Chapter 40: Falling Apart </3

136K 3.4K 146
                                    

Chapter 40

"Where's my phone?" Irita kong wika dahil hindi ko makita ang phone ko sa loob ng hermes bag ko.

Nilibot ko na ata bawat sulok ng condo ko hindi ko parin talaga makita ang phone ko. Hindi naman pwedeng mawala 'yon dahil doon nakalagay ang kalandiang taglay ng babaeng 'yon.

Paano na 'yan? Ang daming videong nakatago doon at may diary din ako doon na halos lahat ata ay tungkol kay Drew.

"Hala" agad na lumabas sa bibig ko dahil naalala ko na naihulog ko ang phone ko sa loob condo ni Drew.

Hindi ko na kaagad nalimot ang phone ko dahil halo halong emosyon ang nararamdaman ko ng makita ko silang nasa ganoong sitwasyon.

Hindi pwede! Hindi niya dapat mabasa ang diary kong nandoon na halos lahat ay tungkol sa kanya.

Kaagad akong pumunta ng parking lot ng building ng condo ko at kaagad na sumakay ng sasakyan ko. Kailangan kong makuha ang phone ko kahit na makaharap ko pa siya.

Iisipin ko nalang na wala akong nararamdaman sa kanya. Ayaw kong maging mahina sa harapan niya at hindi niya dapat malaman na may nararamdaman ako para sa kanya.

Pagkadating ko sa tapat ng building ng condo niya kaagad kong tinali ang buhok ko at sinuot ko naman ang sumbrero ko at isinuot ko din ang sun glasses ko.

Mahirap na dahil paniguradong hinahanap ako ng mga reporter ngayon dahil sa nalaman nila na hindi naman talaga ako ang totoong girlfriend ni Drew.

Hindi nga ako nagkamali dahil ang daming reporter na nag-aabang sa labas ng pinto ng condo niya.

"Paano ako makakapasok sa loob kung ang daming reporter sa labas" inis kong sabi sa sarili ko at mariin kong kinagat ang ibabang labi ko.

May nakita akong matanda na may dalang tuwalya na mukhang dadalhin niya sa loob condo ni Drew.

Kaagad ko siyang pinigilan ng mapansin ko na pilit niyang inaaninag ang mukha ko kaya bahagya akong yumuko para hindi niya ako makilala.

"Pweden bang ako nalang ang magbigay doon sa may ari ng condo na 'yon?" tanong ko at tinuro ko 'yong pinto kung nasaan ang condo ni Drew.

"Sorry po Miss, bawal po dahil malalagot ako kapag nalaman na hindi ko ginawa ang trabaho ko at baka mawalan ako ng trabaho pag hinayaan kong kayo ang magdala nito sa kanya. Pasensya na" aniya at akmang aalis na ng pigilan ko siya.

"Please" pagmamakaawa ko.

"Sige na nga po basta ba ibibigay niyo lang po 'to kay Mr. Cortwar at pag naibigay niyo na po 'to sa kanya lumabas na agad po kayo dahil baka may makakita sayo."

"Salamat po" natutuwa kong sabi at kinuha ko 'yong tuwalyang hawak niya.

Sakto namang may lumabas sa condo ni Drew. Si Maxine pala ang lumabas ng condo niya kaya kaagad akong pumunta patungo sa condo ni Drew.

Napansin kong bawat galaw ko ay nakatitig sa akin halos lahat ng reporter na nandito dahil minumukhaan nila ako.

Mabuti nalang at naiwang nakaawang ni Maxine ang pinto ng condo ni Drew kaya kaagad akong pumasok at mabilis na sinarado ang pinto.

Pagkapasok ko palang sa loob ng condo niya naramdaman ko na naman ang sakit na naramdaman ko kahapon.

Gumaan ang loob ko ng mapansin kong wala dito si Drew. Saan ko nga ba naipatak ang phone kahapon dahil hindi ko talaga matandaan kung saan ko naipatak ang phone ko.

Bawat sulok ng loob ng condo niya nilibot ko na. Hindi ko talaga makita ang phone ko kaya nanlulumo akong umupo sa gilid ng kama niya.

Hindi talaga pwedeng mawala 'yon dahil nandoon ang video ng kalandian ng babaeng 'yon. Paano kung nabasa na nii Drew ang diary ko?

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now