Special Chapter

152K 3K 121
                                    

Special Chapter

Nakangiti ako habang nakatingin sa ibaba ng veranda habang pinagmamasdan ko ang kambal ko. Ang bilis ng panahon dahil 13 years old na silang dalawa.

Habang tumatagal napapansin ko ang kasungitan ni Xander lalo na sa tuwing nandito si Avery na anak ni Irish.

Mabuti nalang talaga at hindi nila tinuloy abg plano nila na may POCKY ang first name ng pangalan ng magiging anak nila dahil alam kong mahihirapan talaga ang anak nila.

"Alexandra" tumingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Irish na buhat ang baby boy niya.

"Hi cuttie" masaya kong bati kay Baby Jerome at kinarga ko 'to.

Ang cute kasi ng batang 'to at 2 years old na siya pero nagpapabuhat parin. Simula ng magka anak ako naging mahilig na ako sa bata na hindi ko naman hilig dati.

"Napabisita ka" sabi ko kay Irish at umupo sa gilid ng kama.

Umupo siya sa tabi ko at ngumuso. Hindi parin talaga nagbabago ang babaeng 'to. Dalawa na ang anak niya hindi parin nawawala ang pagiging childish niya.

"Kasi si Avery palagi nalang umiiyak kapag nanggagaling dito." Nakanguso niyang sabi.

"I think may gusto si Avery sa isa sa kambal." dugtonh niya.

"I don't think so, wala naman problema sa akin kung magkagusto si Avery sa isa sa kambal. Kapag umiyak lang talaga ulit si Avery ng dahil sa kanilang dalawa malilintikan talaga sila sa akin." wika ko.

"I arrange na kaya natin sila?" sabi niya habang ang lapad ng ngiti niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Gaga, hindi ba't sinusumpa mo ang arrange marriage dahil muntikan ka ng ikasal sa taong hindi mo mahal. Hayaan natin sila at kung sino ang mahal nila edi ayun ang pakasalan nila. Mahirap magpakasal sa taong hindi ka naman mahal." sabi ko kaya tumango siya.

"Oo nga no, pero gusto ko na isa sa kambal ang makatuluyan ng anak ko" nakanguso niyang wika.

"Ewan ko sayo" natatawa kong sabi.

Okay lang naman talaga sa akin kung sino sa kambal ang mahalin ni Avery. She's a nice girl, masayahin at magalang. Kaya dapat ang isang tulad niya ay hindi pinapaiyak.

"Gotta go na, hanap na kasi kami ni POCKY Labs ko. Ikaw muna ang bahala kay Avery dahil siguradong magpapaiwan siya dito para makipaglaro sa kambal." wika niya at hinalikan ang pisngi ko.

"Sige, ingat" paalam ko at hinalikan ko din sila sa pisngi.

Namimiss ko na si Love dahil nasa Australia siya ngayon dahil kailangan siya ng kompanya niya do'n. Hindi naman pwedeng pabayaan ang kompanya niya dahil malaking kawalan 'yon.

Speaking of Bianca at Henry, meron na silang baby girl. Mabuti nalang mabilis na nag work ang relasyon nila. Bago sila ikasal ay mahal na nila ang isa't isa.

Nagpapasalamat talaga ako dahil mabilis naka move on sa akin si Henry. Masakit kaya na magpakasal kapag hindi naman mahal nila ang isa't isa.

Si Ate Yvette naman ay kasal na sila ni Vince. Mabuti nalang talaga mabait si Vince at tinanggap niya ng buong puso si Angel. Hindi na kami nag aaway ni Ate Yvette dahil para na ngang magkakabit ang bituka namin dahil sa pagiging close naming dalawa.

Lumabas ako at nakita kong masayang nag uusap si Caleb at Avery samantalang si Xander naman ay nakaupo lang sa damuhan habang nag-gigitara.

Lahat ata ng talentong meron si Love ay nakuha ni Xander. Magaling mag gitara at maganda ang boses at ang pagiging masungit.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon