Chapter 42: Invitation

140K 3.4K 372
                                    

Chapter 42

Naka cross arm ako habang may kinukuha ang babaeng 'yon sa loob ng bag niya.

Ano kayang kailangan ng babaeng 'to at inistorbo ako. Naiinis ako sa kanya dahil siya ang mahal ng mahal ko.

Sabihin na nating 2 years na silang may relasyon pero naiinis talaga ako sa kanya. Paano niya kaya nagustuhan ang babaeng 'to e mas malandi pa sa malalandi.

"Here" sabi niya at may inabot na kulay pink na sobre sa akin kaya kumunot ang noo ko habang nakatingin sa sobre na ibinigay niya.

Don't tell me gusto niyang lagyan ko ng pera ang sobreng binigay niya. Kung 'yon nga hindi ako magdadalawang isip na lagyang ng piso ang koob ng sobreng 'to dahil ang isang tulad niya cheap in short PLASTIC!!

"Death certificate mo? Sosyal naka sobre" nakangisi kong wika ng mapansin kong sumama ang itsura niya.

"You better read it, bitch" inis niyang sabi habang ang sama parin ng tingin niya sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil wala naman akong pakealan kung tawagin niya akong Bitch.

I'm Bitch Alexandra at proud ako doon at kapag ayaw ko sa isang tao pinapakita ko talaga ang tunay kong ugali kaysa makipag-plastikan para lang masabing mabait.

"It's better to become bitch than to be malandi just like you. Thank you for this d*mn invitation. Oo nga pala! Hindi ka ba nagsasawang lumandi? Pero sabagay hobby mo nga pala 'yan." nakangisi kong wika at tinabig ko ang isang baso ng juice sa mesa kaya natapunan ko siya.

"Oppss! Hindi ko sinasadya at kung wala kang panyo huwag kang mahiyang utusan ang mga waiter na punasan ka. Wala namang kaso 'yon sayo dahil madami na ang nakahawak sayo " nakangisi kong wika habang ang sama ng tingin ko sa kanya.

"Arrrggghh" inis niyang sigaw at hinampas ng malakas ang mesa.

Lumabas ako ng may ngiti sa labi ko. Hindi mawala sa isip ko ang itsura niya na para bang bubuga na ng apoy dahil sa galit. Hindi niya siguro matanggap na malandi siya.

Binasa ko ang invitation na binigay niya at sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang inimbita niya ako sa BIRTHAY PARTY niya.

Kailangan ko ng paghandaan ang birthday greeting ko sa para ATE ko. Siguradong luluha siya sa oras na mapanuod niya ang birthday greeting ko para sa kanya.

Makakapaghanda pa ako dahil sa isang buwan pa ang birthday ng babaeng 'yon.

Bibigyan ko siya ng alaala na hindi niya makakalimutan. Sinasagad niya ang pasensya. Hindi ako titigil hanggat hindi siya nagbabayad sa lahat ng ginawa niya sa akin.

---------------

Yvette's POV

"ARRGGHH" sigaw ko sa inis at ibinato ko ang isang baso ng alak na hawak ko.

Hindi ako papayag na ginaganun niya lang lang ako. Ginagalit talaga ako ng babaeng 'yon. Mas lalo akong nakaramdam ng galit dahil inaagaw niya sa akin ang BOYFRIEND ko.

Kahit hindi sabihin sa akin ni Drew ang nararamdaman niya para sa babaeng 'yon alam kong may nararamdaman siya para kay Alexandra.

"Drew is mine dahil ako lang ang mahal niya kaya ako lang ang makakasama sa huli." gigil kong sabi.

Akin lang si Drew dahil siya ang kasama ko noong pumanaw si Mom kaya noon pa man magkakakilala na kami simula ng mga bata pa kami at hindi ko pa kilala ang babaeng 'yon.

Hanggang sa nakilala ko si Henry na kaibigan niya at sa matagal na panahon na kaming magkakasama hindi ko napigilan ang sarili ko na magustuhan din siya.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now