Chapter 49: Forgive

157K 3.3K 155
                                    

Chapter 49

Drake Andrew's POV

"OH MY GOD KUYA" rinig kong sigaw ni Maxine pero hindi ko siya pinansin dahil muli akong lumagok ng alak na hawak ko.

"You looked so miserable" dugtong niya at nakikita ko ang awa sa mata niya. D*mn!

"Leave me alone"

"I hate you Kuya, bakit ka ba nagkakaganyan? It's been a MONTH Kuya noong araw na malaman mo na may anak na si Ate Yvette tapos nagmumukmok kalang dito at nagpapakalasing. Hindi na kita kilala dahil ang kilala kong Kuya ay matapang at lumalaban. I need you Kuya, your company needs you. Ate Alexandra needs you."

"Fvck! Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya akong lokohin sa loob ng tatlong taon," wika ko at sinabunutan ko ang sarili ko dahil hindi talaga ako makapaniwala na pinahmukha akong tanga ni Yvette sa loob ng 3 taon.

Hindi ko alam ang naging reaction ko noong araw na malaman ko na may anak na pala ang babaeng ginawa kong mundo. Damn it!

Tatanggapin ko naman ang bata kahit na hindi ko kadugo pero bakit kailangan niya pang maglihim sa 'kin sa loob matagal na panahon? Pinagmukha niya akong tanga!

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. I really love Alexandra pero nauuna ang nararamdaman kong galit para sa kanya.

Ginamit niya lang ako para saktan ang kapatid niya at ako naman 'tong gago na hinayaan lang siyang gamitin ako

She planned all this. I hate her so much. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya.

Sobrang hulog na hulog na ako.

"Move on Kuya, hindi 'yong nagmumukmok ka lamang dyan at walang ginagawa. Harapin mo ang bagong umaga na kasama si Ate Alexandra. Pinagmumukha mo siyang tanga Kuya dahil araw araw siyang nasa labas ng condo mo habang walang sawa sa pag-iyak at humihingi ng tawad sayo pero hindi mo manlang siya pinagbubukas para pakinggan ang side niya. She loves you so much at bago pa siya tuluyang mawala sayo gumawa kana agad ng paraan."

"What?" kinuyom ko yung palad ko dahil sa sinabi niya.

I hate myself, I'm sorry my Love. I love you so much and I missed you damn much, love.

"Pinabibigay ni Ate Alexandra."

Hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay na isang bagay doon. Walang iba kundi ang kwintas na ibinigay ko sa babaeng mahal ko. The sign of my Love.

"D*mn..."

I love you, Alexandra..

~~~~~~~~~~~~~~

Alexandra's POV

Tumaas ang kilay ko nang makita kong papalapit sa akin si Ate Yvette at ang anak niyang si Angel.

"What?" tanong ko sa kanilang dalawa dahil parang isa silang kabute na bigla nalang susulpot sa paningin ko.

Lumapit sa akin si Angel at niyakap ako. Magaan ang loob ko sa kay Angel pero hindi ko alam kung bakit, dahil ang alam ko ayaw ko sa mga bata pero sa isang batang cute na 'to hindi ko siya matanggihan.

"Tita Alex" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi kaya napangiti nalang ako dahil sa ka-sweetan niyang taglay.

"What are you doing here?" tanong ko kay Yvette habang nakataas ang isa kong kilay na nakatingin sa kanya.

Nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ng makitang lumuhod siya sa harapan ko habang may tumutulog luha sa mata niya.

Hindi ba't ito naman ang gusto kong nangyari. Ang makitang lumuhod siya sa harapan ko habang umiiyak.

Naiinis ako sa sarili ko kasi nasasaktan ako habang nakikita ko siyang ganito. Matagal kong pinangarap na mangyari ito pero bakit ang sakit? Ang sakit na makita siyang nasa ganitong kalagayan.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now