Chapter 1: The Beginning

504K 6.9K 967
                                    

(For those asking kung may Book 1 'tong story. WALA PO, 'to na ang book 1. Salamat:)

Chapter 1

Tumingin ako sa paligid at lumapad ang ngiti ko nang wala akong makita na kahit sino. Hindi ko talaga mapigilan na mapangisi sa pumapasok sa utak ko na gagawin ko.

Pumasok ako sa kwartong ng babaeng 'yon ng matagpuan ko ang mamahalin niyang dress na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang kama. Saan kaya pupunta ang babaeng 'yon?

Nilabas ko sa loob ng bulsa ko ang dala kong gunting at umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kaniyang dress niya at pinagmasdan.

Napairap ako nang mapansin ko kung gaano kaikli ang dress na 'to. Hindi na nakakapagtaka kasi may katangiang tinatago ang babaeng 'yon.

"Bakit ganun? Kahit anong titig ko sa dress na 'to ang pangit pa rin talaga sa paningin ko?" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan 'yon.

Mamahalin ang dress na 'to at sabi ng marami na maganda raw. Pero sa pagkakaalam ko lang ang salitang maganda ay nagmumula sa akin hindi sa cheap na dress na 'to na design ng epal na babaeng 'yon.

Bago pa dumating ang babaeng 'yon ay sinimulan ko na ang plano ko sa pagsira ng dress niya. Ano nga ba ang ginawa ko?

Simple lang ginupit ko lang naman ang dress niya na tipong kapag sinuot mo pati singit mo makikita.

"Beautiful!" bulong ko at inilapag ng maayos ang dress na sinira ko.

Mas gumanda na sa paningin ko kasi sirang-sira na.

Ang lapad ng ngisi sa mga labi ko habang patungo ng salas at binagsak ko ang aking sarili.

Nakita ko siyang paakyat ng hagdan. Mas lalong lumapad ang ngisi ko at inilabas ang aking phone habang hinihintay ko siyang puntahan ako.

Wala namang iba siyang maiisip na gumawa nun sa dress niya kundi ako. Walang iba kundi ako at proud ako roon. Napaka-epal kasi niya sa buhay ko edi lulubusin ko na mapalabas ko lang ang kaniyang totoong kulay.

"Bakit naging ganito?" Pinakita niya iyong sinira ko.

Nginisian ko siya at pinagpatuloy ang pagtitipa sa phone ko habang umiinom ng wine. Pasimple akong umirap dahil obvious naman na gupit gupit na ang dress niya tapos tatanungin niya pa sa akin.

"Alexandra!" pagdababog niyang tawag sa pangalan ko kaya tumingin na ako sa kanya.

Nilapag ko ang hawak kong baso at tumingin sa kanya kasabay ng pagtaas ko ng isang kilay.

"Shut up, will you? And about your ugly dress, hindi mo ba nakikita na gupit gupit na 'yang ukay ukay mong dress, so cheap!" wika ko at inirapan siya.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang inis na nararamdaman niya sa ginawa ko.

Gusto ko na sumabog siya. 'Yong tipong hindi na siya makakaligtas sa pagsabog niya kasi hindi na nakayanan ng katawan niya ang ugali niya.

Nakakairita siyang makita. BWISIT!

"Ikaw ba ang gumawa nito? Anong kasalanan ko para sirain mo 'to? Sorry kung may nagawa man ako," paawa niyang wika habang nagpa-puppy eyes. Hindi siya cute, mukha siyang BULLSHIT!

Inirapan ko lang siya, tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at sinanggi ko siya. Muntik na siyang mabuwal dahil sa lakas ng pagkakabunggo ko sa kanya samantalang ang lapad naman ng ngisi ko.

"Oppss! Akala ko poste." Nakataas pa rin ang sulok ng labi ko habang nakamasid sa kanya.

"Pwede bang umalis ka riyan sa kinatatayuan mo? Nagmumukha ka talagang poste sa paningin ko," saad ko kasabay ng pag-irap ko sa kanya.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon