeng kinaiinisan ko ng sobra at ang lalaking nanakit sa puso ko.

Wow naman! Ang liit talaga ng mundo dahil nagtagpo kaming tatlo.

"Oh! Hi Alexandra" plastic na sabi ng babaeng 'yon sa akin at pagkatapos lumingkis siya kay Drew.

Tumingin ako kay Drew at hindi talaga siya makikilala ng mga tao dahil naka sumbrero siya at may suot din siyang sunglasses.

Pero kahit naka-sunglasses siya alam kong nakatitig siya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pekeng ngumiti sa babaeng plastic na nasa harapan ko.

Kung kami lang talaga ang nandito ng babaeng 'to hindi ako magdadalawang isip na sampalin siya ng sobrang lakas.

Hindi ako makapaniwala na pinili ni Dad ang babaeng 'to kaysa sa akin. Sisiguraduhin kong magpapasalamat sa akin si Dad sa oras na malaman niya ang tunay na ugali ng babaeng 'to.

"Ikaw pala?" kunwari gulat kong sabi ng bigla siyang ngumisi at pagkatapos pinakita niya ang magkahawak nilang kamay ni Drewm

Iniwas ko ang tingin ko sa kamay nilang magkahawak at nakangiting tumingin sa babaeng 'yon habang pinapatay ko na siya sa isip ko.

"The one and only little sis, kamusta ang paglalayas?" nakangisi niyang tanong kaya lumapad ang ngiti ko.

"What?" gulat na tanong ni Drew.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon