Chapter 47: Pervert

158K 3.4K 232
                                    

Chapter 47

Padabog akong umupo sa couch habang nakanguso at naka cross arm na nakatingin kay Drew.

Nakaasar kasi siya dahil sa halip na lambingin ako ng lalaking 'to nakangisi lang siya habang nakatingin sa akin at alam ko naman na inaasar niya lang ako.

"What?" natatawa niyang tanong habang hawak ang tiyan niya dahil sa pagtawa.

"I hate you" nakanguso kong wika at inirapan ko siya.

"I love you too" malambing niyang sabi at kinindatan ako na ikinapula ng mukha ko.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko mapigilang kiligin dahil sa sinabi niya at dahil na din sa pagkindat niya sa akin.

Napangiti ako ng maalala kong malapit na nga pala ang birthday ng babaeng 'yon. Sobrang excited na talaga sa birthday ng babaeng 'yon. Sa tingin ko nga mas excited pa ako sa birthday niya kaysa sa kanya.

Isang linggo nalang at B*tchSlvtDay na niya. Malapit na niyang mapanuod ang birtday greeting ko sa kanya na paniguradong maiiyak siya at hindi lang 'yon dahil mapapaluhod pa siya dahil sa sobrang pag-iyak habang pinapanuod ang birthday greeting ko na hindi nya na hindi niya makakalimutan.

Wait for me Ate dahil hindi pa tayo tapos dahil ang relasyon niyo lang naman ni Drew ang malapit ng magtapos.

Minsan natanong ko si Drew kung anong na ang meron sila nang babaeng 'yon kaso ayaw niyang sagutin. Halata naman na ayaw niyang pag usapan ang babaeng 'yon.

Minsan sumagi sa isip ko na baka ginagamit lang ako ni Drew para saktan ang damdamin ko pero mukha namang hindi dahil pinaparamdam niya naman na mahal niya talaga ako.

"Love" malambing niyang tawag sa akin at namalayan ko nalang na nakaupo na siya sa tabi ko habang naka-akbay ang braso niya sa sofa kaya parang nakaakbay na dib siya sa akin.

"Yuck! Don't come near me" irita kong sabi at pilit ko siyang tinutulak palayo sa akin dahil naiinis talaga ako sa kanya.

"I'm just telling the truth." natatawa niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Kilig na kilig na ako kanina habang yakap niya sa bisig niya tapos maririnig ko nalang na ang flat chested at bansot ko dahil para daw siyang may kayakapang 7 years old.

Kumulo ang dugo ko kanina dahil sa sinabi niya at kahit na mahal ko ang lalaking 'to hindi ako makakapayag na sabihan niya lang ng ganun.

"Shut up" mataray kong wika at inirapan ko siya.

Lumapit ulit siya sa tabi ko kaya agad akong lumayo sa kanya. Tuwing iipod  ako palayo sa kanya lumalapit naman siya sa akin. Paanong hindi ako lalayo sa kanya dahil ang HOT niya.

Naka-bukas lang naman kasi ang dalawang botones niyang suot at sobra talagang nakakaakit sa paningin ko. Ano ba 'tong iniisip ko? Pervert na ako? NOOOOO!!

 Ano ba 'tong iniisip ko? Pervert na ako? NOOOOO!!

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.
Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora