Chapter 44: Questions

145K 3.3K 302
                                    

Chapter 44

"Alexandra" biglang tawag sa akin ni Henry.

Hindi ko siya pinansin dahil tulala parin ako sa nangyari kanina. Totoo bang hinalikan niya ako kanina at sinabi niyang mahal niya ako.

Hindi ko alam na nakahawak na pala ako sa labi ko habang nakatingin sa daan kung saan siya tumakbo kanina ng saktong bumukas ang ilaw dahil tapos na pala ang movie.

"N-nakita mo ba si Drew kanina?" tanong ko sa kanya dahil baka isang malaking joke lang ang nangyari kanina. Sana totoo nalang..

"Hindi ko siya nakita kasi ang alam ko nasa Russia parin siya hanggang ngayon dahil sa problema ng kompanya niya."

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Siguro nga isang malaking imahinasyon lang ang paghalik niya sa akin kanina pero parang hindi eh dahil ramdam ko parin ang malambot niyang labi sa labi ko.

"I love you Alexandra, I really love you." muling pumasok sa utak ko ang katagang lumabas sa labi niya kanina.

Huwag mong sabihin na pati ang pagyakap niya sa akin kanina ay malaking imahinasyon ko din at malaking joke naman ang pagsabi niya na mahal niya ako.

Gusto kong matawa dahil lumalawak na pala ang imahinasyon ko at maganda siguro kung maging isang writer nalang ako para mapakinabangan ang utak ko.

"You okay?" nag-aalala niyang tanong.

"Y-yeah" sagot ko kahit ang totoo ay hindi.

Lumabas na kami ng sinehan dahil tapos na ang palabas. Wala akong balak alamin kung ano ang naging ending ng movie na 'yon. Baka kumulo lang ang dugo ko kapag nalaman ko.

"Gosh! Hindi ko talaga akalain na isa pala sa cast si Drake Cortwar."

"Oo nga at bagay na bagay sila nung girl."

"Kahit na gwapo siya mas gwapo parin para sa akin si Harold."

"Yung kissing scene nila ni gurl hindi ko talaga kinaya. Sheett!"

Hindi ko alam na ang sama na pala ng tingin ko doon sa mga babaeng nag-uusap. Sige lang iparinig pa nila sa akin para mas lalo akong maasar at gabutan sila ng sabay-sabay.

Sabihin na nating warfreak ako kahit na 'yon naman ang totoo lalo na kapag sinasagad ang pasensya ko.

"Don't" biglang sabi ni Henry at umiling siya dahil napansin niya siguro na ang sama ng tingin ko sa mga babaeng 'yon.

"Wala naman akong gagawin sa kanila ah!" depensa ko kahit ang totoo gusto ko na silang lapitan.

Naramdaman kong ginulo niya ang buhok ko na mabilis ko naman inayos.

"Let's eat" aniya at hinawakan ang wrist ko at marahang hinila.

Naisipan naming kumain nalang sa Jollibee dahil bata palang talaga ako favorite ko ng kumain dito.

Namiss ko bigla si Dad at kahit na gusto ko siyang puntahan hindi ko magawa dahil nagtatampo parin ako sa kanya. Miss na miss ko na talaga si Dad.

"I'm sorry"

"Fow what?" nagtataka kong tanong kay Henry dahil bigla nalang siyang magso-sorry ng hindi ko alam ang dahilan.

"Sa hindi pagsasabi sayo na isa si Drew sa cast ng movie ni Harold. Kanina ko lang din nalaman ang tungkol doon ng bumili ako ng ticket kanina. Hindi ko naman nasabi sayo dahil gusto kong mapanuod si Harold na kasama ka." malungkot niyang wika.

"Okay lang 'yon dahil wala ka namang kasalanan kaya huwag mong sisihin ang sarili mo." nalangiti kong wika at gumaan ang loob ko ng makita ko siyang ngumiti.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon